Hi everyone sana po nagugustuhan niyo po yung story, sana po kasama ko po kayo hanggang huli sa pagbabasa nitong A Chance To Love. Lablotss
➖➖
Jean's POV
*Tok, tok, tok*
"Jeannyy bangon na diyan late ka naa"
"5 minutes John"
"Wake up na Jean may exam ngayon diba?"
Fvck
"wait eto na"
Dali dali akong bumangon at tumungo agad sa banyo.
Examination nga pala ngayon,kagabi ko lang naalala kaya hindi agad ako nakatulog kase nagreview ako. Mageend na ang semester. Kaya dapat ipasa ko yung exam ngayon.
Naligo na agad ako dahil baka mahuli ako sa exam. 8:30 ang umpisa ng exam.
Bwiset 7:05 na. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi na ako nakapagsuklay kaya lumabas na agad ako sa kwarto at dali daling bumaba.
"Oh dahan dahan walang hahabol sayo." natatawang sabi ni John. Inirapan ko na lang siya at nagdiresto na sa kusina para uminom ng tubig.
Naabutan ko doon si mommy na naghahanda ng breakfast kaya lumapit lang ako saglit sa kanya at humalik sa pisngi niya.
"Morning Mom" bati ko.
"First time mong late honey"
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at pumunta na sa fridge para kumuha ng tubig.
"Oh hindi ka kakain anak?" tanong ni mom kaya umiling lang ako at sinabing sa school na lang. Lumabas na ako sa kusina habang umiinom sa bottled water na dala ko.
Simpleng plain t-shirt lang ang suot ko at fitted jeans ang suot ko at pinatneran ng white rubber shoes. Hindi na ako nagsuklay dahil matatagalan pa ako. Eto ang unang pagkakataong papasok ako sa school ng nakalugay.
Palabas na ako nang maabutan ko si John sa labas na parang nagiintay. Nang makita niya ako ay sumimangot siya.
"Tagal mo naman,kanina pa kita iniintay eh malelate na ako" asar na sabi niya sa akin. Napataas naman ako ng kilay.
" Sino bang tangang nagsabing intayin mo ko?" napaismid ako ako at dumiretso na lang sa motor ko. Umalis na si John dahil sinabi niyang baka malate na siya.
Sinuot ko na ang helmet ko at pinaandar na ang sasakyan ko.
Nakarating ako sa tamang oras sa school at may 5 minutes pa ako para maglakad papunta sa room.
Habang naglalakad ako hindi nakatakas sa pandinig ko ang pasimpleng bulungan nila.
"Ang ganda niya pala lalo kapag nakalugay no?" natawa ako sa isip ko.
"Ano ka ba girl maganda din naman siya kahit nakapusod no. Kabog na kabog niya yung muse ng business ad grabe,kahit may lahi yun pero yung natural na ganda ni Jean walang wala na siya" madalas ko din marinig pagusapan ang babaeng yon. Maganda talaga siya dahil half. Kadalasan naririnig ko yun sa hallway na pinaguusapan especially ng mga lalaki.
Hindi ko na lang pinansin ang bulungan nila at nagtuloy na sa paglalakad.
Nakayuko lang ako habang naglalakad nang hindi sinasadyang may mabangga ako. Tsk kamalas malasan nga naman. Tinignan ko kung sino ang nakabangga ko at nang makita ko yun ay bahagyang napakunot ang noo ko ng mapansing hindi siya nakasalamin ngayon.
"Hi?" nahihiyang bati niya.
"Matt?" nagtatakang tanong ko. Nagtataka kase ako hindi siya suot yung nerdy glasses niya.
"Bakit? Mas bagay ba sa akin yung naka eye glasses?" Umiling lang ako sa tanong niya.
"Nagtataka lang ako kung bakit hindi mo suo-- shitt!! Late na ako sorry Matt mamaya na lang byee." hindi ko na siya inintay pang magsalita dahil baka malate na talaga ako. Tumakbo na ako patungo sa room namin at laking tuwa ko ng wala pa doon ang prof.
Nagtungo na agad ako sa upuan ko at inayos ang gamit ko. Maya Maya ay dumating na ang prof namin.
"Good morning class. So siguro naman aware kayo that you'll have an examination today, right?" tanong niya sa amin kaya sabay sabay kaming sumagot.
"okay,you only have 45 minutes to answer by subject" dinistribute niya na ang test paper at ang mga nabigyan niya naman ay nagsimula ng magsagot.
"Good luck answering,be honest okay? I'm watching you so don't cheat understood?"
" Yes sir"
Nagsimula na akong magsagot at sobrang tuwa ko nang masagutan ko iyon lahat. Buti nalang nagreview ako kagabi.
****
Nang matapos ang exam dumiretso na agad ako sa canteen dahil nagugutom na ako. Hindi kase ako kumain kanina sa bahay.
Dumiretso na agad ako sa counter at umorder ng makakain. Matapos non ay humanap ako ng bakanteng mesa. Nakita ko naman sa bandang dulo na walang nakaupo kaya doon ako umupo.
Nilapag ko ang pagkain ko at nagsimula ng kumain. Habang kumakain ako may naglapag ng isang tray sa katapat kong upuan kaya inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Matt na nakangiti. Ngumiti lang din ako at napansin ang bulungan sa paligid.
"Diba ayan yung nerd?"
"What happened?Bakit biglang naging wafu?"
Natawa na lang ako sa isip ko ng marinig kong ang kaharap ko pala ang pinaguusapan nila. Napansin niya naman na parang natatawa ako kaya tumigil siya sa pagkain at nagtatakang tumingin sa akin at sa paligid.
"Wow,so they're talking about me now huh?" tango tangong sambit niya.
"Tss"
" Ganun ba ako kagwapo para pag usapan nila?" natatawang tanong niya sa akin kaya napaismid ako.
" Tsk yabang mo naman"
"Well, I'm just saying the truth." natatawang sambit niya naman kaya binato ko siya ng tissue sa muka.
"Huh?close pala sila ni Jean?"
Bigla kong narinig na bulungan ng mga babaeng malapit sa pwesto namin pero hindi ko sila nilingon at pinakinggan lang ang bulungan nila.
"Halata naman eh tignan mo nga tumatawa siya kanina." rinig kong bulong nung isa sa kanila.
Hindi ko na lang sila pinansin at hinayaan na lang.
Pagkatapos non ay dumiretso na agad ako sa room para sa last subject namin. At nang matapos yun ay lumabas na agad ako at dumiretso sa parking lot para umuwi na dahil medyo nahihilo ako kanina sa exam.
Nakita ko pa doon ang sasakyan ni John marahil ay hindi pa sila tapos sa exam nila.
Sumakay na ako sa motor ko at umuwi na sa bahay.
Pagdating ko sa bahay naabutan ko sila mom sa sala na parang may seryosong pinaguusapan kasama si dad. Lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi nila. May nakita naman akong isang lalaki na lumabas mula sa kusina at pansin kong parang kasing edaran ko lang ito. Teka sino naman to? Tanong ko sa isip ko.
"Uhh mom? Sino po siya?" tanong ko sa kanila habang nakaturo dun sa lalaking lumabas kanina sa kusina.
"Jean,meet your Fiance"
What the...
➖➖➖
@zachyy