Trapped in Love with DAD - Part 5

465 8 1
                                    

Maaga ako sa school upang siguraduhin na maikakabit sa ibabaw ng teacher's table ang seat plan. Nagulat ako na may ilang classmates namin ang tumitingin na doon.

Nakita ko rin si Joselito na nakaupo sa upuan niya.

"Etong salamat sa tulong ninyo ng kuya mo kung hindi sa inyo hindi magagawa yung seat plan na yun at malalagut ako kay 'mam".

"Walang anuman Japeth basta para sa iyo"... "heto na pala yun laptop mo... idadaan na sana namin yan kanina ni kuya sa inyo kasi medyo napaaga kami naisip ko baka tulog ka pa at makabulahaw pa kami sa Lolo at Lola mo".

"Ah, ganun ba?... sayang nakatipid sana ako ng pambayad sa traysikel kung nakasabay na rin sana ako sa inyo" nakangiti kong sagot... "at nakita ko sana uli si Aaron... ang gwapo Ng kapatid mo ha"!...pahabol ko pang salita.

"Oi, Chichay... kahapon napansin kita panay ang sulyap mo kay kuya attracted ka ba sa kuya ko". Malungkot na tanong ni Etong.

"Ahhm"... hindi ako makasagot sa tanong ni Etong. Bakit nga ba pag lalaki lalo't gwapo ang kaharap ko parang ang landi ko at parang nawawala ako sa sarili.

Para lang masagot si Etong at magtuloy-tuloy ang usapan ako naman ang nagtanong kay Etong.

"Etong kung attracted ba ako sa kapatid mo... magagalit ka"?

"Hindi"! Sagot ni Etong.

"Kung attracted ba ako sa kapatid mo... sigurado ka ba na magugustuhan niya ang tulad ko"?

"Hindi ko alam"... muling sagot ni Etong.

"Eh halimbawang aminin ko sa iyo attracted din ako sa iyo ano gagawin mo"?... anong gagawin natin"?... magkasunod kong tanong.

Hindi na sumagot so Etong. Dahil Ang totoo wala pa naman talaga kaming pwedeng gawin. Kaya ako na ang sumagot sa tanong ko.

"O, di ba wala"? ...

"Pero alam mo Etong may sasabihin ako sa iyo"... hininaan ko ang boses ko... "Hindi ko rin maintindihan kung bakit ha... ma-mabilis akong ma-attract sa mga lalaki pero hindi ibig sabihin nun may gusto ako agad".

"Katulad mo gwapo at matalino ka proud ako na naging kaibigan kita. Ikaw nga lang nagiisang friend ko eh... kung"... Binitin ko ang sasabihin ko pa iniisip ko uli kung dapat ko ba talagang sabihin sa kanya.

"O sige sige ibulong mo na Lang bilis"!... excited at nagmamadaling sagot ni Etong.

"... Kung lalandiin kita mawawalan ako ng kaibigan kaya sana Etong huwag ka magsawa na intindihin ako dahil kahit ako madalas hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

Nasa ganuon kaming sitwasyon nang pumasok si Erickson sa room... Inilapapag nito so upuan nya ang napsack nya at lumapit sa amin.

"Oi mukhang seryoso ang usapan nyo pwede ba sumali... Erickson...I'm Erickson Laureano"... In-extend ni Erickson ang kanan kamay para makipagkamay... pero may sasabihin pa sana ako kay Etong.

"Joselito Magunaw. Pagpapakila ni Etong sa sarili. "Ito naman si Japeth, Japeth Lacuesta... kababata ko".

"Pang-apat na taon ko na dito...nasa fourth year na yun dati kong mga kaklase"... sana swertihin ako ngayong school year at matapos ko ito kasama kayo". Ang napaka-prangkang pahayag ni Erickson.

Naguusap pa si Etong at Erickson... Ako naman bising bising pinigurahan si Erickson.

Sa kabuuan gwapo si Erickson... ah napakagwapo... Unat at bagsak ang makikitab na buhok makapal ang kilay... Matangos Ang ilong... Kissable lips... Mapuputi at makintab ang malalaking ngipin... may manipis na bigote na lalong nagdadagdag kaguapuhan nito... sa hapit na T-shirt na suot nito bakat ang v-shape na dibdib... Flat na tiyan...

