MASAYANG nakikipaglaro si Clarice ng buhangin kay Jonas. Naroroon sila sa isang beach sa Florida kung saan may shooting si Kenny para sa pelikulang ginagawa nito. Kanina pang hindi mawala-wala ang ngiti niya dahil na rin sa napakagandang view sa paligid, at maging sa mga Hollywood actors and actresses na nakita doon.
Pero ang higit na nakapagpasaya kay Clarice ay ang pagdala sa kanila ni Kenny sa lugar na ito. Simula nang dumating sila sa Amerika, ngayon pa lang siya nakalayo sa mansiyon ni Kenny. Masaya din siya na isinasama na ng binata si Jonas sa mga trabaho nito.
Sandali niyang sinulyapan ang kinaroroonan nina Kenny. Nakaupo lamang ito sa harapan ng camera at abala sa pag-uuto sa mga taong naroroon. Seryosong-seryoso ang lalaki. Simula kanina ay hindi pa nagpapahinga ang mga ito.
"Starfish!" narinig niyang sigaw ni Jonas.
Nilapitan ni Clarice ang bata at nakitang tinitingnan nito ang isang starfish na nasa dalampasigan. "Yes, a starfish. Huwag mong hawakan, okay?"
"Why?" tanong ni Jonas, nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. "Starfish... ko..."
"Itchy starfish." Nagkunwa pa siyang nangangati. "No, okay?"
"Itsy, bitsy spider, went up the water sprout..." kanta ni Jonas, lumakad na pabalik sa kinaroroonan ng mga beach toys nito.
Napatawa na si Clarice, nakasunod lang sa bata. Nang ibalik niya ang tingin sa movie set ay nakita pang nakatingin din sa kinaroroonan niya si Kenny. Mabilis niyang iniyuko ang ulo nang maramdaman ang pagtalon ng puso.
Dapat niya nang patigilin ang sarili na magpa-apekto sa lalaking iyon. Ano ba talagang problema niya? Ng puso niya?
Ilang sandali lang naman ay natapos na ang shooting at nakita ang paglapit sa kanila ni Kenny. Nakasuot lamang ito ng puting sando, summer shorts at may dark shades sa mata.
Sinulyapan nito si Jonas na karga niya na. "Pagod na ba siyang maglaro?"
Tumango si Clarice. "Gutom na rin. Hindi ba talaga kayo nagbi-break kahit sandali?"
"Gusto ko mabilis matapos ang lahat. Last scene na ito at kailangan nang ma-kompleto ang editing," ani Kenny. "Come, palitan mo muna ng damit si Jonas sa trailer truck bago tayo kumain."
Sumunod na lang siya sa binata hanggang sa kinapaparadahan ng trailer truck. Napatigil sila sa paglalakad nang makasalubong ang isang babae. Sa pagkakatanda ni Clarice, isa sa mga actress ng pelikulang ginagawa ni Kenny ang babaeng iyon.
"Is he your son, Kenny?" tanong ng babae, may sopistikasyon sa boses. Inilipat nito ang tingin sa kanya. "And you're his?"
"Nanny," sagot ni Clarice. Hindi niya gustong mamali na naman ang akala nito. "I'm Jonas' nanny."
"Oh." Malawak na napangiti ang babae. "I'm Jennifer Lucas. You're a Filipino too, right?"
Tumango siya.
"Cool, half-Filipino din ako," sabi ni Jennifer. "Though, I only stayed a few years sa Philippines. Nakakaintindi pa rin naman ako ng Tagalog so don't worry. It's nice to meet you." Inilahad pa ng babae ang isang kamay.
Nag-aalangang tinanggap iyon ni Clarice. "Clarice Fajardo," pagpapakilala niya. "Nice to meet you too."
Ngumiti si Jennifer bago inilipat ang tingin kay Kenny. "Sigurado akong magiging maganda ang kalalabasan ng movie dahil ikaw ang nag-direct. I'll see you soon."
Pagkalayo ng babae ay nagpatuloy na sa paglalakad sina Kenny. Pagkarating nila sa trailer truck, pinalitan niya muna ng damit si Jonas. Sumulyap si Clarice kay Kenny na naglabas ng isang damit sa backpack na dala kanina.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 6: Kenny Fabella
RomanceGustong-gusto ni Clarice na makatapos ng pag-aaral dahil nais niya nang baguhin ang takbo ng sariling buhay. She was left alone in an early age kaya sanay na siyang mag-trabaho para sa sarili. Then one day, dumating na ang trabahong sagot sa problem...