chapter 7

10 0 0
                                    

VINCE

*******


Magaan ang pakiramdam ko nang pumasok ako ngayon sa trabaho. konti lang ang gagawin ko kaya marami akong oras ngayon para makabawi sa asawa ko.

"Mukhang subsob ka nanaman sa trabaho ngayon." Di ko inaasahang bungad ni selena na kakapasok lang.

"A-ah oo, buti at napadaan ka gusto din sana kitang makausap"sagot ko sakanya.

"Gusto ko sanang humingi nang tawad sayo sa nangyari nang gabing iyon. Lasing lang ako kaya ko nagawa ang bagay na yun"sandali akong huminto sa pagsasalita habang tinititigan sya. "Isang malaking pagkakamali yoon. "

"Para saakin ay hindi pagkakamali yun vince, ginusto ko ang nangyari satin. Alam mo namang collage pa lang ay gusto na kita"

"Pero mali , dahil may asawa ako. Si dan ang labis na masasaktan pag nalaman nya to" pag papaliwanag ko sakanya.

"Bakit vince, naisip mo ba sya nung ginagawa natin yun?? Hindi diba?, Handa akong maging pangalawang babae sa buhay mo. Ganun kita kagusto vince! Kaya kong punan ang pagkukulang nang asawa mo at higit sa lahat kaya kitang bigyan nang anak!" Madiin at papilit nyang sabi saakin.

"Alam kong kasalanan ko ang lahat nang to. Patawarin mo ako kung nabigyan kita nang maling kahulugan. Pero nakapag desisyon na ako selena, babawi ako sa asawa ko. Tanging pag hingi lang talaga ang magagawa ko sayo."

"No!!!" Pasigaw at umiiyak na nyamg sabi. "Give me a chance handa akong lunukin ang pride at dignidad ko para sayo vince" bigla ay yumakap sya sakin.

Inalis ko sya sa pag kakayakap sakin "patawarin mo talaga ako selena. Patawad"

Ako na lang ang umalis sa opisina. Alam kong kasalanan ko kung bakit sya umasa.
Now your fucked up vince !! Nakayuko ako habang umiiling iling sa mga kagaguhan ko.



Selena

*******

No !!! Hindi ako papayag na laging ako na lang ang umiiyak!! Not now selena !! Taas noo kong pinunasan ang mga luha ko.

Kung kinakailangang maging demonyo ako para lang makuha ang lalaking gusto ko ay gagawin ko!!!

Sisiguraduhin kong ikaw namn dan ang iiyak sa pagkakataong ito.



Dan

******


Kanina pa ako paikot ikot sa foodcourt dito sa mall. Kanina pa ako nagugutom pero di pa ako makapili nang gusto kong kainin.

Napapansin ko na napapadalas na ang wirdong pakiramdam ko na to *sigh* ano kaya ang masarap kainin dto???

Lumuwa ang mata ko sa excitment nang makakita ako nang mangga na may bagoong. Halos tumulo na ang laway ko sa takam habang papalapit sa stall nang mangga.

"Kuya pabili nga po ako nang sampong pirasong mangga! Tapos pakidamihan po nang bagoongggg!!" Pati kalamnan ko ay kinikilig sa sobrang excited ko sa pag kaing ito.

"Ok po mam" nakangiting sagot sakin ni kuyang tindero.

Pag kaabot pa lang sakin ni kuya ay nilantakan ko na agad ang mangga. Halos walang preno ang bibig ko kaka nguya sa mangga, tumigil lang ako sa pagnguya nang maubos ko na ang sampong piraso.

Hay! Busog na busog ako. Sabi ko sa sarili ko habang hinihimas ang tyan ko. *Hhuwaah* paghikab ko. Nakaramdam na ko nang antok kaya naisipan ko nang umiwi at matulog.

My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon