"Jean, meet your Fiance"
Literal na napanganga ako sa sinabi ni mom sa akin. Tumingin pa ako sa kanya at sinigurado kung seryoso ba siya sa sinabi niya. Napasapo na lang ako ng noo ko ng makita kong mukang seryoso nga siya sa sinabi niya.
Tumingin ako dun sa lalaki at nakita kong abot tenga ang ngiti niya. Sana mapunit yang labi mo kakangiti.
Lumapit ako sa kanya at sinuri siya mula ulo hanggang paa at masasabi kong mas matangkad siya sa akin ng kaunti. Tinignan ko lang siya at para naman siyang naiilang sa tingin ko.
"Fiance huh?" umismid lang ako sa harap niya at nilagpasan siya.
"I don't have time for that. Get out." madiin kong sabi at nagdiresto sa kwarto ko. Pagkarating ko doon ay pabagsak akong humiga sa kama.
Bwiset.
Nagbihis muna ako humiga ulit sa kama nang may marinig akong kumatok. Hindi iyon nakalock.
"Come in" mahinang sambit ko doon sa kumakatok.
Nakita ko naman si mom na pumasok sa loob at masama ang muka na parang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.
"What is that Jean?"
"What?"
"You're being unreasonable Jean. Pwede mo siyang kausapin ng maayos. Wala namang ginagawa sayo yung tao tapos sasabihan mo ng ganon." pangaral niya sa mababang tono at masama ang tingin sa akin.
Napabuntong hininga nalang ako at nagpasyang bumaba para himingi ng sorry sa kanya.
Pagbaba ko doon ay naabutan ko sila no dad na naguusap ng masinsinan.
Tumikhim ako kaya naputol ang kung ako mang pinaguusapan nila nang makita ako.
Umupo ako sa katabing sofa at tinignan silang dalawa, nakasunod naman si mom sa akin at binigyan ako ng nagbabantang tingin na parang sinasabi niyang wag akong gagawa ng kung ano.
"Okay, I'm sorry for being rude earlier Mr. Whoever you are. It's just that, I'm surprised."
Ngumiti lang siya sa akin kaya inirapan ko siya ng palihim. Natawa naman siya lalo na ikinainis ko.
"Okay, let me introduce myself first. Umalis ka kase agad kanina eh. By the way I'm Hunter Mendoza your Fiance." pagpapakilala niya sabay lahat ng kamay sa harap ko na parang makikipagshake hands.
" Jean" tipid na pakilala ko at tumango lang sa kanya, napapahiya naman siyang binaba ang kamay niya dahil hindi ko naman iyon tinanggap.
"So as i am saying earlier that mapapaaga ang kasal niyong dalawa. Birthday na nilang kambal next week. Ang balak namin ng asawa ko ay ipapakilala na din kita bilang fiance ng anak ko" pagtutuloy ni dad ng usapan. Naalala ko na nga pala next week na ang birthday namin ni John so magiging dalawang party yun dahil yung isa ay para ipakilala sa mga tao ang fianc---
"Wait what?! Tama ba ang narinig ko dad? Ipapakilala mo siya as my fiance, dad naman" gulat kong tanong sa kanya. Tinignan niya lang ako ng may pagbabanta kaya napatikom ang bibig ko at tumingin sa lalaking kaharap ko na ngayon ay mukang tangang nakangiti sa akin. Inirapan ko lang siya at pinakinggan ang sasabihin ni dad.
"Malaking celebration ang magaganap non, at nasabihan ko na din ang mga magulang mo tungkol sa bagay na ito at pumayag naman sila" pagpapatuloy niya.