NAG-INAT ng katawan si Clarice Fajardo pagkapasok sa loob ng elevator ng hotel na pinagtatrabahuhan. Nagtatrabaho siya bilang part-time house cleaner sa isang kilalang hotel sa Makati City – ang Society Hotel.
Tiningnan niya ang note na hawak. Isang room sa twenty-eighth floor na lang ang lilinisin niya para makauwi. Pasado alas-siete na rin ng gabi. Pagod na pagod na si Clarice. Kanina ay may isa pa siyang pinasukang trabaho.
Lumabas si Clarice ng elevator nang bumukas iyon sa twenty-eighth floor, naglakad patungo sa lilinising kuwarto. Kumatok siya sa pinto. Ilang sandali lang ay bumukas iyon at sumalubong sa kanya ang isang babaeng nakasuot lang ng robe, magulo pa ang buhok.
"House cleaning po," wika ni Clarice.
Niluwangan lang ng babae ang pinto para makapasok siya. Itinuro nito ang bed na madumi, marahil ay dahil sa natapon na wine. Nasa sahig naman ang mga damit ng babae na nakakalat.
Tahimik lang na nilinis ni Clarice ang bed, pinalitan iyon ng covers.
"Make sure to clean it well," narinig niyang wika ng boses ng isang lalaki.
Napalingon si Clarice sa isang pinto na marahil ay sa banyo. Kalalabas lang doon ng isang lalaki. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito dahil nakasuot ng hooded jacket.
Lumapit ang babaeng naka-roba sa lalaki. "Kenny, are you still mad?" malambing na tanong nito. "Hindi ko naman sinasadyang matapunan ng wine ang kama."
Sumulyap ang lalaki sa wristwatch na suot. "I need to go." Humakbang na ito palabas nang pigilan pa ng babae.
"How can you just leave me here?!" galit na wika ng babae.
"Nawala na ako sa mood, Haile," sagot ng lalaki, may inis sa tono. Tumingin sa kinaroroonan niya ang lalaki.
Mabilis na iniyuko ni Clarice ang ulo. Hindi dapat siya nakiki-usyoso sa mga ito. Nagulat siya nang biglang may pumatak sa kama na isang susi. Napatingin siya sa lalaki na nagbato niyon.
"Susi 'yan ng suite na ito," wika nito. "Pagkatapos mong maglinis, iwan mo na lang sa front desk."
Hindi na siya hinintay na sumagot ng lalaki at lumabas ng kuwarto. Nalipat ang tingin ni Clarice sa babaeng naroroon nang magmura ito.
Tumingin sa kanya ang babae, umirap bago kinuha ang mga damit na nakakalat sa sahig. Ibinalik na lang ni Clarice ang atensyon sa paglilinis. Pagod na siya para pagtuunan ng atensyon ang mga nangyari. Napatingin lang siya sa pinto nang pabalibag iyong isara ng babae pagkalabas.
Pagkatapos mapalitan ng bed sheet ang kama ay pinagmasdan naman ni Clarice ang napakagandang kuwarto. The design was very manly. Sa pagkakaalam niya ay may mga nagmamay-ari talaga ng private suites sa hotel na ito. Maganda rin ang kulay asul na lighting na ginamit sa kuwarto.
Malinis at organized ang buong kuwarto. Wala na siyang ibang makitang kalat sa paligid. Hindi alam ni Clarice kung matagal na bang hindi nagagamit ang lugar na iyon o sadya lang malinis ang may-ari.
Nagkibit-balikat na lang si Clarice. Siniguro niya lang na malinis ang banyo bago lumabas ng suite. Pagka-lock sa pinto ay saglit pa niyang pinagmasdan ang susi na hawak. Kakaiba ang susi, tila customized.
Napailing siya habang naglalakad patungo sa elevator. Sadya bang mabilis lang na ipinagkakatiwala ng lalaking iyon ang susi ng suite nito sa ibang tao?
Pagkarating ni Clarice sa room ng mga staff ay agad na siyang nagpalit ng damit para umuwi na. Dumaan muna siya sa front desk para ihabilin doon ang susi.
"Twenty-eighth floor?" tanong ng attendant. "Sino ang nag-iwan sa'yo?"
Sandaling napaisip si Clarice, inalala ang pangalan ng lalaki na nabanggit ng babaeng nasa suite kanina. "K-Kenny? Iniwan niya lang sa akin kanina dahil kailangan niya na umalis."
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 6: Kenny Fabella
RomanceGustong-gusto ni Clarice na makatapos ng pag-aaral dahil nais niya nang baguhin ang takbo ng sariling buhay. She was left alone in an early age kaya sanay na siyang mag-trabaho para sa sarili. Then one day, dumating na ang trabahong sagot sa problem...