Tuesday 2:35 pm. - unumpisahan ko nang gawin ang seating arrangement na pinapagawa ni Ms. Maalindog.
Buti na Lang binigyan ako ni Tito Victor ng laptop nung huli silang dumalaw dito.
Si Tito Victor Ang panganay na anak nila Lolo at Lola. Lima silang magkakapatid, kasama si Tito Vener, si Tito Vergie, si Tita Veronica at si mama Vanessa.
Maria Vanessa Lacuesta, ang pinpagmulan ni Japeth Lacuesta. Sino kaya pumili ng pangalan ko... sa totoo lang ayoko ng Japeth... seems to me that Japeth is a name for a simple, sweet and straight boy who would never go old.
---line cut---
Japeth: Sir writer huwag po ako pa-englisin baka po hindi ko mapangatwanan hanggang sa huli.
Writer: LoL, kala ko magugustuhan.
---Open Line---
"Di po ba dear readers"... Ang pangalang Japeth ay walang katumbas na pangalan pag tumanda na... Mang Japeth.. parang tumanda ka lang pero hindi naman nag-mature.
Kung babae naman pangit din... Japetha o Japethine, pang korny sa totoo lang.
At kung naging bading magiging Japhwet... "Ewwr! kadiri".
Hindi katulad ng Joselito pwedeng Joselita kung babae... eh pag tumanda Mang Jose, o Mang Lito pwede.
Erickson. Pangalan na pang lalaki talaga...hindi pwede sa babae o sa bading... magugustuhan nyo ba kung "Ericksonna" ang pangalan nyo?
"Erickson... Bakit kanina pagkadinig ko pa lang sa pangalang Erickson iba ang taginting sa tenga ko, kaya nga napalingon ako sa kanya at ang bwiset na yun kinandatan ako na parang nagustuhan ko naman.
"Aba naku"! parang iba na 'to. Ito na ba yung CRUSH, tapos pagnakikita mo yun crush mo bigla kang magba-BLUSH.
Huwag naman sana muna ngayon yang mga crush, crush na yan... unfair Kay Etong... tagal na niyang sinasabi na gusto nya ko... pero teka... teka...teka lang... what if... pasakay lang pala ni Etong yun at kung sumakay naman ako saka ako ibaba kung saan saan lang.
"Oo nga ano"!? may lalaki ba talaga na iibig sa... Uhmmp... huwag aaasa para hindi masaktan.
Balik tayo sa pangalan ko.
"eh nandyan na yan kaya Japeth, Japeth, ang itawag nyo sa akin.
Tapos ko na i-type sa excel lahat ng mga pangalan... kahit patuldok tuldok lang dahil hindi pa rin naman ako marunong mag-type.
Pero paano ko ilalagay sa box itong mga pangalan at dapat medyo malalaki... kahit anong try gawin ko walang nangyayari... alam kaya ni Etong ito?
Text ko nga si Etong.
---Etong 2lngan m aq d2 sa pnggw n mam Maalindog. plz ---- (send)
after 30 minutes... nag text si Etong...
---pnta n kmi bhay nyo snya L8 play me bsktbal ksm kuya Aaron.
-_-
Ilang sandali pa may tricycle sa harap... bumaba ako napalunok ako sa... Omg! Ang magkuya mga naka-short hubad ang mga sando na nakasampay sa mga balikat nila dahil basa ng pawis... amoy ko ang pawis nila masarap amoy amuyin hindi masangsang.
Hindi ko malaman kung kanino ako titingin... pinagpapawisan na rin ako... ngayon ko lang nakita si Etong na nakahubad at ang kuya nya para silang pinagbiyak na bunga mas matangkad nga lang si Aaron dahil panganay ito at pormado na ang katawan ni Aaron, malapad na dibdib flat na tiyan na may abs... Ohh my... ano ba ito??? at si Etong... nahihiya pa akong tingnan sya... pero di ko maitago ang mga sulyap ko... paliitin lang ng konti ang katawan ni Aaron yun na rin ang kay Joselito... Haysss!

YOU ARE READING
Trapped in Love with DAD
RomanceAlamin kung papaanong na-trapped si Japeth sa pagmamahalang anak sa ama gayong hindi naman niya nakilala o nakita man lang ang kanyang ama simula't bata.