Vince
******
Gulong gulo ang utak ko. Galit na galit ako sa ginawa ni dan sakin. Halos makalimutan kong sya ang babaeng minahal at pinakasalan ko.
Nang sabihin sakin ni selena na buntis sya ay para akong bata na hindi malaman ang gagawin at sasabihin. Matagal ko nang gustong magkaanak namin ni dan. Kaya siguro hindi sya nagbubuntis dahil ibang lalaki ang gusto nyang maging ama nang magiging anak nya. Kumuyom ang kamay ko nang napakahigpit sa mga iniiisp ko.
Kahit gano ako kagalit kay dan alam kong sa loob loob ko ay mahal ko sya .. sa sobrang galit ko kanina ay nasaktan ko sya. Nakonsensya ako sa ginawa ko. Kahit niloko nya ako ay ramdam kong sa loob loob ko ay may kaonting pag asa na di nya talaga ginawa iyon. Pero nilamon ako nang galit at sakit. Sakit na kahit saksakin ako ngayon ay hindi kayang tumbasan.
Ayoko mang aminin ay hindi ako masaya na magiging ama na ako pero hindi ang babaeng mahal ko ang magiging ina. Hindi ko tatakbuhan ang responsibilidad ko kay selena, sinabi ko sakanyang magiging ama ako sa magiging anak namin pero hindi ko pa kayang mahalin sya ngayon.
Bakit ba kase ayaw mo pang aminin? Ganun pa ako ka tanga para sayo na kahit na nahuli kana ay iniisip mo pang maloloko mo pa din ako??
Nahinto ako sa pag mumuni ko nang biglang tumawag si tyron.
"Oh pre kumusta na?"
"Ok lang. Bakit ano bang inaasahan mong gagawin ko!?"
"Oh kalma lang pre. Highblood ka masyado. Oo nga pala, kaya pala ako tumawag para sabihin sayong nagawa ko na ang pinapagawa mo. Sa susunod na linggo ay aprobado na ang annulment nyo ni dan, ipapatawag na lang na tin sya para sa magiging hatian nyo nang properties"
"Ok"
*Tottotototot*
Binabaan ko na agad sya. Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko sa sinabi ni tyron.
Ano kaba vince. Tama lang ang naging desisyon mo.
Dahil pakiramdam ko ay pagid na pagod ako. Naisipan kong umuwi muna nang maaga para ipahinga ang utak ko. Pag uwi ko sa bahay ay para bang nanibago ako. Sobrang tahimik sa sobrang tahimik ay di mo aakalaing bahay to.
Umopo ako sa sofa at sumandal , napatitig ako sa kisame ..
Hindi mo na dapat sya iniisip. Niloko ka nya at pinag mukang tanga. Hindi dapat ako nakakaramdam nang awa sakanya.
............
Lumipas ang mga araw na para akong robot na naka program para pumasok sa umaga at umuwi para matulog sa gabi. Minsan ay naiisip ko si dan pero napapalitan agad nang galit un pag naisip ko angginawa nyang panloloko sakin.
Napag usapan namin ni selena na sasamahan ko sya sa check up nya. Naisip ko din na baka hindi ako ang ama kaya naisipan kong sumama sa check up nya. May pag dududa pa din kase ako pero sa tuwing naiisip ko yuon ay nakukunsensya naman ako para sa magiging anak namin.
"Congratulation to the both of you, your 4 weeks pregnant." Bati samin nang doktor.
Alam kong dapat akong matuwa pero parang kulang .....
Bakit parang may kulang??? Bakit parang di ko maramdaman ang sobrang tuwa?
"Kumusta po ang baby namin doc?" Tanong ni selena.
"Healthy namn kayo ni baby. Reresetahan kita nang mga vitamins na dapat mong inumin. Sa ngayon ay kailangan mong kumain nang marami at mag pahinga nang maaga."
BINABASA MO ANG
My Wife
RomanceKaya bang isalba nang pag mamahal ang sakit na nararamdaman nang iyong puso?? Ilalaban mo ba ang taong naging mundo mo o bibitaw ka na lang para maibsan ang sakit sa puso mo??