Chapter 16

2.7K 89 4
                                    

NAKAUPO lamang sina Clarice at Jonas sa lobby ng entertainment company na pag-aari ni Kenny at hinihintay doon ang lalaki, mayroon pa kasi itong meeting. Ngayong araw ay plano nilang manood ng movie.

Malawak na napangiti si Clarice nang matanaw si Kenny na naglalakad palapit sa kanila. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ni Jonas para salubungin ang lalaki.

"Daddy!" sigaw ni Jonas pagkakita kay Kenny. "Up! Up!"

Tumawa si Kenny pero kinarga rin naman ang anak. Tumingin ito sa kanya. "May kakausapin lang ako isa pang producer, ayos lang ba sa inyo na maghintay dito o mas gusto niyong doon na lang sa opisina ko?"

"Dito na lang kami," sagot niya. "Magtatagal ka ba?"

Umiling si Kenny. "I'll make it fast." Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Hindi ko sasayangin ang oras na 'to para makasama ka."

Tiningnan niya ito ng masama. "Araw-araw mo naman akong nakakasama. Para kay Jonas naman ang araw na ito."

Hinalikan din ni Kenny si Jonas, sa pisngi, bago muling ibinaba. "I'll be back, okay? Huwag kayong aalis dito."

Tumango si Clarice. Nang makalakad palayo si Kenny, bumalik na sila ni Jonas sa kinauupuang sofa kanina. Abala siya sa pakikipaglaro kay Jonas ng mga dinosaur toys na dala nito kaya hindi namalayan na may nakalapit na pala sa kanila.

Ini-angat ni Clarice ang tingin at nagulat nang makita kung sino ang babaeng nasa harap. Si Jennifer Lucas! Biglaan ang pagbalik nila dito sa Pilipinas noon kaya hindi na nakapagpaalam kay Jennifer. Hindi niya inaasahan na makikita dito sa bansa ang babae. Sinundan ba nito si Kenny?

Tumayo si Clarice. "J-Jennifer... h-hindi ko alam na nandito ka pala sa Pilipinas."

Umismid si Jennifer, sinulyapan si Jonas na naglalaro pa rin. "Kung hindi pa ako nagtanong sa mga kakilala ko, hindi ko pa malalaman na nandito na kayo ni Kenny. Bakit bigla kayong umalis sa States, Clarice?"

Iniiwas niya ang tingin. "N-nag-aaral na rin kasi ako dito."

"Nag-aaral?" ulit ni Jennifer. "Si Kenny ba ang sumasagot sa pag-aaral mo? Mukhang napakasarap ng buhay na maging nanny ng anak niya, right? Napakabilis lang na nalandi mo siya."

Ibinalik ni Clarice ang tingin sa babae, hindi nagustuhan ang sinabi nito. "H-hindi ko siya nilandi, Jennifer."

Puno na ng talim ang mga mata ng babae. "Nakita ko kayo kanina. Nagpunta ako rito para makita si Kenny 'tapos iyon ang mabubungaran ko. Na masaya ko, umaaktong parang isang pamilya? How can you do this to me, Clarice? Kaibigan mo ako. Alam mo ang nararamdaman ko para kay Kenny."

Pinigilan ni Clarice na patulan ang babae. Gusto niya sanang itanong kung kaibigan nga ba ang turing nito sa kanya o kinaibigan lang siya para huming ng tulong noon?

"Pasensiya ka na, Jennifer," wika na lang niya, seryoso. "H-hindi ko sinasadyang mahalin din si Kenny."

"Damn you," mura ni Jennifer, ipinapakita na ang totoong kulay. "You're just nothing. A trash. Hindi ako makapaniwalang napapaikot mo si Kenny. Sigurado naman ako na pera lang ang habol mo sa kanya."

Nagpanting na ang tainga ni Clarice pero pinilit pa ring maging kalmado. "Hindi totoo 'yan. Mahal ko si Kenny hindi dahil sa pera niya o kung anuman. Kahit wala siyang maibibigay na mga materyal na bagay, mamahalin ko pa rin siya. Dahil siya si Kenny Fabella, ang lalaking nilalaman ng puso ko."

Kumuyom ang mga kamay ni Jennifer, puno ng galit ang mukha. "Ang tagal ko siyang tinitingnan lang. Ginawa ko ang lahat para mapansin ako ni Kenny. Tapos isang katulad mo lang ang pipiliin niya?" Humugot ito ng malalim na hininga. "M-magkano ba ang... ang kailangan mo para lumayo ka kay Kenny? Kaya kitang bigyan ng kahit anong gustuhin mo, Clarice. Mabubuhay ka na parang isang prinsesa."

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 6: Kenny FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon