chapter 3

5 0 0
                                    

Warning: [R18]





VINCE ZACKARRIAS DE VILLA

************

First year collage ako nang makilala ko si dan. Maganda sya, tahimik, at simpleng babae lang. Agad ko syang niligawan at makalipas ang dalawang buwan ay sinagot na nya ako. Umabot kami nang tatlong taon sa pagiging magkasintahan. Pag graduate namin nang kolehiyo ay inaya ko na sya agad magpakasal. Mahal ko si dan kaya di ako nag dalawang isip na ayain sya nang pang habang buhay na pagsasama.

Apat na taong gulang sya nang maulila sa magulang, tiyahin na lang nya ang nag palaki sa kanya. Pag dating nya nang kolehiyo ay bumukod na sya at nag Working students sya, isa iyon sa hinangaan ko sakanya. Ang pagiging masikap nya sa bagay na gusto nyang maabot.

Noong ikasal kami ni dan, makalipas lang
ang dalawang buwan ay ipanamana na saakin ni dad ang kompanya. Naging abala ako sa dami nang gagawim at pag tetake over sa kompanya. Minsan ay sa opisina na ako nakakatulog sa sobrang pagod, uuwi para maligo at aalis na din. Minsan nakokonsensya nako sa asawa ko kase halos di na kami nag kikita.

Lumipas nang dalawang taon ang pag sasama namin pero di padin kami nag kakaanak. Nag pacheck up na din kami at ang sabi naman nang doktor ay malaki naman ang tyansa na mag kaaanak kami, kaya subok lang nang subok Pero wala pa din. Maraming nag bago sa loob nang dalawang taon, naging routine ko na ang kompanya, uwi, kompanya - uwi. Sa sobra kong abala minsan talaga ay wala na din akong oras pa na umuwi.

Ganoon ang pangyayari na paulit ulit sa loob nang dalawang taon. Si dan naman ay isang fulltime wife. Sa bahay lang sya, siya ang nag lilinis nag luluto nag lalaba at nag aasikaso nang mga gagamitin at susuotin ko pag pasok. Abala din sya sa sideline nya online na pag gawa nang cake. Sa sobrang abala nya din sa mga gawain ay wala na syang oras sa sarili nya. Manang na sya manamit at wala na sya sa uso. Kumbaga nag mature talaga sya simula nang nagpakasal kami. Minsan ay sinasabihan ko na sya na mag shopping nang bagong damit kase minsan na pag kakamalan na syang katulong ko sa tuwing pupunta na sya nang opisina

Nakaramdam ako nang kawalan nang gana sa pagsasama namin. Kase parang paulit ulit na lang yung mga nangyayari. Masyado syang mabait minsan ay isang sabi ko lang na di ako uuwi ay ok agad ang sagot nya. Parang hindi asawa ang kasama ko sa bahay. minsan iniisip ko na nakakapagod dn pala ang may mabait na asawa. Nakakaboring kung baga.

Nakaupo ako ngaun sa aking opisina naghahanda nang umuwi nang biglang tumunog ang selpon ko.

Selena calling .....

Si selena ay isa sa mga investors namin sa kompanya. At dati ko ding kaklase sa kursong tinapos ko na buiness ad.

"Hello" pag sagot ko sa kanyang tawag.

"May ginagawa kaba? Andto ako sa labas nang kompanya may pinuntahan kase akong malapit lang dto kaya dumaan na ako sayo"malambing na sagot ni selena sa kabilang linya.

"Wala na. Pauwi na sana ako"

"Good. Tara labas muna tayo saglit maaga pa naman"

"Ok weyt me outside"sagot ko. Wala din naman akong gagawin pag uwi sa bahay. At sigurado naman akong pag aya lang kumain ang gagawim nang asawa ko pag uwi ko

Paglabas ko nang building ay nakita ko agad ai selena na naghihintay sa labas

"Kotse mo na lang ang gamitin natin" ani ni selena.

"Ok. Hop in" aya ni vince.

dumiretso sila sa tambayan nilang bar malapit lang din sa kompanya nila.

"Hows work? Tanong ni selena habang nakakuyapit sa braso nya.

"Hell" sagot nya sa babae, di na nya pinapansin ang pagkuyapit nito sa braso nya dahil kolehiyo pa lamang ay ganto nato umasal.

My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon