Dan
*****
"I want an annulment" malamig na tono ni vince habang walang buhay na nakatingin sakin.
Napakurapkurap ako sa sinabi ni vince. Parang.di maproseso nang utak ko ang narinig ko.
Nahinto ako sa pag hinga, sumikip bigla ang paghinga ko sa gulat at medyo matagal bago ako nakapag salita.
"H-hon h-hindi magandang b-biro Y-yan'
utal utal kong sagot sakanya.Unti unti syang lumapit sakin at hinawakan ako sa braso habang ang isang kamay naman nya ay may iwinawagaygay na papel sa harap ko.
"Pirmahan mo ito ngayon din!" Pautos nyang sigaw sa mukha ko.
"H-hon" *hihh* pahikbi kong sabi. "Nasasaktan ako"
"Talagang masasaktan ka kapag hindi mo pa pinirmahan to!!!!" Halos mabingi ako sa pagsigaw ni vince.
"A-aano bang problema h-hhon .. *hihh* a-aanibersaryo natin ngayon diba dapat ay nag sasaya tayo!?"
"Anong problema ko!??? Hah!!!!?? Ikaw!" Habang dinuduroduro nya ko sa aking balikat. "ikaw ang problema ko! Walang hiya kang babae ka!!!! Pano mo nagawang tarantaduhin ako!!!???" Patulak nya akong binitawan.
"Lahat naman ay binigay ko sayo!!! Oo ngat hindi ako perpektong asawa pero put**ng*na dan di moko kailangang gaguhin!!!!!!"
Halos manginig ako sa takot kaka sigaw ni vince na para bang anumang oras ay sasaktan nya ko. Lumayo ako nang kaonti bago nag salitang muli.
"Di ko maintindihan ang sinabi mo hon!. Pag alis mo kaninang umaga ay nakangiti ka pa pero pag dating mo ngayon ay galit na galit ka sakin"
"Di mo maintindihan!!??" Tsaka nya kinuha ang envelop at may nilabas na mga litrato dito. Hinagis nya ang mga ito sa mukha ko.
Habang tinitignan ko ang mga litrato ay napatakip ako sa bibig ko. Gulat na gulat ako nang makita ko ang sarili ko sa litrato na may kahalikang lalaki at kayakap habang natutulog.
Panong nangyari ito? Sino ang lalaking ito?? Sigurado ako sa sarili ko na hindi ko magagawa ang mga ito!!!!. Iling iling kong sabi sa sarili habang nag babagsakan ang aking mga luha.
"Ano ha!??? Akala mo ba ay hindi ko malalaman ang kalandian mo ha???!!! Mala demonyo ang ngiti ni vince sakin.
"H-hindi a-ako to!!!! H-hindi ko m-magagawa ang mga ito sayo vince!!! M-maniwala ka hindi k-kita kayang l-lokohin!" Halos pag mamakaawa ko para paniwalaan nya ako.
"Pirmahan mo na ito at lumayas kana sa pamamahay ko" ramdam ko ang galit nya sa kanyang boses.
Lumapit ako sakanya at niyakap sya nang mahigpit.
"No! H-hindi vince!! *Huhhh huhhh huhhh* hindi ako yan!! Please maniwala ka. Mahal na mahal kita di kita kayang lokohin!" Sunod sunod ko sakanyang sabi habang mahigpit ang pagkakayakap ko sa bewang nya.
Hinawakan nya ko sa braso at itinulak ako papalayo.
"Wag mo kong hahawakan! Nandidiri ako sayo!!! Tang *na pagkatapos mo gumawa nang kalandian ay gusto mo patawarin pa kita????"tinagilid nya ang kanyang ulo habang bahagyang ngumiti.
Nakasalampak nako sa sahig. Iyak ako nang iyak habang nag papaliwanag kay vince.
"Hindi ako yan hon!!! *Huhh* H-hindi ako yan!! Hindi." Parang pinipiga ang puso ko sa masasakit na salitang naririnig ko kay vince. Sa sobrang galit nya saakin ay hindi ko na alam kung papaanong pag papaliwanag ang gagawin ko para lang paniwalaan nyang hindi ako ang nasa litrato.
BINABASA MO ANG
My Wife
RomanceKaya bang isalba nang pag mamahal ang sakit na nararamdaman nang iyong puso?? Ilalaban mo ba ang taong naging mundo mo o bibitaw ka na lang para maibsan ang sakit sa puso mo??