Trapped in Love with DAD - Part 7

364 5 0
                                    

Matapos ang naganap na camping ay hindi na ito napag-usapan. At kung anuman ang mga naging karanasan ko duon ay ako lamang pala ang apektado. Nakakahiya mang sabihin ako pala yung malisyoso. Sorry.

Pero matapos din ang camping nagkaroon ng pagbabago kay Erickson naging masigla ito at palabiro hindi tulad nun dati tahimik at palaging sa annex kung nasaan yun mga fourth year na kabarkada nya siya nag-i-stay pag free time.

Maging sa mga school programs game na rin syang sumali na dating hindi naman daw nito ginagawa hanggang mas pinipili pa nito magdrop.

May pa-contest ang school kailangan mag-partcipate lahat ng section at level.

Unang maglalaban ang mga section sa bawat level kung aling section ang mananalo ito ang lalaban sa finals representing yung year level nila. Meaning sa finals apat lang maglalaban. First year, 2nd year 3rd year at 4 year.

Maganda ang napiling theme ng home room adviser namin.

"Old Time Hits and Dance Mixes"

Kung saan bubuo kami ng banda, solo and group singers, couple and group dancers. So kailangan ang participation ng lahat walang hindi magpa-participate.

At para ganapin ang isang mala-wakang selection process, isang overnight school outing ang biglang nabuo na pinayagan naman ng school officials.

Para mangyari ang outing na hindi hihingin sa parents ang gastos humingi kami ng pahintulot sa school para maglunsad ng fund raising campaign na tatagal ng isang linggo kasama ang Sabado at Linggo.

Ang kailangan na lamang ay approval ng parents. Kaya kanya kanya kaming gimik kung papano kami papayagan ng mga parents namin.

Sa Lolo at Lola ko hindi naging problema ang paalaman dahil dati silang mga guro at alam nila ang mga ganito.

Wala ding problema kay Joselito at sa iba pa naming mga ka-klase babae man o lalaki pinayagan sila ng mga parents nila.

Maliban kay Erickson, lagi palang out of the country ang parents dahil pilot ang daddy niya at stewardess naman ang mother nya. Walang pwedeng mag-approve ng consent letter nya.

Nagrequest na daw sya ng call sa mother nya para kausapin si Ms. Maalindog. Pero wala pang daw natatanggap si 'Mam na tawag.

Sabado unang araw ng fund raising campaign nakahanda na kami ni Joselito, kariton ang dala namin na hiniram namin sa junk shop sa usapang sa kanila namin ibebenta ang mga kalakal na makakalap namin.

May humintong kotse sa harapan namin si Erickson sya lang magisa at pumayag na daw ang Dad and Mom nya na sumama sa fund raising campaign.

"Okay ba sa iyo na itulak itong kariton at magbahay bahay tayo at hihingi ng mga karton, lumang dyaryo at bote"? Tanong ko kay Erickson.

"Oo, naman kayang kaya".

"Sige ipasok mo dito ang kotse at ipagpapaalam ko kay lolo na dito ka muna magpa-park hanggang makabalik tayo".

Sila Erickson at Joselito ang tagatulak ng kariton at ako naman ang tagakatok ng bawat bahay at nagpapaliwanag tungkol sa fund raising namin maraming mga nag bigay ng kalakal ang karamihan ay Pera may nagbibigay ng bente, singkwenta at isang daan.

Ang saya naming tatlo... kahit pawis na pawis kami at pagod na pero bale wala na yun dahil sa kakaibang experience.

"oppps hinto muna tayo dito... Oi, sobrang pawis na kayo... akin na mga panyo ninyo at mapunasan ang pawis nyo"...

Unang nag-abot ng panyo si Joselito, sanay naman itong pinupunasan ko ang pawis pagnaglalakad kami pauwi mula school nung nasa elementary pa kami.

Una kong pinunasan ang nuo, ilong at leeg. "Ang bilis mo naman tumangkad nung pinupunasan ko itong mukha mo nuon magkapantay lang mukha natin. Ngayon hanggang ilong mo lang ako. Hayss"!

Trapped in Love with DADWhere stories live. Discover now