Chapter 23: Surprise

36 4 4
                                    

Klara.

"HAPPY BIRTHDAY IARIS!"

Ilang minutong nanatiling nakatayo si Iaris sa harap ng compartment ng sasakyan ni Onyx. Meron doong nakasabit na banderitas na mayroong nakalagay na "happy birthday". Meron ding cake at ilang lobo.

Unti-unting nawala ang ngiti naming apat na nasa likod pa rin niya. Nang hindi pa rin siya sumasagot ay sabay-sabay pa uli kaming sumigaw.

"HAPPY BIRTHDAY IAR---"

"Mga siraulo kayo!!" Humarap siya sa amin nang umiiyak. "Bwiset kayo! Bwiset!" 

Nagulat kami lalo na nang nanlilisik ang mata na sugudin niya si Myrr at Onyx. Hinampas-hampas niya ang dalawa na walang nagawa kundi ang iharang ang kanilang mga kamay.

Para makaiwas ay pumunta kami ni Tanya sa tabi ng kotse at nagpipigil ng tawa. Wala kaming balak umawat.

"Sorry na nga kase!" sigaw ni Onyx.

"Tama na sabi," tumayo ng maayos si Myrr at nag-peace sign. "Happy birthday, hehe."

Tumigil naman si Iaris sa 'pambubugbog' niya kaya dahan-dahan na ding napaayos ng tayo si Onyx. Mga kawawang nilalang. Gusot na ang mga damit at magulo na rin ang buhok.

"Nakakainis kase! Babati na lang yung may pananakot pa!" dabog niya papunta sa compartment. Kakamot-kamo na sumunod naman ang dalawa.

"Ayan! Ubos na ang kandila!" nakanguso niyang sabi nang damputin niya ang cake. Tiningnan niya 'yon ng may naaawang tingin. "Pano pa natin kakain 'to? Puro tunaw na kandila na yung ibabaw."

Ngumiti naman ako sa taong nakatago sa may bandang unahan ng kotse. Dahan-dahan itong lumakad sa papunta sa amin habang busy pa sa pagluluksa dahil sa cake si Iaris.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you~~" malamig na kanta ng babaeng may dalang panibagongcake. Malapad ang kaniyang ngiti kahit halata ang pagod sa mga mata.

Naagaw noon ang atensyon ni Iaris na agad humagulhol ng iyak kahit nakangiti.

"Mommy!" sinalubong siya ng yakap ni Tita Desie.

"Happy birthday, anak."

***

Nasa loob kami ngayon ng isang 'fancier place' tulad ng nirerequest kanina ni Tanya sa amin. Napaka-formal ng atmosphere at parang kahit pagtunog ng mga kubyertos ay nakakahiyang gawin. Pumapailanlang ang isang classical music na nakapagpa-relax sa kanila.

Heto sila ngayon at magkakaharap na kumakain ng steak. Tahimik lang kami at tila lahat ay nangangapa ng sasabihin o gagawin. Buti na lang at binasag ni Iaris ang katahimikan.

"Akala ko mamaya pa ang dating mo 'My?" tanong ni Iaris kay Tita Desie na nasa tabi niya.

"Ano ka ba?" tumawa saglit si Tita. "Syempre, hindi ko sinabi sa'yo ang totoo para masurprise ka."

Nabalot na ng kwentuhan at tawanan ang pagkain namin na 'yon. Hindi maitatago ang saya sa mukha ni Iaris kahit na kakaiba ang pagbati namin sa kaniya kanina.

Sa totoo lang, ang inaasahan ko ay magiging awkward ang pagkain na 'yon para sa amin. Dahil sino ba naman ako?

Ako lang naman ang anak ng taong iniwan sila.

"Thank you, Klara." Niyakap ako ni Tita Desie. Nasa may pintuan kami ng restaurant at nauuna sa paglalakad ang mga kaibigan ko.

Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapasalamatan. Hindi ba't ako dapat ang magpasalamat dahil hindi niya ginawa sa akin ang ginawa ni Mommy kay Iaris?

KLARA ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon