➖➖➖
John's POV
Umuwi agad ako nang makatanggap ako ng tawag kina manang na nakauwi na raw si Jean. Binilisan ko ang pagmamaneho dahil tingin ko may problema si Jean. Kilalang kilala ko na siya, hindi siya umuuwi ng ganitong oras kapag wala siyang importanteng gagawin o pupuntahan. Nagtataka din ako na bakit hindi agad siya dumiretso ng uwi sa bahay kung masama ang pakiramdam niya,ayun ang sabi ni Chris kaya hindi ko maiwasang magtanong kung saan siya nagpunta.
Paano na lang kung may nangyareng masama sa kanya? I'm sure mom and dad will get mad at me.
Tinawagan ko na din si Chris at sinabing nakauwi na si Jean.
***
Nakarating na ako sa bahay at pinagbuksan agad ako ng gate ng mga guards namin kaya pumasok na ako at agad bumaba sa sasakyan.
Sinalubong ako ni manang na parang kagagaling lang sa iyak. Nagtaka naman ako kung bakit.
"Manang what happened? And where is Jean?" takang tanong ko kay manang.
" Nasa taas siya anak,mulang may pinagdadaanang problema ang kakambal mo John"
" Ha?bakit po ano po bang nangyare?" napayuko si manang at napaluha na naman. Naawa ako sa kanya dahil apektado siya sa mga pagbabago ng kapatid ko.
"D-dumating siya kanina,lasing na lasing tapos nagwawala siya. Parang hindi na siya si Jean kase sobrang galit na galit yung itsura niya" sumisinghot na sagot ni manang kaya niyakap ko na lang siya at pinatahan. Tumingin naman ako sa paligid at napansin kong andaming basag na gamit,hindi ko ito napansin kanina pagpasok ko dahil nagmamadali akong kausapin si jean.
"Tahan na manang, pupuntahan ko lang po si Jean. Wag na po kayong umiyak,ako napo ang humihingi ng pasensya sa naging ugali niya kanina" sabi ko kay manang at tinapik tapik ang kanyang balikat para sabihing magiging maayos din.
Bago ako umakyat inuutusan ko muna ang ibang maids na ayusin ang mga nasira ni Jean.
Kinakabahan man ay pinilit ko pa ding pumunta sa kwarto ni Jean at nang nasa tapat na ako ng kanyang pinto ay mas lalo akong kinabahan dahil baka ako ang pag initan ni Jean,pero hindi ko pinairal ang kaduwagan ko dahil kailangan niya ako ngayon,hindi dapat ako pinapangunahan ng takot sa mga oras na ito.
Dahan dahan akong kumatok sa kwarto niya." Jean?It's me. Can i come?" wala akong narinig na sagot sa kanya. "Papasok ako ha?" dahan dahan kong pinihit ang door knob at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang gulo gulong kwarto niya,pati ang mga picture frame at mga base dito sa kwarto niya ay basag lahat.
Hinanap ng mata ko ang kambal ko at nakita ko siya sa isang sulok at nakayuko sa kanyang tuhod. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at lumuhod sa harapan niya. Napansin ko ang dugo sa kanyang kamao kaya napangiwi ako dahil ang sakit nun.
"Jean?Nagwala ka daw kanina,may problema ba?" parang gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader dahil sa tanong ko. Malamang nagwala siya John, hindi ba halata. Hindi siya sumagot pero dahan dahan naman niyang inangat ang muka niya.
Bahagya akong napaatras ako ng makita ko ang walang emosyon niyang mga mata.
Aaminin ko medyo natakot ako dahil parang feeling ko sa bawat tingin niya parang hindi niya ako kilala.
"W-what happened Jean?" bahagya pa kong nautal dahil medyo kabado talaga ako sa ipinapakita niya.
Dahan dahan siyang tumayo sa pagkakaupo at tumingin sa akin.
"Oh my God Jean what happened to you and to your room?!" hindi ko namalayang nakarating na pala sila mom. Patay. Tinignan ko si Jean na bahagya pa ding nakatulala at parang wala sa sarili.
Dali daling lumapit si mom kay Jean at tinanong kung ano ang nangyare pero hindi siya sumagot.
"Leave" matigas na utos na Jean sa amin kaya bahagyang napatigil si mom sa pagsuri sa kanya at tinignan si Jean sa mga Mata na parang hindi siya nakikilala neto.
"Jean,what happened sabihin mo kay mommy please. Ayokong nakikita kang ganito." naiiyak na si mom kaya lumapit na ako sa kanya at dinaluhan siya dahil walang balak gumalaw si Jean sa kinatatayuan niya.
"I said leave,don't make me repeat it" ramdam na ramdam ko ang galit niya.
Ginawa na lang namin ang gusto niya dahil baka mas lalo lang siyang magwala doon sa loob. Kahit ayaw ni mom pinilit kopa din siya kaya wala na siyang nagawa kundi sumunod.
Pagkalabas namin hindi niya na napigilang humagulgol,niyakap ko lang siya dahil hindi ko siya kayang makitang ganito.
"Mom please stop crying." pagpapatahan ko kay mom.
" Ano ba kaseng nangyayare sa kapatid mo John,bakit siya nagkakaganon ha?" patuloy pa din siya sa pag iyak kaya napabuntong hininga na lang ako at hinawakan siya sa balikat.
"Mom ako na ang kakausap sa kanya, tahan na pumapanget ka eh" sinubukan ko siyang patawanin pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Sabi ko nga tatahimik na ako.
"Nakuha mo pang magbiro samantalang yung kambal mo hindi natin alam kung anong nangyayare."
" Sorry na sinusubukan lang naman kitang patawanin eh, wait nasan nga pala si dad?" kanina pa kase ako nagtataka na hindi ko nakikita si dad.
" Nagpaiwan siya sa kase may aasikasuhin pa kaya nauna na ako,kaso heto ang nadatnan ko." malungkot na saad niya kaya pinaupo ko na lang siya sa couch namin at kinuhaan ng tubig.
"Inom ka muna mommy,hayaan muna natin si jean panigurado namang magsasabi yan sa atin. Just her a time."
" Pero anak naaawa na ako kay Jean,minsan ko lang siyang makitang ganyan pero hindi ko kinakayang pagmasdan siya na ganon."
"Hayys hindi ko din alam ang iniiisip ni Jean ngayon pero susubukan ko siyang kausapin"
Maayos na ulit ang sala at hindi na kagaya kanina na parang dinaanan ng bagyo,hayy grabe pala magalit si Jean.
Pinatulog ko na si mom dahil alam kong pagod siya sa byahe kanina kaya madali lang siyang nakatulog. Lumabas na ako sa kwarto niya at tumungo sa kusina dahil nauuhaw ako.
Naabutan ko doon si manang na nagwawalis.
"Manang,dapat po natutulog na kayo. Gabing Gabi na po,ipagpabukas niyo na lang po iyan." awat ko kay manang at ako na mismo ang nagtapos ng kanyang ginawa at nilagay na ang mga gamit panglinis sa lagayan.
"Nako hijo,malakas pa naman ako. At saka hindi din ako makatulog dahil iniisip ko ang kapatid mo" malungkot siyang sabi.
"Susubukan ko ho siyang kausapin manang, paniguradong magiging ayos din po siya manang kaya wag na kayong mag alala." Sabi ko sa kanya para hindi na siya masyadong mag alala.
"Habang tumatagal tuluyan na siyang nagbabago. Hindi ko na alam kung ano ang tumatakbo sa isip Niya sa mga oras na ito" si manang.
Hayy..
"Sige na po manang matulog na kayo wag na ho kayong magalala magiging okay din po siya"
"Oh siya sige,maiiwan na kita diyan matulog ka na din" paalam ni manang kaya tumango lang ako.
Umakyat na ako sa taas naging medyo napagod din ako sa paghahanap sa kanya. Sinilip ko siya sa kwarto at nadatnan ko siyang nasa balcony niya at nakatanaw sa bilog na buwan. Hindi niya siguro ako naramdamang pumasok dahil halatang malalim ang iniisip niya.
I'm still here Jean,I can't stand seeing you like that.
Kung pwede ko lang siyang kausapin sa mga oras na ito.
Goodnight,Jeany.
Sinarado ko na ang pinto at dumiretso na sa kwarto ko.
➖➖➖
Nakakalito ba? Ahhaha sana maintidihan niyo kahit medyo magulo.
Iloveyouuu all zachyy's.