chapter 11

0 0 0
                                    

Dan

*****



Buntis ako vince! At ikaw ang ama!"

Nanalamig ang buo kong katawan sa narinig ko.nanginginig at nagbabadya nanamang tumulo ang  mga luha ko. Hindi na ako nag dalawang isip na buksan agad ang pinto ........


Gulat na gulat ako nang makitang nakayakap si selana kay vince, nagulat sila sa pagpasok ko at para bang nakakita si vince nang multo.

Yung parang nagdilim lahat sakin. Sa sobrang sakit nang narinig at nakita ko ngayon para bang pati buong katawan ko ay biglang namanhid. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at parang di ko padin maproseso ang nangyayari ngayon.

"D-dan" na halos para bang ibulong na lang nya ang pangalan ko.

Sa sobrang galit ko ay sinugod ko kaagad si selena nang akmang sasabunutan ko na sya ay hinawakan ni vince ang aking  braso.nakapagitna sya samin ni selena at pinoprotektahan nya ito.

"Hayop kayo!!!!!!! Mga manloloko!!! Malandi kang babae ka mang aagaw ka nang asawa!!!!" Sigaw ko na para bang nagwawalang palengkera.

"You shut up !!!!! Galit ka? Naririnig mo ba ang sarili mo ha dan!!!????" Sigaw nya sakin. "Hindi bat ikaw ang may kinalakantaring iba!??"

"Hindi nga ako yon!!!! Kung pag salitaan mo ko ay para bang siguradong sigurado ka na ginawa ko yun!!" Sigaw ko habang tuloy tuloy ang pag tulo nang mga luha ko.

"Tapos ngayon vince ito ang maabutan ko??? Ha!!!!! Panay ang bintang mo sakin pero ngayon malalaman ko ay nakabuntis ka!????" Halos pumiyok nako sa kakasalita.

"Oo ngat may kasalanan akong nagawa sayo! Pero lasing lang ako nuon!!! Pinag sisihan ko yon at ginawa ko ang lahat para makabawi at maitama yun!!! Tapos tang*na malalaman ko na ginagago mo na pala ako??!!!!!!!" Binitawan nya ang pulsuhan ko nang patulak.

"Paulit ulit kong itatanggi yon dahil hindi ko ginawa yon!!! Pero ikaw? Ni hindi mo man lang itanggi ang milagrong ginawa ninyo!!!" Nilingon ko nang may matalin na tingin si selena

"At ikaw! Kunyari pang buisness partner at kaibigan lang pero inaahas mo na pala ang asawa ko!?"

"Di ako manghihingi nang tawad sayo dahil pareho lang tayong dalawa nang ginawa! Tanggapin mo na lang na tapos na kayo ni vince at magkakaanak na kami!!" Matapang at pasigaw nya pa saaking sabi.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at naubos na talaga ang pasensya ko sa malanding babaeng to. Sinabunutan ko kaagad sya pero inawat agad ako ni vince.

Hinawakan nya ako sa balikat at pabatong itinulak, buti na lang at naitukod ko ang mga braso ko kaya hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig. Saglit akong natakot para sa anak ko, dahil kung hindi ay baka may masamang mangyari samin nang anak ko.

"Enough!!! Wag na wag mong sasaktan si selena!" Sigaw nya sakin at dinuro pa nya ako.

"Pag may nangyari sa anak ko na dinadala nya , baka makalimutan kong babae ka..." Malamig na pag kakasabi nya saakin na para bang ibang tao ako.

Habang bumabagsak ang mga luha ko ay titig na titig ako kay vince. ang sakit lang marinig na ang lalaking pinakamamahal ko ay ibang babae na ang pinoprotektahan. Para akong ibang tao kung sigawan nya.

"Lumayas kana sa opisina ko. Hindi na kita asawa kaya wala ka nang karapatang pumunta pa dito! Sa susunod na linggo ay sisiguraduhin kong aprobado na ang annulment natin." Halos parang hindi na sya ang vince na nakilala ko. Parang ayaw nang tumanggap nang sakit ang puso ko dahil wala na akong maramdaman.

My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon