Chapter 18

45 3 4
                                    

Klara.

“What?!” hindi makapaniwalang tanong ni Tanya na nagpapalit-palit ng tingin sa akin at kay Iaris.

Nanlalaki din ang mga mata niya. Habang si Iaris ay malapad lang ang ngiti na tatango-tango sa kaniya. Parang sinasabi niyang "you can doubt but it’s true".

Pare-parehong nakanganga at naghihintay ng sagot si Tanya, Merry at Myrr. Ikaw ba naman ang pasabugan ng shocking revelation na kahit ako ay hindi makapaniwala. Fifty percent pa nga lang yung nagsi-sink in sa utak ko e.

Samantalang si Onyx ay nag-aalalang nakatingin sa akin at kay Iaris. Sa kanilang apat, siya lang naman ang may alam ng bagay na yon. Siguro ay nagulat din siya sa pag-amin ni Iaris. At hindi namin inakalang lahat na papupuntahin sila dito ni Iaris para sabihin ang bagay na ‘yon. Akala ko talagang namimiss niya lang sila.

“Kapatid ko nga si Klara. Ang kulit!” she chuckled at uminom ng beer.

“Wait, pano nangyari yon?” hindi pa rin makapaniwalaang tanong ni Tanya.

Sa pagkakataong ito, lahat ng paningin nila ay nasa akin. Ilang beses akong napalunok ng laway dahil doon. Kakaiba kasi sila makatingin.

Tinungga ko muna ang laman ng lata ng beer, bottoms up. Nakakapressure pala yung lahat sila ay nakatingin sa’yo at naghihintay kung anong sasabihin mo.

“A-anak siya ng tatay ko kaya magkapatid kami?” kakamot-kamot sa ulo na sagot ko pero patanong ang tono. Maging si Merry ay napakamot din sa ulo niya dahil sa sagot ko samantalang natampal naman ni Tanya ang kanyang noo.

“Please elaborate, Klara,” si Merry.

“Yes, yung maiintindihan naman namin please,” dagdag pa ni Tanya na mukhang naiinip.

Walang kibo si Myrr at seryosong nakatingin lang kay Iaris na walang ibang ginawa kundi ang ngitian kami at uminom ng beer.

Parang wala lang sa kaniya ang reaksiyon ng mga kaibigan namin though merong part sa akin na natutuwa na kahit ganoon ang nangyari ay nakakangiti pa rin siya. She’s so strong.

“Ako na nga magkukwento,” sabi niya sabay lapag ng iniinom niya sa mesa. “Baka nahihiya itong ate ko eh. Hihi!” pagkasabi niya sa salitang Ate ay ipinulupot niya ang kamay niya sa braso ko. Nagulat ako sa ginawa niya.

Napatingin ako sa kamay niyang nakapulupot sakin at pagkatapos ay sa nakangiti niyang mukha. Parang hinaplos ang puso ko dahil don.

Dahil kahit may hindi kami magandang ugnayan dahil sa tatay namin ay ganito pa rin ang pakikitungo niya sa akin.

“Okay, spill the beans dear!” medyo naiinip na sabi ni Tanya. Umayos naman ng upo si Merry para makinig.

Nagsimula na siyang magkwento. Kahit yung nangyari kung pano namin nalaman ay sinabi niya at hindi ako komportable. Well, aside sa pagkumpronta sa kaniya ni Mommy.

Hindi ko nga lang sigurado kung dapat ba naming sabihin na agad sa kanila kung anong nangyari. Yes, they are our friends pero hindi ba sobrang maaga pa sabihin sa kanila?

Nasa kalagitnaan siya ng pagkukwento at hindi ko na kayang makinig. Sinubukan ko siyang pigilan nung mas maaga pa pero wala din akong nagawa. Nagpaalam na lang ako na kukuha ako ng tubig sa kusina. Kahit nakababa na ako ay naririnig ko pa rin ang pagkukwento niya sa taas.

“Okay ka lang?” tanong sa akin ni Onyx habang nakatuon ang dalawang kamay niya sa lababo.

Kasalukuyan akong naglalagay ng tubig sa pitsel at pinapanood ang pagdaloy ng malamig na tubig galing sa dispenser.

KLARA ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon