Chapter 7

36 4 8
                                    

Klara.

“Did you eat breakfast?” ani Mommy habang nag-aayos ng mga folder na nasa ibabaw ng kaniyang office desk.

Pinapunta ako ni Mommy sa opisina niya sa di ko alam na dahilan. We have a problem na di ko rin alam kung resolved na o hindi because in two years, we haven’t talked about it since the day na pinaalis ako sa bahay. And everytime naaalala ko yon, my hands tremble, not in fear pero dahil sa katotohanan na di nila ako pinakinggan. Well, di nila ako pinagsalita at pinaalis na lang.

Sa loob ng dalawang taon na yon, ito pa lang pang-anim na beses na nagkita kami.

“Yes, I did,” pagsisinungaling ko habang nakatingin sa luma naming family picture na nakasabit sa dingding ng kanyang opisina. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa couch.

Lumapit siya at tumabi sakin, hinawakan ang aking mga kamay na nasa tuhod ko. Tiningnan niya ako sa mga mata at wala akong nakita doon kundi pag-aalala.

“Klara, come back home,” nangingilid ang luha na sabi niya.

“Lolo and Daddy won’t want me to be there. Alam niyo yan,” sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Then ask for forgiveness Klara. Yun lang ang inaantay nila.”

Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Naalala ko na naman lahat, kung paanong pinaalis ako ng di nila inaalam kung ano ba talagang nangyari nung gabi na yon, kung paano akong natraydor at natalo sa laban nang hindi ko alam.

“Bakit po? Ano bang ginawa ko?”

“Klara…..”

“Wala akong ginawang masama! What made you think na ako ang dahilan?!”
Napatayo ako, di maitago ang inis at gulat.

“Klara, y-you knew he was cheating,” sabi niya at napayuko. “His family was about to sue you.”

“Sue me?! Wow..” di ko malaman kung ano ba ang dapat kong sabihin. “I was betrayed and will always be betrayed.”

Namumuo na ang mga luha sa tabi ng aking mga mata. Nilabanan ko ang sakit na nararamdaman ko sa aking lalamunan.

Ganito ba talaga sa mundo? Kahit ang taong akala kong naniniwala sa akin ay pinagdududahan ako.

“Mommy, ikaw ang huling tao na inaasahan kong maniwala sa napakababaw na dahilan na yan and again, I was wrong,” pigil ang galit na sabi ko. Ayaw kong magalit sa kaniya dahil sa kabila ng maling pinapaniwalaan nila ay siya lang ang nanatiling sumusuporta sa akin.

Tumayo rin siya at lumapit sa akin. Nangungusap ang mga mata.

“Just because I knew that he was cheating with a ‘friend’ I barely knew and kept quiet about it, ganon na ang gagawin ko? Hindi ako mababaw na tao, Mommy.”

“Anak, I’m sorry.”

Pinahid niya ang mga luha na patuloy na umaagos sa pisngi ko.
Dinampot ko ang bag na nasa couch saka humarap ulit sa kanya.

I have to go Mommy. Saka na lang ulit tayo magkita, kapag handa ka nang pakinggan ako,” sabi ko at lumabas.

Bago tuluyang umalis ay tiningnan ko muna ang pangalan na nasa kaniyang pintuan.
Sa iilang beses na nagkikita kami, hindi niya man ang tinanong ni isang beses kung ano ba ang side ko. Parang lagi niyang pinapalabas na ako nga ang may kasalanan and I won’t say anything kung ganon pa rin ang paniniwala niya.

Dahil lang sa tao na yon naging ganito kami ng pamilya ko at dahil lang sa babae na yon, naging ganito ako sa ibang tao. Funny how the world treats me. I endured the pain and still, kahit sakin nagkamali ako pa rin ang lumalabas na mali.

KLARA ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon