*********
Sa edad na bente ay nag pakasal Si Dannise Estrella Manalo sa kanyang kasintahan na halos tatlong taon na nyang nobyo. Bata pa lang si Dan ay namatay na ang kanyang magulang sa isang aksidente. Sa edad nyang apat na taon ay naulila na sya ngunit sa kabutihang palad ay kinuha sya nang kanyang tiyahin upang alagaan. Mabait ang kaniyang tiyahin na si isabel, kaya noong tumuntong nang collage si dan at nag paalam sa kanya na bubukod na para matutong tumayo sa sarili nitong paa, ay di nya ito pinigilan bagkus, ay inalalayan nya ang kanyang pamangkin sa mga plano nito para sa sarili.
Noong makapag tapos si Dan ay inalok sya nang kaniyang kasintahan na magpkasal na. Tatlong taong nobyo ni Dan si Vince Zackarrias De Villa or kilala bilang Vince, mahal nya ang nobyo dahil sa tatlong taon nilang magkarelasyon ay pinaramdam sakanya na vince na hindi sya nag iisa. Kasama nya ito sa twing may problema ,pinapasya sa tuwing nalulungkot sya.
Ngayon ay dalawang taon na silang nagsasama bilang mag asawa. Tulad nang nakasanayan nya ay maagang gumigising upang ipag handa ang kanyang asawa nang agahan at pagkatapos ay maglilinis nang kanilang bahay at mag bi-bake nang cake para sa sideline nya online.
"Hon gumising kana 5:30 na baka ma late ka" sabay halik sa labi nang kanyang asawa.
"Ok susunod na ako sa baba" sagot nang kanyang asawa.
Sa dalawang taon nilang pag sasama ay itinuon na nya ang oras para sa pagiging may bahay. Di na sya pinagtrabaho ni vince dahil kaya namn daw syang buhayin nito. may kalakihan ang kanilang bahay. dahil sa wala nmn syang gagawin ay di na sya kumuha nang kasambahay. Sa umaga ay magluluto at pagkatapos ay lilinisin na nya ang bahay at pagkatapos ay pag lalaba namn nang damit. Maaga nyang tinatapos iyon dahil kailangan nya pang mag bake nang cake na order sakanya online. Halos araw araw nya iyong ginagawa.
*Kring kring kring* tunog sa kabilang linya, tinatawagan ni Dan ang kanyang matalik na kaibigan simula pa noong kolehiyo sya.
"Oh bakla ano nanaman ang drama mo?"sagot nang kanyang matalik na kaibigang si Ac.
"Grabe ka namn sakin beks , hahaha alam mo namn kung bakit ako napatawag. Katulad lang ulit nang lagi kong pinapabili sayo."
"Oo na ano nanamang ipapabili mo? Naku naman kase may pera namn ang asawa mo bakit ba hindi ka kumuha nang katulong para naman hindi ka nahihirapan sa mga gagawin mo" reklamo si ac sa kabilang linya.
"Ee alam mo namng ayaw kong maging pabigat kay vince. Tsaka alam mo namng gusto ko lagi ay may ginagawa"
"Ano pa nga ba? O sya sge na maliligo muna ang maganda mong kaibigan at baka may makasalubong akong pogi sa daan hahaha" biro pa nang kanyang kaibigan.
"Salamat beks, npakabait talaga nang maganda kong kaibigan. "
"Oo na nambola kapa sige na babay na nang makapag ayos na ang bakla"
"Ok. Salamat ulit".
Madalas ay gahol sa sa oras sa pag peprepera nang kaniyang cake si dan. Sa dami kase nang gawain nya ay di na sya mag kanda ugaga. Buti na lang at maasahan nya ang kanyang kaibigan sa twing mag papabili sya nang kulang na kakailanganin nya. Si Ac ay may sariling cofee shop na di kalayuan sa village nila. Kaya minsan ay dito sya nanghihingi nang saklolo para sa mga kailangan nya.
