Dan
****
Maaga akong nagising kaninang umaga. Ngayong araw kase ang 3rd anniversary namin ni vince. Ang plano namin sana ngayon ay mag celebrate dto sa bahay at mag luto nang paborito nyang ulam. Pero tumawag ang sekretarya nya dahil may dumating daw kase na package para kay vince, kaya nag paalam muna syang pumunta sa opisina.
Sinisimulan ko na ngayon ang pag bi-bake nang cake para sa espasyal na araw namin nato. Ipag luluto ko din sya nang mga paborito nyang pagkain at Bumili din ako nang ilang balloons para pang decorate.
Sinimulan ko na rin ang pagpapalambot nang karne para sa ulam na lulutuin ko. Dalawang putaheng ulam , pasta at salad ang naisip kong lutuin dahil dalawa lang naman kami ni vince.
Nayon ay ang lamesa naman ang inaayos ko. Nilagay ko sa malapit na ding ding ang binili kong mga balloons at ang binili kong costumize na kandila ay inayos ko na din sa lamesa.
Magtatanghali na pero wala padin si vince, insip kong siguro mga papeles ang natanggap nyang package kaya natagalan syang bumalik. Kaya habang nag hihintay ay nanuod muna ako nang t.v sa sala.
Vince
******
Nakatanggap ako nang tawag mula sa sekretarya ko na may nag padala daw nang package para saakin, ayoko na sanang pumunta kaso ang sabi nang sekretarya ko ay may nakalagay na small card at nakasulat ang anonymous sender , bigla akong na kyuryoso kaya naisipan kong magpaalam kay dan para puntahan saglit sa opisina
"Good morning Sir Vince" bati nang guard at mga nakakasalubong kong empleyado sa kompanya.
"Goodmorning Sir Vince, nasa opisina nyo na po yung package" sabi nang sekretarya kong si bea.
"Hindi mo ba talaga alam kung sino ang nag padala?" Tanong ko kay bea.
"Hindi talaga sir, delivery boy ang nag hatid nyan. Sabi nya ay di din daw nya kilala ang sender"
"Ok" pag sagot ko nun ay dumiretso na ako agad sa opisina ko. Nakita ko sa table ang package na sinasabi ni bea
Envelop??? Ano naman kaya ang laman nito?
Agad akong lumapit sa lamesa at umupo sa swivel chair. Sandali kong pinag masdan ang envelop.
Mayamaya ay binuksan ko na ito. Halos tumigil ang pag ikot nang mundo at nanginginig ang kamay ko nang makita ko kung ano ang laman nang envelop. Mabilis na nagbagsakan ang mga luha sa mata ko at parang sasabog ang dibdib ko sa galit na nararamdaman ko.
Laman nang envelope ay ang litrato ni dan na natutulog habang may kayakap na lalaki. Nakakumot sila ngunit makikitang wala silang damit na suot.ang ibang litrato naman ay may kahalikan syang lalaki habang nakawak naman ito sakanyang beywang. Halos malukot ko ang litrato sa gigil ko.
Put**g*na dan !!!!! Pano mo to nagawa sakin? Mga hayop kayo !!! Tinarantado nyo ako! Halos masira ko na lahat nang gamit sa opisina sa pag wawala ko.
Ito ba ang sorpresang sinasabi mo? Mga hayop kayo!!!!! Wala kang pinag kaiba sa mga babaeng kilala ko !! You fucking slut !!! Halos mag dugo na ang kamao ko kakasuntok sa pader. Galit poot at sakit ang halo halong nararamdaman ko. Sa sobrang sakit parang namamanhid na ang buong kalamnan ko.
Bakit dan ? Bakit? tanong ko habang sabunot sabunot ko ang aking buhok. Nabilog mo ang ulo ko nang mapaniwala mokong iba ka sa lahat. Kunyaring mahinhin mabait at maintindihing asawa yun pala ay dinedemonyo mo na ako pag talikod ko!!!! Wag ko lang kayong maaaktuhan dahil mapapatay ko talaga kayo !!!!!!!
BINABASA MO ANG
My Wife
RomanceKaya bang isalba nang pag mamahal ang sakit na nararamdaman nang iyong puso?? Ilalaban mo ba ang taong naging mundo mo o bibitaw ka na lang para maibsan ang sakit sa puso mo??