JOHN'S POV
Hi, John Polaris Amber here, Jean's twin brother.
Naiwan akong mag-isa dito sa parking lot, alam ko iniiwasan ni jean na may masabi ako sa kanya.
Hindi pa rin mawala sa isip ko na nagkasabay sila ng Matthew na yun kumain kanina sa cafeteria. Sa lahat ba naman ng makakasabay niya bakit siya pa.
Bukod sa kaklase ko siya may iba pa akong dahilan Kaya mainit ang dugo ko sa lalaking yon. Inis akong napasabunot sa buhok ko dahil alam kong sinasadya niyang lumapit kay Jean.
Naglakad nako papalapit sa kotse ko at umalis na. Naalala konga pala na ngayon ime-meet ni Jean ang fiance niya kaya binilisan ko ang pag mamaneho.
****
JEAN'S POV
Pagkarating ko sa bahay naabutan ko si mom sa may sala na nakaupo mukang may iniintay, at ng makita niya ako ay tumayo na siya at lumapit sakin. Humalik naman ako sa pisngi niya. Medyo nagulat ako dahil ang alam ko mamaya pa ang uwi nila ni dad.
"Ang ata mo yata ngayon mom?" - takang tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya at hinaplos ang aking buhok. Inakay niya ako papunta sa sofa at pinaupo doon.
"Umuwi lang ako dahil hinanda ko yung damit na susuotin mo mamaya anak, baka mahirapan ka mamili ng susuotin mo kaya ako nalang ang pumili. Nakalagay na sa kama mo yun, kumain ka muna bago umalis baka nagugutom kana."- mahabang paliwanag niya.
"Thanks Mom"- matabang na sambit ko sabay ngumiti ng tipid.
Napansin Naman ni mom ang pagiging matamlay ko kaya niyakap niya ako. Alam ko naman hindi rin ito gusto ni mom eh katulad ko Wala din siyang magagawa sa gusto ni dad.
"Don't be sad sweetie,papangit ka niyan sige ka baka hindi ka magustuhan ng fiance mo"- nakangiting sambit niya. Kaya mas lalo akong napasimangot.
"Tss, as if naman magugustuhan ko siya" - ako.
Natawa lang si mom sakin at tumayo na.
"Sige na, nagiintay na sa akin ang daddy mo sa kompanya at may aasikasuhin pa kami."- mom.
" Okay Mom, ingat "- humalik ako sa pisngi niya.
" Ikaw din magiingat ka ha, cheer up honey smile na"- mom .
"Yeaaah right"- pilit lang akong ngumiti kaya napasimangot siya.
Hinatid ko si mom hanggang sa pintuan namin, at ng masiguro kong nakaalis na siya umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga. Maaga pa naman kaya iidlip muna ako saglit.
JOHN'S POV
Nang makarating ako sa bahay nakasalubong ko si mom, medyo nagulat ako kase ang alam ko marami silang inaasikaso ni dad sa kompanya.
"Oh, anak andyan kana pala. Kumain ka muna nagpahanda ako kina manang ng pagkain niyong dalawa ni Jean."- si mom.
Humalik muna ako sa pisngi niya pagkalapit ko.
"Ang aga mo yata ngayon mom, aalis kana ulit?" - tanong ko.
"Oo, may aasikasuhin pa kami ng daddy mo sa kompanya umuwi lang ako para paalalahanan si Jean sa dinner nila ng fiance niya."- napasimangot ako sa sinabi ni mom.
Napansin naman ni mom ang reaksyon ko kaya hinawakan niya ako sa balikat.
"Wala na tayong magagawa sa desisyon ng daddy niyo, nakita mo naman siguro kanina ang galit ng daddy mo kay jean kaya wag ka ng mangealam sa bagay na to." -mom
"Pero ma, paano si Jean alam ko ayaw niya sa mga ganitong bagay. Ayaw na ayaw niyang ipinagkakasundo siya kahit kanino." naiinis nako dahil wala akong magawa at ganon din si mom.
"I know John, but this is your father's decisions." - paliwanag ni mom.
Napabuntong hininga na lang ako at nagpaalam na kay mom. Umakyat muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit, napadaan ako sa kwarto ni Jean at nakita kong nakasarado iyon marahil ay natutulog siya.Pumasok nako sa kwarto at nagpalit ng damit.
Pagtapos ko bumaba na ako para kumain dahil nagugutom ako. Hindi kona kinatok si jean sa kwarto dahil alam kong natutulog siya.
Itutuloy..
