****
They look good together.
I smiled bitterly.
I'm standing here while watching them, saying their vows in front of Him and everyone.
"Pangako ko sayo. Matapos natin Maka graduate papakasalan kita kahit saang simbahan mo gusto. "
"Promise yan ah"
"Pangako"
Kung sakali bang hindi mo ako nakalimutan, maalala mo pa kaya ang mga pangako mo?
Kung sakali bang ako ang nakasama mo habang nagpapagamot ka,
Ako ba ang babaeng pinapakasalan mo ngayon?
"You may now kiss the bride"
Those are the last words of the priest before i drag myself out of the church.
"One more shot please"
"Jean tama na yan, nakakailan ka na hindi ka pa ba uuwi baka hinahanap ka na sa inyo?"
"Hayaan mo siya Joshua mukang malalim ang problema niya"
"Anong hayaan ang sinasabi mo diyan eh nakakailang shot na siya"
"Leave me alone please" pakiusap ko kambal na nag aaway sa harapan ko.
Nakatulala lang ako habang umiinom. Dito agad ako dumiretyo pagkatapos kong umalis ng simbahan kanina. Nakakailang vibrate na rin ang cellphone ko sa aking bulsa dahil sa paulit ulit na tawag na dumadating sa akin.
Hindi ko na lang iyon pinansin at tinuloy ang pag iinom.
"Jean ano ba kasi talaga ang nangyare at bakit nagiinom ka ng ganyan?" tanong ni Joshua habang nag aalalang nakatingin sa akin.
"It's nothing" balewalang sagot ko sa kanya kaya napairap naman siya at hinayaan na lang ako.
Muli kong naramdamang tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko na lang iyon kase makipag talo sa magkapatid na ito.
Unang bumungad sa akin ang text message na galing sa unknown number.
0948******
Unknown numberJean where are you. I'm worried please go home.
..
Please tell me where are you. I'll fetch you.
...
Jean. Please
Napakunot ako ng noo dahil hindi ko naman kilala kung sino ito at sakto namang tumawag ang unknown number at hindi ko sinasadyang masagot iyon. Papatayin ko sana kaso hindi ko malalaman kung sino iyon kaya dahan dahan kong tinapat sa tainga ko at pinakinggang maigi kung sino iyon.
"Thank God you answered, I'm worried Jean where are you?"
"Excuse me, but who is this?" tanong ko sa kabilang linya.
Natahimik naman siya sa tanong ko at narinig ko siyang bumuntong hining.
"It's me Hunter"
"Oh it's you" nakapikit kong sambit habang hawak ang baso ng alak.
"Tell me where exactly you are i'm gonna fetch you."
"No need. I can handle myself."
"You're drunk"
"Yes I am, but I can still drive"
Natahimik naman siya sa kabilang linya kaya pinatay ko agad ang tawag dahil gusto kong mapag isa ngayon. Umalis na rin ang kambal dahil sinabi kong gusto kong mapag isa.
Pagka ubos ko ng ilang shot ay napag pasiyahan ko ng umuwi dahil malapit ng mag umaga. Kaunti na rin ang tao sa bar at karamihan ay mga naglilinis na lang.
Pagkalabas ko ay pumunta agad ako sa parking lot para kunin sana ang motor ko ngunit may naaninag akong mga tao malapit sa motor ko.
"Pare bigtime siguro may ari neto grabe ang ganda, bihira lang ako makakita nito" rinig kong usapan nila habang pinapalibutan ang motor ko. Tatlo sila, ang isa ay nakaupo sa upuan ng motor at naninigarilyo at ang dalawa naman ay nakatayo habang may hawak na bote ng alak.
"Excuse me. Get off my bike" malumanay kong sabi kaya agad silang lumingon sa akin. Nang makita nila ako ay agad ngumisi ang nasa gitna sa kanila at nilingon ang kasama.
"Bigtime nga mga pare." nakangising sambit ng nasa gitna. Binato niya ang sigarilyo niya at tinapak tapakan.
Bwiset.
Mapapaaway pa yata ako baka makauwi. May narinig akong naglalakad ng dahan dahan sa likod ko pero hindi ko nilingon iyon.
Humakbang nalang ako papalapit sa motor ko ngunit hindi natinag ang mga nasa harapan ko at mas hinarangan pa nila ako kaya tinignan ko sila ng matalim.
Napaatras naman sila dahil sa tinging ibinigay ko. Hinayaan ko na lang sila at nagpatuloy sa pagsakay sa motor ko.
Hindi ko naituloy ihakbang ang paa ko dahil hinawakan nila ako sa balikat.
"Sumama ka muna samin miss"
"No thanks" sambit ko. Tinanggal ko ang mga kamay nila at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi sila natinag kaya naramdaman kong sinundan nila ako ng mabibilis na hakbang.
Hindi agad ako naging alerto sa galaw nila kaya hindi agad ako nakailag sa sampal ng humawak saken kanina.
Napahawak ako sa pisngi ko at tila nabingi sa lakas ng sampal niya. Dahan dahan kong inangat ang tingin ko sa kanila at nakita silang tumatawa na tila nasiyahan sa ginawa.
"Alam mo miss sumama ka na lang samin kung ayaw mong masaktan ulit, for sure masasarapan ka sa gagawin naten. Muka namang iniwan ka ng shota mo eh kaya sumama ka na samin." sambit ng kaninang may hawak ng alak.
Dinura ko ang nalasahan kong dugo sa labi ko at tinignan sila ng masama. Akmang tatalikod na ako ngunit sa pangalawang pagkakataon ay pinigilan na naman ako ng nasa gitna kaya naman ay hinawakan ko agad ang kamay niya at hinarap saken sabay sapak sa kanya. Binali ko rin ang kamay niya kaya namilipit siya sa sakit.
Hindi ko siya binitawan at tinignan ang mga kasamahan niyang tila nagulat sa ginawa ko kaya ako naman ang ngumisi.
"Don't try me. You don't know what i'm capable of. " sabi ko at mas binali pa ang kamay ng hawak ko kaya napasigaw lalo siya.
Hindi agad nakagalaw yung dalawa kaya naman pabalya kong binitawan yung hawak ko at tinalikuran sila.
Nagiwan ako ng maitim na usok sa kanila sabay paharurot sa motor ko. I raised my middle finger at them before i go. Tsk weak.
****
Zachyyy