Sa sobrang abala nya sa gawaing bahay at sa kanyang sideline, di binigyang pansin ni Dan ang sarili nya. Puro bistida ang sinusuot nya dahil maaliwalas sa katawan at kung aalis namn sya o kaya ay hahatidan nang pagkain ang asawa nya sa opisina ay simpleng tshirt at maong lang ang sinusuot nya. Di sya mahilig mag make up at lagi lang nakapusod ang kanyang mahaba at medyo kulot na buhok. Kahit minsan ay inaasar na sya nang kanyang kaibigan na si Ac na manang ay di na nya ito pinapansin.
Mahinhin gumalaw si Dan pati magsalita ay ganoon din ka lumanay. Kahit na hindi pala kausap di dan sa ibang tao ay palangiti naman at magiliw kung sumagot. Mabait at pasensyosa din si dan. mahilig syang mag luto at gumawa nang cake. culinary ang kanyang tinapos na kurso kaya isa ito sa mga naisip nyang gawing sideline.
Maghahating gabi na pero gising pa si dan para antayin ang pag uwi nang kanyang asawa. Na sala sya at nanonood nang tv nang biglang may marinig syang kumatok sa pinto.
Sigurado akong si vince na yon ...
Pag bukas nang pinto sumalubong ang mukha nang kanyang asawa na mukang antok at pagod na
"Gud evening hon" bati nya sa asawa nya
"Aakyat nako, ikaw na lang ang bahalang mag sara nang gate."
"Kumain ka muna nag luto ako nang paborito mong ulam na caldereta"nakangiting sabi nya sa asawa.
"Kumain nako sa meeting kanina. Matutulog nako" sabay halik sa kanyang pisngi.
Madlas nang masyang ang luto ko. Sabi nya sa kanyang isip.
Simula kase nang ipasa sa asawa ang kompanya nang ama nito ay madalas na itong busy at uuwing pagod at pag tulog na lang ang gustong gawin.madalaa syang magdamdam ngunit iniintindi n lang ang kanyang asawa.
Pinaghirapan pa namn kitang lutuin. Ilalagay ko n lng muna to sa ref. Para iinitin na lang bukas nang umaga ..
Pag katapos ligpitin ni dan ang pagkain ay umakyat na sya sa kanilang silid mag asawa para makapag pahinga na.
Naabutan nyang nakakalat sa sahig ang damit na hinubad nang asawa at bag nito, agad namn nyang niligpit ito at tumabi sa asawa.
Katulad nang dati 4am pa lang ay naghahanda na sya nang agahan nang kanyang asawa pati nang damit at gamit na gagamitin nito.
"Hon handa na ang pagkain" gising nya sa asawa.
"Give me five minutes. Susunod na ako" ani ni vince.
Pagbaba nang asawa ay dumiretso nato sa hapagkainan at sabay silang kumain
"Hon Mamaya ay may delivery ako malapit sa building mo, Dadaanan kita para hatidan nang pagkain" magiliw na sabi nya kay vince
"Ok." Maikling tugon nang kanyang asawa.
"Bumibisita kaba kay doc suarez? Naiinom mo paba ang gamot? Dalawang taon na tayo pero hirap parin tayong mag kaanak" nasorpresa sya sa pahabol na sabi nang kanyang asawa"
"O-oo hon. Dumaan ako nung nakaraan, Sabi ni doc malaki namn ang tyansa na mabuntis ako. Iniinom ko din ag mga vitamins na nirereseta nya".
Pag tango n lang ang isinagot ni vince sakanya. Tumayo na ito at humalik sa pisngi nya senyales na aalis na ito.
Madalas na ipag dasal ni dan na sana ay mabiyayaan na sila nang anak ni vince. Minsan ay naiinggit sya sa mga nakakasalubong nya sa daan na buntis o di kaya ay kasama ang kani kanilang anak.
Sana ay di na magtagal at sagutin na nang panginoon ang hiling ko ..
To be continued ........
BINABASA MO ANG
My Wife
RomanceKaya bang isalba nang pag mamahal ang sakit na nararamdaman nang iyong puso?? Ilalaban mo ba ang taong naging mundo mo o bibitaw ka na lang para maibsan ang sakit sa puso mo??