Chapter 5

32 3 0
                                    

Chapter 5: Slow

Yanna's POV

papasok na ako ngayon sa School. hinintay ko yung text ni Dave pero wala naman. sabi niya te-text niya daw ako, tapos hindi naman pala.

pero okay lang naman, baka busy siya. tsaka wala rin naman sigurong dahilan para mag text kami.

******

"Okay na ba kayo ng Pinsan mo, Yanna?" tanong ni Alexa habang kumakain kami sa Canteen

"Hindi pa nga e." ngumuso ako

"Ma-pride yung pinsan mo na yon, ano pa bang e-expect mo?" si Reign

hindi nalang ako sumagot

"Sino ba yung pinsan mo na yon? Hindi ko pa yon nakikita ah. baka naman chaka tas kung maka-arte.." napa-angat ako ng tingin sa sinabi ni Keithleen

"Uy, hindi ah! Mas maganda pa yon sa'kin!" aniya ko at ngumiwi siya

"Pero mas maganda parin ako," aniya niya sabay nag hair flip.

dO______Ob

parang minsan gandang ganda si Keithleen sa sarili niya.

"Ang hangin, grabe!" si Alexa

"Kaya nga, tatangayin na ako, omyghad!" si Reign. tinarayan naman silang dalawa ni Keith

Mahangin? Ang init init kaya

"Anong mahangin? Eh hindi naman tayo nahahanginan dito. ang init kaya!" aniya ko at sabay sabay silang nag face palm

dO_____Ob

Hala, bakit kaya?

"Bakit?" tanong ko

"Hay nako, Yanna..." si Alexa na tinuloy nalang ang pagkain

"Masanay na kayo, ganyan talaga yan!" si Reign

Ang alin ba?

"Putangina!"

dO_____Ob

Gulat ako dahil biglang nag-mura si Keith

Bat ba siya nagmu-mura?

"Yanna, ganyan ka ba talaga?" kunot noo niya tanong at sabay umiyak kahit wala namang luha

"Hala, bakit ka umiiyak? pero wala namang luha." tanong ko. sabay sabay nanaman silang nag face palm.

"Sabi ko sainyo eh," si Reign

"Hay nako, kakain na nga lang ako dito." si Alexa

anong bang problema nila?

Bumuntong hininga si Keithleen, sabay naka-nguso na tumingin sakin

"Bakit, Keith?" tanong ko at napapikit siya bigla

"Wala Yanna, ayoko mais-stress."

My Cousin's Crush (My Crush Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon