CHAPTER 15

25 2 0
                                    

****

Pagkarating ko sa bahay naabutan ko si John na nakaupo sa couch at nagbabasa Ng dyaryo habang naka-on ang tv. 'tssk aksayado sa kuryente' sa isip isip ko. Pinatay ko na lang ang tv at hinayaan na lang siya doon mag isa. Nagpalit lang ako ng damit at bumaba na agad para magmeryenda.


Pagkababa ko naabutan ko si John na nasa ganun pa ding posisyon.Hinayaan ko na lang siya at nag diretso na lang sa kusina. Naabutan ko duon si manang na nagluluto ng pancake kaya kaya kumuha ako ng plato ko at kumuha ng isa duon sa tapos na niyang lutuin. Habang kumakain ako nakita kong pumunta din si john sa kusina bahagya siyang nagulat nung nakita niya ako.

"Oh Jean andyan kana pala, hindi kita napansin kanina." - mahina nalang akong natawa dahil siguro hindi niya nga ako napansin kanina na dumating.


"You seems busy reading kanina eh, naka on pa yung tv I thought you noticed me. "- umiling lang siya at bahagyang natawa. Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi at ginulo ang buhok kaya nainis naman ako.

"Aissh ano ba John, stop messing my hair. I'm not a dog , tsss. "- inis na sabi ko at inayos ang buhok ko. Tumawa lang siya dahilan para samaan ko siya ng tingin.

"Woah relax Jean, sungit mo na talaga." - tinaasan ko lang siya ng kilay at hinayaan nalang saka kumain na ulit. Dumiretso naman siya sa ref at kumuha ng gatas at binigyan din ako. 'thanks' Sabi niya bago umalis at tinanguan kolang.


Habang kumakain ako ramdam kong may nakatingin sa akin kaya inangat ko ang tingin ko at tinignan si manang na nakatingin sa akin. Lumapit siya sa lamesa at inilagay duon ang mga pancakes na niluto niya. Matapos noon kumuha siya ng strawberry syrup at inilagay iyon sa harapan ko kahit hindi ko naman hinihingi. Pagkalapag niya noon ay umupo siya harapan ko at tumingin sa akin ng may pag-alala, hinintay ko na lang ang sasabihin niya at tinapos ang pagkain.

"Tuluyan ka ng nagbago hija" bahagya akong nagulat sa sinabi ni manang kaya lumingon ako sa kanya na may pagtatanong na tingin.

"What do you mean manang" tanong ko ng medyo nakakunot ang noo. Lumipat siya sa katabi kong upuan at humarap sa akin.Dahan dahan niyang hinawakan ang magkabilang kamay ko at tumingin sa aking mga mata.

"Nawala na yung alaga ko,hindi na ikaw yung Jean na alaga kong masiyahin." malungkot niyang tanong sa akin habang hawak ang mga kamay ko. Dahan dahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin at umayos nag pakakaupo at uminom ng tubig.

"Hindi naman ako nagbago manang, ako padin to" walang emosyon kong sabi. Ayokong bastusin si manang dahil siya lang yung palaging nandyan noon habang nasa trabaho sila mom at dad, siya lang yung palaging kasama namin ni John, sila ang nagalaga sa akin simula noon kaya hindi na ako magtatakang kilalang kilala ako ni manang.

Hinawakan niya ang pisngi ko at bahagya akong iniharap sa kanya. " Simula nung naging busy ang mga magulang niyo sa pagtatrabaho sa kompanya ako yung nagalaga sa inyo ng kambal mo.Ako yung palagi niyong kasamang dalawa kahit saan, noon palagi mo akong nilalambing kapag napapagod ako sa inyo sa pag aalaga dahil medyo may edad na ako. Sa sobrang tagal ko ng nagtatrabaho dito sa inyo, kabisado ko na ang ugaling meron kayo. Jean hindi ka ganyan dati." hindi ako nakasagot sa tanong ni manang dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.


"Sabihin mo nga sa akin ang totoo hija, bakit bigla kang nagbago?" tanong niya sa akin at bahagya akong umiling dahil hindi pa ako handang harapin ang mga tanong niya.Niyakap ako ni manang at ramdam kong sa mga oras na ito, ipinaparamdam niya sa aking hindi aki nagiisa.

"Matanda na ako hija,kaunting oras na lang siguro ang mayroon ako sa mundong ito at ayokong maiwan ang napakaganda kong alaga na nagkakaganito." kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

"Palagi mo lang tatandaan na andito lang ako hija,wag mong solohin kung ano man yang nararamdaman mo.Maraming nagmamahal sa iyo." hinalikan niya ako sa noo at nagpaalam ng may gagawin lang siya. Dahil sa sinabi ni manang hindi ko maiwasang hindi tanungin ang sarili ko 'sobrang laki ba talaga ng pinagbago ko?' bahagya kong nakagat ang labi ko dahil alam kong marami silang nakita sa aking pagbabago.

Umakyat na ako sa taas matapos kong hugasan ang pinagkainan ko at nagdiresto na sa aking kwarto at natulog muna.

*****
Zachy

A chance to Love Where stories live. Discover now