Dumating na si 'mam Maalindog... bumalik na kami sa mga upuan namin.

Matapos ang dasal... muli ay wi-nelcome ni Ms. Maalindog ang lahat at special mention nga si Erickson at pinagsabihan pa ito na sana ito na ang school year para sa kanya at magtuloy tuloy para tapusin ang high school.

Mabilis na lumipas ang mga araw naging acquainted na ang lahat sa isa't isa.

Sa grupo namin si Nathaniel ang napili namin para maging leader. Matapos tanggihan ni Erickson na maging leader namin.

Si Nathaniel, ang saint like face sa klase. Bagay na bagay sa kanya ang mag-sakristan pag may pagdaraus ng misa dito sa school. Ang tao na hindi pwedeng landiin. Nakakakonseya wika nga.

Minsan nasa science lab kami nililinis namin ni Nathan ang mga test tubes na ginamit namin ng bigla na lang nabasag sa kamay ko ang test tube na nililinis ko.

"Aray" mabilis ang paglabas ng dugo sa hintuturo ko hindi ko alam kung ano ang gagawin... mabilis naman kinuha ni Nathan ang kamay ko at at inilagay sa bibig niya... parang sinisip ito... mahapdi pero parang may iba akong naramdaman na parang gumuhit sa buong katawan ko.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng ginawa ni Nathan, pero bandang huli nawala ang hapdi at huminto na rin ang pagdugo ng daliri ko.

Buong klase ang nakakita sa nangyari at sa tingin nila napakahusay ng ginawa ni Nathan. Pero bago matapos ang klase ipinaliwanag ng guro na kung mauulit ang kaparehong pangyayari at may pagdurugo ang unang dapat gawin ay hugasan ang sugat at takpan ng gasa na available daw sa emergency kit nasa loob ng lab.

Tahimik na nakinig lang si Nathan at nag-sorry pa ito sa akin.

Sa klase hindi palakibo at tahimik lang si Nathan. Napaka neutral ng mga reaction niya sa lahat ng bagay na nangyayari sa paligid.

Hindi katulad ng grupo nila Andre na madalas mambuska, maiingay at mga pilyo talaga.

Si Erickson naman parang may sariling mundo hindi namamansin kung hindi mo siya papansinin.

Kaya nanatili kaming magkaibigan ni Joselito. Perfect blending ang pagiging magkaibigan namin ika nga... palabati , maunawain, matulungin at may sense of humor at higit sa lahat hindi ako ikinahihiya.

Aaminin ko na humahanga ako sa hitsura at tikas ng pangangatawan ni Etong pero mas pipiliin kong maging kaibigan lang siya dahil natatakot akong mawala siya kung magka- karoon ng ibang kulay ang pagiging magkaibigan namin.

Sen'sya na readers medyo magulo talaga ang takbo ng isip ko. Kayo ba naman yung malagay sa pagitan na gusto mong magpakalalaki pero kasi lalaki rin ang gusto mo.

Acceptance o magladlad yun ang susi para maging masaya pero maraming dapat isa-alang-alang at saka kung papipiliin ako; ang gusto ko maging isang tunay na lalaki... ka-galang galang na lalaki at magkaroon ng huwarang pamilya.

Respect! yun ang importante sa akin kung kaya't dahil lalaki naman ang katawan ko gusto ko sanang panga-
tawanan na maging lalaki. Ngunit maraming mga balakid.

Iba ang naging direction ng puso at isip ko at iba rin ang naging direction ng ibang parte ng katawan ko. Hindi synchronized.

Tingnan nyo naman... sa halip maging pogi naging maganda... ang kutis flawless talaga... kung bakit may curve ang bewang ko di ko alam... kung bakit maumbok ang hips ko kaysa karaniwang hindi ko alam... madalas napapagkamalan akong babae... at pag nagsalita na ako... yun na; confirmed!

Hindi ko magtanggap na bading ako o bakla... ang gusto ko pa rin sana maging katulad ni Erickson o Joselito lalaking lalaki... pero ang masama sa lahat parang si Erickson ang gusto ko.

To be continued... sa chapter 6

Trapped in Love with DADWhere stories live. Discover now