Chapter 3

2K 83 4
                                    

HINDI mapaniwalan ni Clarice na nakalabas na siya ng Pilipinas at nakatungtong sa lupa ng Amerika. Nakasunod lang siya kay Kenny Fabella hanggang sa makarating sila sa isang private plane na magdadala sa kanila sa Wheaton, Illinois kung saan doon unang pupunta ang lalaki dahil sa meeting nito.

Kasalukuyan niyang pinapatahan si Jonas na umiiyak nang mapadako ang tingin kay Kenny. There was a mean look on his face. Hindi rin ba gusto nito ng maingay?

Iniiwas na lang ni Clarice ang tingin sa lalaki at ginawa ang lahat para mapatahan si Jonas. Nagtagumpay naman siya ilang minuto lang. Sa loob ng mahigit isang buwan na pagkakakilala niya kay Kenny Fabella, wala pa ring nagbabago dito.

Quiet. Dangerous. Frustrating. Hindi na maintindihan ni Clarice. The man was just complicated. Napakahirap na alamin ang tumatakbo sa isipan ng binata. Nag-iingat din siya dahil sa kaalamang may disorder ito kahit hindi naman mapanganib. Ayaw lang ni Clarice na uminit ang ulo ng lalaki kaya ginagawa ang lahat para maging maayos ang mga gamit ni Jonas sa kuwarto nito.

"Pagkarating natin sa Wheaton, mag-stay na muna kayo sa room ng hotel kung saan ako may meeting," narinig niyang sabi ni Kenny. "Magpahinga kayo, um-order kayo ng pagkain. Babalikan ko na lang kayo kapag paalis na tayo."

Hindi naman sumagot si Clarice. Tiningnan niya ang kinaroroonan ni Lhen at nakitang nakapikit na ito, mukhang napagod sa mahabang biyahe o may jet lag pa.

Pagkarating nila sa hotel sa Wheaton, Illinois ay inubos nina Clarice ang oras sa pagpapahinga. Pasado alas-tres na ng hapon nang magising siya. Tulog pa rin sina Nanay Lhen at Jonas kaya naisipan niyang lumabas ng hotel room para maglakad-lakad sa hallway.

Napatigil si Clarice nang makitang nasa tapat ng elevator si Kenny, may kausap na isang lalaking nakasuot ng business suit. Nagkamay ang mga ito at nakita niya pa ang ngiti na sumilay sa mga labi ni Kenny.

Hindi napigilan ni Clarice ang mapatitig sa binata. Mas gumuguwapo pala ito kapag nakangiti. Ngayon lang niya nakitang ngumiti si Kenny Fabella. Akala niya ay napakalamig na tao nito at hindi marunong mag-entertain ng kahit sino.

Bahagyang tumalon ang puso niya sa kinalalagyan nang makita ang paglipat ng tingin ni Kenny sa kinatatayuan. Gustong tumalikod ni Clarice pero hindi nagawa. Huli na rin para gawin iyon.

Parang napako sa kinatatayuan si Clarice nang matapos ang pakikipag-usap ni Kenny at humakbang palapit sa kanya. Iniiwas niya na lamang ang tingin dito.

"Lalabas ka ba?" tanong ni Kenny.

Umiling siya. "N-naglalakad-lakad lang dito sa hallway. Hindi ako makakalabas dahil hindi ko rin naman alam ang lugar na ito." Tumingin si Clarice sa binata, bahagyang ngumiti. "Natutulog pa kasi sina Nanay Lhen at Jonas."

Tumango si Kenny, nakatitig lang sa kanya na puno ng kaseryusohan ang mukha. "Hayaan mo na muna silang magpahinga. Katabi lang naman ng room niyo ang kuwarto ko, katukin mo na lang ako kapag nakahanda na kayong umalis."

Hindi na nakasagot si Clarice nang lumakad na si Kenny patungo sa sariling kuwarto nito. Nakasunod na lang ang tingin niya sa binata, napangiti. Masaya siya na tinatawag na ni Kenny si Jonas sa pangalan nito kahit hindi pa rin pinag-uukulan ng pansin ang bata. At least, may improvement naman.

Napansin din niya na may pakialam naman si Kenny sa ibang tao kahit hindi nito sinasabi ng deretsahan. Mukhang tama naman si Nanay Lhen na mabuting tao ang binata sa kabila ng pagiging masungit at maikli ang pasensiya.

PAGKATAPOS mapatulog si Jonas ay naisipan ni Clarice na mag-tour sa bahay ni Kenny Fabella sa Aspen, Colorado. Kanina lang sila nakarating dito mula sa Illinois. Sinabi ng binata na dito sila maninirahan habang nasa Amerika.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 6: Kenny FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon