CHAPTER 33

18 2 0
                                    

➖➖➖

Chris POV

Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog dahil parang wala siyang balak gumising. Bakas pa rin sa muka niya ang kalungkutan at hindi ko maitatanging mahal niya pa ang taong yon. Hinawi ko ang buhok niyang tumabing sa muka niya. Andito na kami sa bahay ko pero hindi pa ako bumababa dahil gusto kong pagmasdan siya dahil ngayon ko lang ulit to nagawa magmula noong umalis ako.

Bumalik ako sa korea noon dahil nasasaktan ako sa katotohanang wala na akong binalikan. Siguro nga napagod na siyang magintay noon kaya hindi ko siya masisisi.

Bumaba na ako ng sasakyan at pumunta sa kabila para buhatin siya.

Pinagbuksan kami ni Manang Agnes ng pintuan at nagulat nang makita kami.

"Susmaryosep ano ang nangyare sa inyo ba't basang basa kayo?" tinulungan niya ako sa pag akyat kay Jean sa kwarto ko at nilapag siya sa kama.

"Manang kayo po muna ang bahala sa kanya pakibihisan na lang po siya baka magkasakit po" sabi ko sa kanya at lumabas ng kwarto, tumungo ako sa isang guess at tinignan kung may mga damit pa ako doon. Naligo na muna at nagbihis na. Nakasalubong ko naman si Ate Agnes na may dalang palanggana at bimpo.

"Napihisan na po ba siya?" tumango siya. Sinabi kong ako na ang bahala.

Tumalikod na ako pero tinawag niya ako.

"Chris? Siya na ba si Jean?" ngumiti ako sa kanya at tumango bilang sagot. Bahagya naman siyang nagulat at kalauna'y niyakap din ako dahil masaya siya para sa akin. Ganun din ako pero hindi muna dapat magsaya ngayon hanggat nakikita ko pa ding nasasaktan siya.

Nagpaalam na ako kay ate Agnes at pumasok na sa kwarto. Nakita ko siyang nakaupo sa kama at nakatulala sa kawalan. Hindi niya siguro ako napansin dahil mukang malalim ang iniisip niya.

"Hey" untag ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Ngumiti lang siya ng bahagya at tumango. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan siya.

"Andaming nangyare ngayon araw,parang hindi kayang i-absorb ng utak ko" napatawa na lang din ako sa sinabi niya kaya umiwas siya ng tingin ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

"Yeah you're right" sang ayon ko.

Tumungo siya at pinaglaruan ang mga daliri niya,inabot ko ang kamay niya at bahagyang pinisil pisil iyon para sabihin sa kanyang magiging maayos din ang lahat.

"I'm here" paalala ko sa kanya kaya umangat ang paningin niya sa akin kaya ako naman ang umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang sabayan yung titig niya.
"I'm always here Jean,wag mong sarilinin lahat yan kase mahirap kapag inipon mo lahat yan dito" turo ko sa may bandang puso. Nakatingin lang siya sa akin habang nagsasalita ako.

"Noong nalaman kong may boyfriend kana at nung araw ding iyon na umuwi ako. Nakita ko kung gaano ka kasaya,sobrang ganda ng mga ngiti mo. Gusto kitang lapitan mula sa malayo pero ayokong sirain ang mga ngiti mo dahil lang sa nagpakita ako" ngumuko at inalala ang araw na iyon.

Flashback

Masaya ako nung araw na iyon dahil natapos ko na din ang school year at makikita ko na din si riris. Sumakay ako sa private plane namin at nagtungo sa Pilipinas. 

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano namin ay hindi na ako nagsayang ng oras at pumunta sa bahay nila ngunit pagdating ko don ay sinabi sa akin ng mga maids nila ay nasa school  pa daw siya. Kaya tinanong ko sa kanya at pumunta na agad ako sa kung saan siya pumapasok. Hindi ko maiwasang mamiss ang Pilipinas dahil matagal tagal na din ang taong lumipas.

A chance to Love Where stories live. Discover now