chapter 5

4 0 0
                                    


Nagsimula nang lutuin ni dan ang paboritong ulam nang kanyang asawa. Nang matapos nyang lutuin ay sinimulan namn nya pang paglalagay nito sa lunchbox.

Sigurado akong mauubos mo to dahil pinaghirapan kong pasarapin ang paborito mong ulam. nakangiting turan ni dan sa isip.

Umakyat na sya nang kwarto upang makapag bihis. Kinuha nya ang pulang tshirt na niregalo sakanya nang kanyang tiya isabel noong kanyang kaarawan. Bigla n lng nya itong naalala .matagal tagal na din pala nung huling tawag ko kay tiya isabel. Mamaya ay tatawagan ko sya upang kamustahin. Isinuot na nya ang tshirr at faded jeans nag lagay nang konting pulbo at bumaba na.

Pagbaba ay agad nyang kinuha ang lunchbox na hinanda nya para kay vince upang makaalis na at makarating agad sa opisina nito.

Agad na nag drive si dan papunta sa kompanya nanh asawa at umakyat patungong opisina.

"Good morning Mrs.de villa" nakangiting bati nang guard sakanya.

"Good morning din po" magiliw at nakangiting tugon sa ni dan sa guard.

Sana ay hindi mainit ang ulo nya ngayon.
Sabi ni dan bago kumatok sa pinto nang opisina.

"pasok" sagot nang asawa sa loob.

Agad nyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob .

Nang makita sya nang asawa ay biglang nanlaki ang mata nito at mabilis na napatayo.

Nagtaka namn si dan sa inasal nang asawa.

Ganoon na ba ako kapangit at parang takot natakot si vince nang makita ako?? Nag tatakang tanong ni dan sa sarili.

"H-hon napadaan k-ka?" Pautal utal na sagot sakin ni vince.

Nagtataka man ngunit para syang lumilipad sa hangin sa tuwa nang marinig na tinawag ulit sya sa endearment nila nang kanyang asawa.

"A-ah e-eh hinatidan kita nang lunch. Di ka pa kase umuuwi simula kahapon kaya naisipa  kong dalan ka nang pagkain ngayon" nahihiyang tugon ni dan na napayuko pa.

"Ahh pasensya kana madami kase akong ginawa"sabi ni vince na napalunok sakanyang sinabi."wala n akong gagawin ngaun. Kung gusto mo ay sabay na tayong mananghalian" dirediretsong sabi nang asawa.

"Hh-haa?!" Nauutal pang sagot ni dan sa pag kagulat, totoo ba ito? Inaya nya kong sumabay kumain?.

"Ang sabi ko ay sabay na tayong kumain nang lunch"

Abot langit ang ngiti ni dan sa tuwa sa tinuran nang asawa. Kaya dali dali nyang inihanda ang dalang pag kain sa side table, akmang bubuksan na nya ang lunchbox nang bigla itong hawakan nang asawa.

"Ako na ang maghahanda , maupo ka na muna" saad ni vince na ikinamangha nang asawa.

Napakurapkurap si dan at unti unting umupo habang tinitignan ang asawa. Aniversary ba namin? Parang bigla syang nag iba ngayon? Sana ay ganto na lang sya lagi ..

"Kumain na tayo" nakangiting aya ni vince kay dan habang nilalagyan nang pagkain ang plato nito.

"Hon diba agosto pa lang ngaun??" Tanong ni dan.

"Oo, bakin hon?" Patanong na sagot ni vince.

"Kase diba september ang anniversary natin? Pero agosto pa lang ngayon bakit parang ang sweet mo ngaun?" Nanlaki ang mga mata nang marinig nya ang sariling salita " Tteeekkaa wala nmn akong samang ibig sabihin dun aa" winawagayway pa nya ang kanyang kamay sa harap ni vince.

Nginitian ni vince ang kanyang asawa at hinawakan ito sa kamay.

"Alam kong madami akong pag kukulang sayo simula nang hawakan ko ang kompanya ni dad. Di na kita nabibigyang pansin at di ko na nagagawa ang obligasyon ko bilang asawa" sabi ni vince nang buong pagkasensero sa asawa"sana ay patawarin mo ako sa pagkukulang at kasalanan ko sayo, hayaan mo akong bumawi ulit"sunod sunod na sabi ni vince habang titig na titig kay dan.

Nag unahan ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mata ni dan nang marinig ang mga sinabi nang asawa..

