Chapter 20

18 1 8
                                    

Klara.

Pag talagang marami kang ginagawa ay kusang lumilipas ang oras. Lalo na kapag ang mga bagay na ‘yon ay nakakapagpasaya sa’yo. Parang gusto ko na nga lang i-extend nang i-extend ang pag-stay namin dito dahil never kong in-expect na ganito ako ka mag-eenjoy.

Hindi na kami umalis para gumala nung araw na dumating kami rito. Si Iaris kasi ay medyo nahihilo pa at ayaw namang magdrive ulit ni Myrr. Nanghinayang rin kami kung aalis kami nang hindi kumpleto kaya kinabukasan na lang kami bumawi.

First stop ay ang dalawang mangrove forest na malapit lang sa beach house. Yung isa ay nilakad lang namin papunta dahil sobrang lapit lang mula sa beach house. Sa beach na lang rin kami dumaan.

Nagpakain kami ng mga alagang isda nila roon at nagtry din kami mag-kayak.

Para makapunta sa sunod na mangrove forest ay kinailangan naming sumakay sa van. Si Onyx ang nagmaneho nang araw na iyon.

Nilakad namin ang mahabang tulay na gawa sa kawayan para malibot ang lugar. Nangatog nga ang tuhod ko pagkatapos naming maglibot. Doon na rin kami kumain ng tanghalian.

Syempre maraming oras din ang inubos namin sa pagkuha ng mga pictures.

Nakakatuwa na gumagawa ng paraan ang mga taong nakatira roon para mapreserve at mapaganda pa ang kanilang natural resources.

Binisita din namin ang Lover’s Lane na overlooking sa dagat. Hindi tuloy kami magkaintindihan sa pagkuha ng mga pictures. Syempre minsan lang kami makapunta sa malapit sa dagat.

Kitang-kita talaga ang kalawakan ng dagat. Nakaka- in love din ang kulay noon. Beautiful is an understatement.

“Halika na. Nandoon na silang lahat sa harap ng bonfire.” Sinundo ako ni Merry sa loob ng kwarto kung saan kami nag-istay. Ako na lang pala ang naiwan dito.

Nandoon pa rin ang lungkot sa mukha niya. Kahit nung biyahe pa lang ay pansin ko na kakaiba ang ikinikilos niya. Sinubukan ko siyang tanungin tungkol do’n pero ramdam ‘kong iniiwasan niya ang mga tanong ko. Mag-oopen siya ng ibang topic para hindi na ako ulit magtanong.

“Ate, dito ka na umupo sa tabi ko!” tawag sa akin ni Iaris. Tumabi ako sa kaniya at tinanggap ang iniaabot niyang inumin.

Pa-curve kaming nakaupo sa palibot ng bonfire na nasa harap mismo ng dagat.
Sobrang naka-kalmado ang paligid- ang mahinang tunog ng mga alon, ang liwanag ng buwan at mga bituin, maging ang lamig ng simoy ng hangin na binabalanse ng init na nanggagaling sa apoy. Kahit sa panaginip ay ‘di ko nakita na mararanasan ko ang bagay na ito kasama ang mga kaibigan ko.

Pinagmamasdan ko lang sila habang nagtatawanan. Siyempre, partner na naman sa pag-aasaran si Iaris at Myrr na paminsang-minsang binabara din ni Tanya. Sa tabi naman niya ay si Merry na tagatawa lang sa kanila.

“Ang tahimik mo naman.” Napatingin ako kay Onyx na nasa tabi ko na pala. Hindi ko rin napansin na kanina pa nakalipat sa tabi ni Tanya si Iaris.

“Ikaw din naman,” sagot ko sabay kagat sa barbecue.

“Pinagmamasdan kasi ....” kaswal lang na sagot niya.

“Ha?” Hindi ko siya narinig nang maayos.

“Wala,” sagot niya saka tumawa. “Pinapanood at pinapakinggan ko lang sila kaya ako tahimik.”

Napatingin din ako sa mga kaibigan naming nagtatawanan sa kabilang parte. Yan ang mga pagkakataon na gusto kong maalala palagi.

Alam ko naman na darating ang panahon na magkakahiwalay din kami and that may be one of the reasons kung bakit ayaw kong ma-attach sa ibang tao.

“Ang ganda rito ‘no?” nakangiting tanong ko sa kaniya.

KLARA ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon