Chapter 16

11 2 1
                                    

Minsan matatakot ka na lang kapag sobrang saya mo. Mapapaisip ka kung kasunod ba noon ay kalungkutan kaagad. Kaya madalas mapapadalawang-isip kapag nakakaranas ka ng masayang bagay, nakakatakot kasing sobrang sakit ng kapalit non.

Sana lang nang dahil sa mga sakit na naranasan natin sa buhay ay mas matuto tayong pahalagahan ang maliliit na bagay na nagpapasaya sa atin.

Gulong-gulo pa rin ang utak ko. Una, hindi pa lubos na nagsi-sink in sa akin na anak din ng Daddy ko si Klara at ngayon, sinasabi sa akin ni Mommy na naniniwala siyang wala akong kasalanan sa nangyari noon. Pero bakit ipinaramdam niya sa akin sa matagal na panahon na hindi ganon?

“Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo.”

Napatunghay ako kay Mommy dahil sa tinuran niya. Nakangiti siya sa akin gaya ng ngiti na ibinibigay niya sa akin nung bata ako.

Ngayon ko lang napagtanto na nilalaro ko lang pala ang pagkain sa plato. Konti pa lang din ang nababawas ko doon. I smiled at her and started eating. It’s dinner already and dito na niya ako pinakain sa bahay. Mabuti na lang at mukhang wala dito si Lolo.

“Hindi ba masarap ang luto ko?”
Nakaramdam ako ng guilt dahil siya pang nag-insist na magprepare at magluto ng dinner namin.

“Medyo may iniisip lang po ako.”

Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong ulit. I know that Mommy understands me. At alam ko din na may gusto pa siyang itaong pero pinili na lang niya na ipagpatuloy ang pagkain.

Natapos kaming kumain ng dinner at ngayon ay ipapahatid na ako ni Mommy sa driver niya si Kuya James. Kuya James just started working for my mother a few months before I left pero kahit ganon ay naging ka-close ko din siya agad dati. Yun nga lang ay umalis na ako dito.

Kasama ni Mommy si Ate Precy at Kuya Tomas habang hinahayaan akong pumasok sa sasakyan. Minsan pa bago ako tuluyang umalis ay isa-isa ko silang inakap. Medyo napaiyak naman si Ate Precy.

My mom smiled sweetly at me and hugged me tightly. “I hope things will turn out well for you and Iaris.” Humiwalay siya sa yakap at tiningnan ako sa mga mata. “The pain is still here pero walang mangyayaring maganda kung ie-entertain ko yon.”

Niyakap ko ulit siya nang mahigpit at hinalikan niya naman ako sa buhok. I missed how my Mom used to be my greatest kakampi. Hindi niya ako hinahayaang umiyak noon. Ano kayang mangyayari kung hindi nangyari ang bagay na yon dati?

“Bakit nga pala hindi mo ginagalaw ang allowance na pinapadala ko sa’yo buwan-buwan?” tanong niya sa akin.

“I have my means Mommy,” ngumiti ako sa kaniya. “I am on a business venture with Nikka.”

Nanlaki ang kanyang mga mata. “Do you mean--?”

“Yes Mommy. Co-owner ako ng café.”

Sumilay sa kaniyang mukha ang isang ngiti, ngiting nagsasabi na proud siya sa akin.

Ipinagmamalaki ng pamilya namin ang café na ini-establish namin ni Nikka because it is really doing well. As of now, meron kaming tatlong branch all over the city. Yun nga lang hindi nila alam na isa ako sa may-ari noon. At wala kaming balak ni Nikka na ipaalam yun sa kanila.

“I’m really proud of you,” niyakap niya ako ulit. “It’s getting late. You have to go. ‘Pag may kailangan ka, you can come to the office or call me.”

Bago tuluyang umalis ang sasakyan ay kumaway ako sa kanilang lahat. I’m happy to see that my mother is starting to let of the past na hindi ko inaasahang hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya. I had no clue kahit nung hindi pa ako umaalis. She always made sure na makikita ko siyang matapang at malakas. She was always smiling kahit nung panahon na pinagtataksilan pa lang siya ni Daddy.

KLARA ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon