Trapped In Love with Dad - Part 1

1.7K 21 0
                                    

Japeth... Japeth... yuhoo... yooo... "hoy Joselito tumahimik ka at tulog ang Lolo ko...bulyaw ko na may kasamang pandidilat ng mga mata. 

"Bakit ba at tanghaling tapat...  kung makasugod-sugod ka parang di ka na aabutin ng bukas!

Si Joselito kababata ko, simula grade 1 - siya na ang partner in crime ko, este siya ang laging nakasuporta sa akin sa lahat ng gustong kong gawin tama man o mali.  Etong ang tawag ko sa kanya pag hindi ako asar.

"Bakit ka nga humahangos, na ungas ka"!..

di ba Lunes bukas?... humahangos pa ring sagot ni Etong...

Blanko naman ang utak napakamot ang nuo ko... "O kung Lunes, ano"?

...Aba't ang demonyitang toh?.. sabay erap at may kunwang pagwahi pa ng buhok gayung crew cut naman lagi niyang gupit...

Pag-aastang bakla...  at magsasalita na parang bakla pag ina-asar ako  ni Etong.

"Hhuy... hoyy! puta! madinig ka ni lolo"... madiin kong saway sa kanya...

"aba.. ba.. di pa ba alam ng lolo mo na bakla ka nga... inamin mo na yan sa akin nung nasa grade 4 - tayo... nuong magkasabay tayong magpapatuli pero umtras ka... nakangising sagot nito... na pabulong

"Tingnan mo yang ibon mo may tuka pa rin... itong sa akin transformed na... jumbo hotdog na ah-ha-ha"...

Sshh... hindi... lahat sila walang alam... kahit yang aso naming si bruno hindi nya alam... kaya wag kang maingay... tingnan mo Uh... tulog si bruno, pero tingnan mong ang tenga gumagalaw malakas ang radar n'yan at tsismoso pa yan tulad mo"... gigil kong sagot... 

"Ano nga meron kung Lunes bukas"?!! 

Husss... Chichay... mahaba na naging bakasyon natin mula nag-graduate tayo sa elmentary... puro lalaki yata laman ng isip mo eh... Lunes nga bukas... first day ng school... high school na tayo". Masayang pagbabalita ni Etong.

Kibit balikat lang ang ipinakita ko kay Etong.

"Hooo... susss yun lang pala ayy... teka teka 'wag mo nga akong ma-Chichay.. chichay dyan" sabay halos itusok ko na sa mga mata ni Joselito ang hintuturo ko...

"Ayan na po... galit na..e di ba ikaw ang may sabi na... Chichay ang itawag ko sa iyo at bininyagan mo naman akong Etong,... Etong Tutong, nagalit ba ako ha.!"...

"Oo... Ooo na pero wag dito sa bahay naminnn pwede ba?

"Chichay... Etong bagayyy...  Bagay! bagay tayong dalawa"... pabulong na himig nito malapit sa  tenga ko... 

"AH..ahh. walang ganyan marining ka ni Bruno headline yan! Umangat naman bahagya ang ulo ni Bruno nang marinig ang pangalan ng nagkukunwaring tulog lang na asong bulldog.

"Etong... magkalinawan nga tayo... lagi kang parang may palipad hangin ha!.. ako ba ay gusto monng tablahin... sisiraain mo ba ang anim na taon na pagkakaibigan natin... Etong"! 

"At lilinawin ko sa iyo 'ney wala pang kung sinong pangalan ng kahit isang lalaki na gumugulo sa utak ko"... 

"O sige..sige hindi na... a-astang tigasin ka pa.. nagmumukha ka naman baklang-tomboy...ahahaha"... ang patuloy na pang-aasar ni Joselito...

"Aba't... pag di ka pa tumigil"...  kalimutan mo na, na makaibigan tayo.

"O sige alis na ko" bahala ka na lang sa buhay mo... baka bukas absent ka ha!

Ako nga si Japeth, paboritong apo ng lolo at lola ko, hayss! paanong namang hindi eh tatlo lang naman kami dito sa bahay... actually maraming apo sila lolo at lola yun nga lang na nasa kanya kanyang magulang nila ang mga pinsan ko... buti nga sila may nanay at tatay.

Trapped in Love with DADWhere stories live. Discover now