Trapped in Love with DAD - Part 8

335 6 0
                                    

Narating naming ang bahay nila Erickson. Malaki ang bahay na may malawak na hardin napaka-aliwalas ng paligid.

Pumasok kami sa loob at sinalubong kami ng isang medyo may edad na babae.

"Yaya Mameng, mga classmate ko si Japeth at Joselito kakatapos lang naming mag-fund raising para sa school project, dito kami kakain. Pagpapaalam ni Erickson".

"Ay Oo hijo, nakahanda na ang pananghalian, pwede na kayo kumain... sanay magustuhan ninyo ang niluto ko"... Masayang sagot ni yaya Mameng.

"Erickson ang laki ng bahay nyo ibig mong sabihin palagi kang mag-isa dito"? Tanong ko.

"Oo ako lang, pero may apat kaming kasambahay si Yaya Mameng, Ate Lorna, Mang Tony at si Mang Efren, makikita nyo sila mamaya".

"Gusto nyo na ba kumain o ilibot ko muna kayo sa buong bahay". Tanong ni Erickson.

"Kain muna tayo... hindi man lang tayo nag-meryenda gutom na ako talaga"... sagot ko.

"ako rin". Pagsang-ayon ni Joselito.

Dumulog na kami sa mesa, naupo ako sa upuan na katabing upuan ni Joselito, at sa harapan ko naman si Erickson. Napansin ko na parang ang tahimik naman at parang mga seryoso masyado ang mga kasalo kong kumakain.

"May kasalo ba tayong anghel at masyado kayong behave dyan?... O sige pagkatapos natin kumain uwian na mabuti pang matulog na lang eh"... nababagot kong pag-uudyok sa dalawa na magsalita o magkuwento man lang.

"Oi Teka, matanong ko nga kayong dalawa total eh... tayo lang naman dito 'no"... "Erickson, please tell us the truth and nothing but the truth... sino ang crush mo sa mga ka-klase natin?"... "O baka naman kaya eh... may syota ka na sa fourth year 'no"? Sa mga sinabi ko ay parang namula ang muka ni Erickson nakikiramdam ako baka nagalit sya at maihagis sa akin ang tinidor na hawak nito, aba masakit din yun kung tamaan ako.

"Meron akong crush pero wala sa fourth year"... nasa section natin... matipid na sagot ni Erickson.

"Oh...! ... ang mestisang si Sylvien ba? Wow! Bagay kayo nun... promise". Ang mapanudyo kung sulsol para malaman ko talaga kung sino ang mga pinipintuho ng dalawa na 'to alangan naming wala.

"Hindi ko type ang mestisa... ang alam ko si Joselito ang punterya ni Sylvien lagi silang magkausap"... sagot ni Erickson na halata naman na gusto lang nitong ibaling naman kay Joselito ang usapan.

"Oi! Bakit naman ako nasali dyan?... sabad ni Joselito... "o... di ba nga... laging ngang bukang bibig ni Sylvien... Joselito pa-help ang lambing pa nga nya pag naguusap kayo"... pagdidiin ni Erickson kay Joselito.

"Oi Selos si Erickson, mukhang isa lang ang pinuputerya nyong dalawa. Sabagay talagang maganda si Sylvien. "Pero di nyo ba napapansin si Melissa, morena at sexy, body beautiful... madami siyang fans sa school kahit mga taga ibang section... maraming may gusto sa kanya at ... pansinin nyo rin hindi magpapahuli ang sosyal na si Devina.

"Paano yan kung iisang babae lang talaga ang crush nyo?... "Anu gagawin nyo"?... kunyari pa akong problemado sa sitwasyon nila. Sa totoo lang wala naman talaga akong alam na pinorpormahan nitong dalawang pogi sa harap ko... buti pa nga si Andre proud na girlfriend na nya si Elizabeth.

"Hindi naman problema kung sino ang magustuhan ni Sylvien sa aming dalawa ni Erickson... na kay Sylvien naman yun kung sino sa aming dalawa ang pipiliin nya... Okay lang naman kung si Erickson ang piliin nya... willing naman akong maghintay kahit habang buhay... Sagot ni Joselito. Na halata ko namang pang-gudtime lang at hindi naman talaga totoo.

Ayan ha... dear readers... umiinit na ang topic hindi na boring...

"Eh... halimbawa naman Erick... kung si Joselito nga ang pinili ni Sylvien, ano naman gagawin mo:?

Trapped in Love with DADWhere stories live. Discover now