Chapter 13

2.4K 88 2
                                    

NAGISING si Clarice dahil sa mahigpit na pagkakayakap sa kanya na halos hindi na makahinga. Iminulat niya ang mga mata at napagtantong nasa loob siya ng mga bisig ni Kenny, nakasubsob ang kanyang mukha sa matipunong dibdib nito.

Sinubukan niyang gumalaw pero higit lamang na humigpit ang mga braso ng binata. Pinilit ni Clarice na tumingala dito. "H-hindi ako... makahinga." Lumabi pa siya.

"Oh." Ngumisi si Kenny bago niluwagan ang pagkakayakap sa kanya. "Mabuti naman at nagising ka na. Past nine na."

"Ano?" Mabilis na napabangon si Clarice pero agad ding napabalik sa pagkakahiga nang maramdaman ang pananakit ng katawan, lalo na sa parte ng pagkababae.

Tiningnan niya ang orasan na nasa bedside table at nalamang totoo nga ang sinabi ni Kenny. Hindi niya alam na ganoon katagal siyang nakatulog. "S-si Jonas..." usal ni Clarice, pinilit maupo.

"It's okay, nandoon pa naman si Manang Lhen."

Tiningnan ni Clarice si Kenny, nanlaki ang mga mata nang makitang wala na itong kumot sa katawan. Kitang-kita niya na ang hubad na katawan nito. Bumaba ang tingin niya sa pagkalalaki ng binata. It was already erect.

Muli na namang nakaramdam ng pag-iinit si Clarice. Bumalik sa alaala niya ang lahat ng nangyari sa kanila kagabi, kung paano siya nito inangkin at pina-experience ng walang kapantay na kasiyahan.

Iniiwas ni Clarice ang tingin sa katawan ni Kenny para mapigilan ang sarili. "K-kailangan... ko nang l-lumabas. M-may trabaho pa ako."

Inilapit ni Kenny ang mukha sa gilid ng kanyang leeg para halikan ang parteng iyon. Napasinghap siya, bumilis ang tibok ng puso. Clarice squeezed her legs to control herself. Hindi puwede. Kailangan niyang magtrabaho.

"Kanina pa kita hinihintay magising," bulong ni Kenny. "Pagkatapos aalis ka na agad?" May pagtatampo na sa boses nito.

Gustong pagbigyan ni Clarice si Kenny. Gustong-gusto. Pero hindi niya puwedeng pairalin ang tawag ng katawan lalo at may trabaho siya na kailangang asikasuhin.

Tiningnan niya na si Kenny, nahihiya. "P-puwede m-mo naman... naman akong masolo sa... sunod na off ko." Sobrang lakas ng kabog ng puso ni Clarice habang sinasabi iyon.

Kumislap ang mga mata ni Kenny, ngumisi. "Pangako 'yan, ha? Hindi rin ako magtatrabaho sa araw na 'yon para masolo kita."

Pinamulahan si Clarice ng mukha pero sobrang saya niya. Alam niyang maraming consequences ang pakikipagrelasyong ito kay Kenny – sa kanyang amo – pero hindi na gustong pakaisipin iyon. Masaya siya at iyon ang mahalaga.

Kung balang-araw ay pagsawaan siya ng binata, hindi pa rin pagsisisihan ni Clarice na ipinagkaloob niya dito ang puso at buong pagkatao. Malambing niyang niyakap si Kenny, isinubsob ang mukha sa dibdib nito.

Umungol si Kenny, ginantihan ang yakap niya, mahigpit. Isinubsob naman nito ang mukha sa kanyang buhok. "Gusto mo bang bumalik sa trabaho o ano?" natatawang tanong nito.

Inilayo na ni Clarice ang sarili habang nakakapagpigil pa. Maingat siyang bumaba sa kama, napangiwi nang makaramdam ng mumunting kirot sa parteng pagkababae.

"Are you okay?" Nagmamadaling lumapit sa kanya si Kenny para alalayan siya. "Sobrang sakit ba?"

Umiling siya, pinilit na ngumiti. "Ayos lang ako." Nakatapis pa rin ng kumot si Clarice. Kahit nakita na ng binata ang katawan niya ay nakakaramdam pa rin ng hiya. "M-magbibihis na ako sa banyo."

Tumawa si Kenny. "Puwede ka naman magbihis dito. I wouldn't mind." Kumindat pa ito.

Iniyuko ni Clarice ang ulo, marahang umiling. "S-sa banyo na lang," nahihiyang sabi niya bago dali-daling kinuha ang mga damit sa sahig. Papasok na siya sa banyo nang marinig ang pahabol na salita ni Kenny.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 6: Kenny FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon