Chapter 12

20 4 3
                                    

Klara.

"Klara, akala ko hindi mo na ako bibisitahin dito," nakangiting sabi ni Nikka at ipinatong ang dalawang iced latte sa mesa. Kumuha ako ng isa at saka uminom.

"Sorry, medyo naging busy lang ako sa school," nginitian ko siya. "Free ako ngayon dahil college festival na next week." Magkaharap kaming nakaupo sa loob ng kaniyang opisina.

Hindi pa rin nagbabago si Nikka. Suot niya pa din ang mataas ang grado niyang salamin na lalo namang nagpapalitaw ng kanyang feminine features. Sabi nga ng iba niyang kaibigan ay kamukha siya ng alaga niyang tuta.

"Wala ka namang dapat ipag-alala dito sa café. Everything is under control," huminto siya saglit. "Pero hindi ba nagtataka sina Tita kung bakit hindi nagagalaw yung allowances na pinapadala niya?"

Ito ang dahilan kung bakit nakakapag-aral ako at nakakabayad ng upa kahit hindi ko ginagalaw ang mga bigay na allowance ni Mommy. Bago ako umalis sa puder ng family ko ay matagal na akong may ipon at ginamit ko 'yon para makisosyo sa uumpisahang café noon ni Nikka.

Sa pamilya namin, si Nikka ang nag-iisa kong pinsan at ang nag-iisang nakikisama pa rin sa akin nang maayos.

"Hindi ko nga alam kung chinecheck niya eh," natawa ako ng bahagya at sumandal sa upuan. "Wala naman siyang nabanggit na kahit ano nung huli kaming nagkita."

"Pinapauwi ka na ulit sa inyo?" nakakunot ang noo tanong niya. Alam niya ang lahat dahil nandoon siya nung nangyari ang insidente. Sinabi niya ang lahat ng alam niya pero gaya ko ay binalewala lang yon ng lahat.

"Yes," ngumiti ako ng mapait. "Tulad noon, sinabihan niya akong humingi ng tawad at bumalik samin." Narinig ko naman ang kaniyang buntong-hininga. "Pero syempre hindi ko gagawin yon dahil ikaw mismo, alam mong wala akong kasalanan."

"Klara, I'm very sorry. Wala akong nagawa noon para sa'yo," nasa mga mata niya pa rin ang pagsisisi. Napatingin ako sa mga kamay niyang nakahawak sa mga kamay kong nasa ibabaw ng mesa.

Umiling ako sa kaniya habang nakangiti. "No, you did everything for me. Lagi akong magpapasalamat sa'yo dahil doon. Ikaw lang ang naging kakampi ko."

"Kung ako ang masusunod, kakaladkadin ko talaga ang babaeng yon!" nanlalaki ang butas ng ilong na sabi niya. Natawa ako sa reaksyon niya kaya naman nagbago nang dahan-dahan ang kaniyang mukha.

"Seriously, gusto ko din yang gawin noon pero lalo ko lang ipapahamak ang sarili ko," sagot ko kanya ng nakangiti at naiiling.

"Kahit anong mangyari Klara, andito lang ako for you."

"Thank you Nikka. Alam kong mahirap din para sa'yo 'to pero salamat sa suporta mo sakin," wala akong magawa kundi ang ngitian siya dahil hindi man kami laging nagkikita lagi niyang ipinaramdam na nasa likod ko lang siya.

Kahit na pinapalayo na siya sa akin ng mga magulang niya, nagawan niya pa rin ng paraan na lihim kaming makapagsosyo sa negosyo.

Nagtagal pa ako sa café hanggang lunch dahil pinilit niya akong sabayan ko siyang kumain. Pumayag ako tutal hindi ko pa rin natitikman ang mga bago sa menu ng café at masasabi kong hindi ako nagsisisi na inilagay ko don ang huling alas ko.

Dalawang araw na nang nag-start ang college festival. Hindi ko na balak pumunta pero pinilit ako ni Iaris kagabi at sinabing lulutuan niya ako ng sinigang na baboy. Hindi ko inakala na paulit-ulit niyang gagawing bala sakin yon. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi ako makatanggi.

Kakatapak ko pa lang sa field pero kita ko na ang dami ng tao. Siguro dahil isang linggong walang klase kaya lahat ng estudyante ay nandito.

Kahit kasi walang klase ay required kaming pumunta para sa attendance. Noong mga nakaraang taon ay hindi talaga ako pumupunta. Nagpapakita na lang ako ng medical certificate para makalusot.

KLARA ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon