Chapter 14

21 2 6
                                    

Klara.

🎶"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday Klara~~"🎶

Lumabas sila galing sa dilim na may dalang cake at may sinding kandila. Hawak yon ni Onyx samantalang si Iaris naman ay pinoprotektahan ang apoy gamitan ang kaniyang mga kamay.

Pagkarinig ko sa kanila, parang may kung anong nabunot sa dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang paghagulhol dahil sa kabang naramdaman ko kanina.

Lalong nanghina ang tuhod ko at napasalampak ako sa sahig. Dali-dali namang lumapit sakin si Iaris at sumunod ang iba.
Para akong bata doon na na sumisinok-sinok pa habang umiiyak. Sino ba naman kasing nakaisip na gawin 'yon?!

"Nakakainis kayo!" sigaw ko sa kanilang lahat habang umiiyak. Wala na akong pake sa itsura ko ngayon.

"Tanya, ano bang ginawa niyo?!" nag-aalala ngunit naiinis na tanong ni Onyx. Binuhay na rin nila ang ilaw sa kwarto na 'to.

"Sabi niyo kunwaring kidnapin," pumamewang pa siya. "Ang galing nga ni Merry kanina eh."

Wow. Proud na proud pa.

"Sorry, Klara," sinserong ani Merry. Tinulungan niya akong tumayo at maupo sa isang arm chair.

"Tapos ikaw, iniwan mo ko!" turo ko kay Iaris. Nagpeace sign lang siya sakin.

"Ulitin na nga lang natin yung kanta. Mauubos na yung kandila oh!" si Myrr. Siya na pala ang may hawak ng cake at nangangalahati na nga yung kandila.

Inulit nila yung kanta habang ako pinapatigil pa rin ang sarili ko sa pag-iyak. Bago magblow the candle ay pinagwish muna nila ako. Wala naman akong winish dahil hindi ko sigurado kung magkakatotoo ba.

"Pano niyo nalaman na birthday ko ngayon?" tanong ko sa kanila habang pabilog kaming nakaupo sa sahig at kumakain. May dala silang pansit at softdrinks. Kinakain na din namin yung cake na dala nila. Carrot ang flavor.

Dalawang taon ko nang kinalimutan na kailangan kong alalahanin o i-celebrate ang birthday ko. Dahil sa araw na 'to nangyari ang bagay na 'yon at saka wala naman akong kasama magcelebrate.

"Dun sa pinasagutan ko sa'yo noon! Malinaw na nakasulat ang October 17!" si Iaris. Nagwawarning yung pagkain sa bibig niya. Muntik nang lumabas.

"Umayos ka nga ng pagkain! Punong-puno yang bibig mo!" puna sa kaniya ni Myrr. Di na yon pinatulan ni Iaris at umirap na lang siya. Sumubo pa siya ng mas malaking piraso ng cake.

"Klara, sorry ulit," nakayukong sabi ni Merry habang naglalagay ng cake sa plato ko.
"Okay na yon Merry," tinapik ko siya sa balikat at nginitian. Wala naman na akong magagawa, tapos na eh.

"Pati yung sa CR ah," dagdag niya. "Si Tanya talaga ang may plano non." Pabulong lang yong huli niyang sinabi pero malakas yata talaga ang pandinig ni Tanya.

"Narinig ko ang pangalan ko!" pinandidilatan niya kami ng mata. Tinutukan pa kami ng tinidor. Parang mas nakakamatay pa yung mga tinginan niya eh.

"Baka naman lumuwa yang mata mo," puna sa kaniya ni Onyx na tahimik lang kanina sa pagkain.

"Oy, baby boy.. Pinapansin mo na ulit ako?" nagpacute pa si Tanya ka Onyx. Napangiwi kaming lahat dahil don.

"Onyx!" agaw-atensyon ni Myrr. "Kelan ka pa niyan naisipang tawagin na baby boy?! Aba baka magselos si ----" di na siya nakatuloy dahil bigla siyang sinubuan ni Onyx ng malaking piraso ng cake. Muntik-muntik pa siyang mabulunan dahil don.

"Ang sweet mo naman pare!" pang-aasar pa ni Myrr. May halong sarcasm yon.

"Oo. Buong cake talaga ang isusubo ko sa'yo kung di mo pipigilin yang dila mo!"

KLARA ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon