Gustong-gusto ni Clarice na makatapos ng pag-aaral dahil nais niya nang baguhin ang takbo ng sariling buhay. She was left alone in an early age kaya sanay na siyang mag-trabaho para sa sarili. Then one day, dumating na ang trabahong sagot sa problema niya. Iyon ay ang maging nanny ng baby ng isang sikat na movie director na si Kenny Fabella, ang lalaki na yata ang pinakamayabang at masungit na lalaking nakilala.
Hindi maintindihan ni Clarice kung bakit ganoon na lang ang kawalan nito ng interes sa batang kanyang inaalagaan. Ilang beses din na sinabi ng lalaki na hindi nito anak ang bata. Ganoon na ba talaga ang mga magulang ngayon? Madali na lang para sa kanila ang iwanan o 'di kaya ay itanggi ang kanilang mga anak? Kung puwede nga lang sana niyang batukan ang Kenny na iyon ay matagal nang ginawa.
Subalit sa kabila ng inis na nararamdaman ni Clarice ay hindi naman naiwasang unti-unting mahulog ang kanyang loob sa masungit na amo. Hindi niya maiwasang hilingin na sana ay siya na lamang ang ituring na ina ng batang inaalagaan.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 6: Kenny Fabella
RomanceGustong-gusto ni Clarice na makatapos ng pag-aaral dahil nais niya nang baguhin ang takbo ng sariling buhay. She was left alone in an early age kaya sanay na siyang mag-trabaho para sa sarili. Then one day, dumating na ang trabahong sagot sa problem...