Walang sabi sabi ay inakap nya nang mahigpit ang asawang si vince at sinabing ...

"Naiintindihan kita *huhuhu* alam kong abala ka masyado sa trabaho mo *huhuhu* kaya wag mong isiping may pagkukulang ka sakin" sabi ni dan habang umiiyak sa pag kakayakap sa asawa.

Ginantihan nang mahigpit na yakap ni vince ang kanyang asawa


VINCE

******

Ramdam ko ang sakit saking dibdib nang marinig ko ang pag hagulgol ni dan habang nakayakap sakin dammit vince mura ni vince sa sarili.

Halos patayin na sya nang konsensya nya sa ginawa nyang kagaguhan kay dan.

Hinawakan nya ang balikat ni dan at iniharap saknya.

"Dont cry hon" alo ko kay dan parang hinampas nang maso ang puso ko nang makita ko ang luhaang mata nang aking asawa, hinawi ko ang nalaglag na buhok nito at inipit sa tenga."shhhh. Simula ngayon ay aayusin ko na ang schedule ko para lagi akong makauwi nang maaga"nakangiting sabi ko sakanya.

Muling sumilay ang ngiti sa mata ni dan na para bang nabunutan nang tinik sa mga naririnig na salita sa asawa.

"Salamat hon, akala ko talaga wala ka nang gana sakin. Minsan na isip ko na baka hiwalayan mo na ako" malungkot na sagot sakin ni dan.

Para akong nahinto sa pag hinga nang marinig ko un kay dan. Kitang kita ang sakit na nararamdaman nya nang sinasabi nya ang salitang yun.di pa nya alam ang nagawa kong kasalanan pero ramdam ko na ang sakit na nararamdaman nya sa pag trato ko saknya nitong nagdaang taon. Napabuntong hininga sya at tska ulit nag salita.

"Hon mahal na mahal kita, di ko magagawang hiwalayan ka" hinawakan ko ang kanyang pisngi"wag ka mag isip nang kung ano ano. Basta tandaan mo na kahit anong mangyari mahal na mahal kita" at hinalikan ko sya saknyang labi.

Ngumiti nang napakatamis sakin si dan at nag umpisa na kaming kumain. Masaya kaming nag kwentuhan hanggang matapos kumain.

"Hon aalis na muna ako ha, may usapan kami ni Ac na magkikita kami sa cofee shop nya" biglang singit ni dan.

Nginitian ko sya"ok hon. Mag ingat ka sa byahe ha. Itxt moko pag nakauwi kana" pag kasabi ko nuon ay hinalikan ko na sya sa noo.

"Ok hon mauna nako" nakangiting sagot nya sabay halik sa pisngi ko.

Hinila ko sya .at hinalikan sa kanyang labi"im your husband," sabay kindat ko skanya"dapat sa lips moko hinahalikan"

Namula agad ang pisngi nang aking asawa. Halos matunaw ang puso ko sa kayutan sa inisal ni dan ..

Pag labas nya nang pinto ay napaupo agad ako at muling napaisip ...

Napaka tanga ko pala para sayangin ang mga oras ko para isubsob sa trabaho ang oras ko .. at ibunton sa asawa ko ang hirap pagod at galit sa aking trabho . Mabilis na nangilid ang luha ko sa aking mga mata napaka tanga ko, ang tanga tanga ko!!!!! Bakit ko nagawang lokohin at gaguhin ang asawa ko, bakit mas pinili ko ang tignan ang mga pangit na nagbago sa kanya? Bakit mas binigyan kong pansin napapansin nang utak ko kesa sa sinasabi nang puso ko??? Bakit ngayon kopa na realize kung gano ko sya kamahal kung kelan nakagawa ako nang malaking kasalanan sa aking asawa?? Sana hindi pa huli ang lahat ..

Inayos ko ang aking sarili bago bumalik sa aking trabaho. Desidido akong bumawi sa asawa ko ngayon. At kailangan ko ring humingi nang tawad kay selena.

Mabilis kong tinapos ang aking gawain para maagang makauwi sa bahay. Dumaan ako sa isang flower shop para bilhan nang paborito nyang bulaklak na orchids ang aking asawa. Nakangiti ako habang inaamoy ang bulaklak. Araw araw kitang liligawan muli. Sisikapin kong palitan nang saya at ngiti ang lungkot na naramdaman mo dahil sa kapabayaan ko.

Mabilis akong nakarating sa bahay at agad na kumatok sa pinto.




To be continued ..........

My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon