Nasa malaking bulwagan na kami ng school... siksikan sa may bulletin board... hindi sinasadya naitulak ko ang isang isang estudyante na kasing tangkad ni Etong...
Amput! ... dun ka nga sa likud at lumayo ka sa akin!... ang maangas na na bulyaw nito.
"Gad damm yung bokyo!... bulyaw ko kay angas boy... "kasama ko ang boyfriend ko at kanina pa kami dito"... sabay kapit sa likuran ni Etong.
"O... o.. Tama na yan... S'nsya na bro may regla to' eh... ano ba pangalan mo?" tanong ni Etong.
"Andre... bro"... sagot ni angas na nakakaasar. "as in Andre Lukban?... tanong ni Etong... "Oo paano mo alam?" tanong pa ng estupidong maangas.
"Ayun O, magkasunod kayo ni Japeth, Lacuesta, Japeth ... ang kasunod... Lukban, Andre, magkaka-room Tayo sa room 201 tayo"... haay sus... at ka-room pa namin ang bulastog. Asar kong bulong sa sarili.
Umalis na kami sa siksikang bulletin board... naupo kami ni Etong sa isa sa mga benches sa may pasilyo...
"Ano ka ba naman Chichay... di pa tayo nakakapasok sa room... gusto mo yata sa principal office unang pumasok"...
"Aba! Eh yun kasing bugoy na yun ang angas maka-Amputa! Akala mo kanya itong school!!.. pakitaas ang kilay ko... magtaray kong sagot kay Etong.
"Bawasan mo naman ang pagkataray pwede... ka naman siguro maging astig na lang"... malumanay na pagpapayo sa akin ni Etong.
"Eh ano naman yun astig... Bakit astig ka ba Sir Joselito! sabay ingus paiwas ng tingin sa mga mga mapangusap niyang mga mata.
"Sige ipapaliwanag ko sa iyo kung ano ang Astig... makinig ka Chichay... ang Astig ay katangian ng isang Tao na may kakayahang i-handle ang lahat ng uri ng sitwasyon na susuungin niya mahirap man o madali. Hindi niya dindaan sa galit o init ng ulo ang paglutas ng sigalot o problema, bagkus ay gumagamit siya ng hinahon, diplomasya at talino upang makabuo ng magandang solusyon... Astig ...bow"?...
Mahabang explanation pero tumatak sa isipan ko. Natahimik ako.
"Pero may maganda kang sinabi kanina na nagustuhan ko... at kinilig ako... bulalas ni Etong... "totoo ba yun na boyfriend mo na ako?" ay Tange bulong ko na lang.
"Husss.... Etong sa tagal na nating magkasama ngayun pa ba ako bibigay sa iyo... at sa totoo lang blanko pa ang isip at puso ko sa bagay na yan. wala pa talaga"... "Bakit ikaw Etong may tumitibok tibok na ba dyan sa puso mo?..
"Oo ikaw, at matagal na"!
"Naku Etong ako nga ay tigilan mo sa mga paandar mo... baka dahil lang yan sa napapanood ma sa ... Maalaala mo Kaya... kaya hindi ako nanunuod niyang eh... kung anong anong mga edeya nakukuha ng mga kabataan diyan.. paglilitanya ko kay Etong.,.
"Kaya ang ang pinapanood ko... Magpakaylan Man"... agad kong habol.
"Patay tayo dyan"! maikling sagot ni Etong.
"Sige, dyan ka lang treat kita ng snacks"... ano nga pala drinks mo?...
" Zesto Orange... Love"... mabilis na sagot ni Etong... "Umhp! dumale na naman!... sa loob loob ko.
Mabilis ang paglalakad ko ng madaanan ko ang grupo nila Andre mga lima sila...
"Hey... panget nasaan na boyfriend mo pinagpalit ka na agad sa iba.. ahahaha... pambubuska na naman ng kumag na Andre na ito. Agad namin akong nakabawi...
"Ahh ayun iniwan ko na... nag- hahanap ako ng iba, gusto mo ba tayo na?... mabilis kong singhal sa baduy na mokong. Naghalak-hakan ang mga kasama ni Andre samantalang tahimik naman ito na parang natameme.
YOU ARE READING
Trapped in Love with DAD
RomanceAlamin kung papaanong na-trapped si Japeth sa pagmamahalang anak sa ama gayong hindi naman niya nakilala o nakita man lang ang kanyang ama simula't bata.