A/n
Kamusta kayo? Dahil walang signal kaya diko mapo-post agad eto by monday pa nga talaga :))
Enjoy reading nalang kapag nabasa niyo na hehe ;)
-------
Pag uwi ko sa bahay ay na shocked ako sa nakita ko!!!
"Babe!"
"Athena!"
Sheeppppp!! Bakit nandito silang dalawa??
"Anak tara sa kusina, tulungan moko, ikaw na mag ayos ng lamesa." Yaya saken ni mama ng pero kung makatingin ay may laman.
"Ahhh si-sige ma!"
"Athena hihimatayin na ata ako sa tensyon simula ng dumating ng sabay ang dalawa?"
"Bakit kase nandito sila? Bakit sabay pa?"
"Hindi ko alam! Basta ang sabe saken ni Aj, gusto ka niya makausap about sa relasyon niyo daw. Ikaw nga umamin kayo bang dalawa ay hindi pa break?"
"Break na kame ma! Alam mo naman ang nangyare diba? Ayaw niya lang po talaga tanggapin"
"Mahal mo pa ba siya?" Nabigla ako sa tanong ni mama na yun
"Hindi ko alam ma" totoo naman hindi ko talaga alam
"Ehhh si Darryl Mahal mo ba?" Hindi ko din po alam pero sa ngayon ma ayaw ko siya mawala siya saken
"Alam ko na ang sagot! Siya tara na baka magsuntukan pa silang dalawa dun lalo na si Darryl dahil kanina pa nag aalala sayo dahil nagtext daw si Gemme sa kanya na may nangyare daw kanina kaya ayun di niya na tinapus yung trabaho niya at pumunta dito ng di ka mahanap at ma contact"
Mahabang sabe ni mama bago kame lumabas. Hindi talaga ako pumunta dun sa park. Nagliwaliw nalang ako sa kung saan saan bago umuwe
"Darryl at Aj, kumain na kayo bago niyo kausapin si Athena"
"Sige po Tita" Aj
"Hmmmm mukhang masarap ang ulam mama hahh" James
Nakita ko na tumingin ng masama sa kanya si Aj dahil sa tinawag niya kay mama at ang pagiging close nito kay mama.
-----
Natapus kameng kumain na halos di ako makatayo dahil sa ginagawa nitong dalawa ang magpa unahan sa paglagay ng pagkain sa plato ko.
"Anak aakyat na muna ako hahh"
"Sige po ma"
"Darryl tulungan mo muna ako! May nasira kase sa kwarto ni Athena ehh" yaya ni mama kay panget at alam ko na paraan niya lang yun para makausap ko si Aj
"Pero ma------
"Sige na james, tulungan mo muna si mama" sabe ko dito na kokontra pa ata
"Athena!" Panimula nito nung kame nalang dalawa
"Tapus na tayo Aj *sighed* anu pa bang kailangan mo?"
"Pero Athena! Gusto ko humingi ng isa pang chance"
"Hindi na pwedi Aj, ikaw mismo ang nagsayang nung chance na yun kaya tinapus ko lang para dika na maguluhan at mahirapan" sabe ko dito na maluha luha na
"Pero pinagsisihan ko yun athena" nagulat ako nang lumuhod ito
"Athena gulong gulo ako noon kaya diko alam kung anung gagawin ko kaya diko din napapansin na nasasaktan na kita" nagulat ako lalo nang lumuluha na pala ito at maski ako ay naluluha na din dahil lahat ng sakit na naramdaman ko ay bumabalik pero ang pagmamahal, alam ko na dina maibabalin pa
"Aj *huk* tama na wag mo *huk* na pahirapan sarili mo *huk* pati ako, maging masaya ka na sana dahil ako unti unti nang sumasaya ehh"
"Pero mahal pa din kita Athena kaya nagsisisi ako na sinaktan kita"
"Pero hindi na kita mahal Aj" sabe ko dito at tumayo na para patayuin na din si Aj dahil ayaw ko nakikita itong umiiyak at nahihirapan kahit na sinaktan niya pa ko
"Mahal mo ba siya?" Tinutukoy nito si James
"Oo mahal ko siya at ayaw kong mawala siya saken" sabe ko dito ng di makatingin sa mga mata nito. Ngayon alam ko na din na sigurado na ako sa nararamdaman ko.
"Pero hindi pa naman kayo kaya gagawin ko ang lahat para mahalin mo ulit ako" nagulat ako dahil alam niyang hindi pa kame ni Panget
"Mag move on kana Aj, wag mo nang pahirapan ang sitwasyon"
"No!! Mamahalin mo ulit ako Athena, kaya kahit dimo ako bigyan ng chance na ligawan ka ay liligawa pa din kita" sabe nito sabay alis
------
"Tsssss!! Pinaiyak ka na naman ng gagong yun. Di niya ba alam na lalo kang pumapanget kapag umiiyak ka??"
Nagulat ako nung nasa harap ko na si James at pinupunasan na naman ang luha ko.
"Sinong panget??!!!"
"Hahaha"
Nagtataka ako bakit bigla itong tumawa ng tumawa
"Bakit ka natatawa? May nakakatawa ba sa sinabe ko?"
"Oo!! Pikon ka talaga. Saka diba sabe ko maganda ka kaya pag sinabe kong panget ka wag ka mapikon dahil gusto lang kita asarin para gumanti ka saken at kapag nakaganti kana ay mapapangiti na kita"
Naalala ko na sinabe niya yan saken nung nag confess siya.
"You know what's the best of you, you're always there beside me to wipe my tears and to make me smile after I cry" sabe ko dito sabay yakap.
"Mahal kita kaya ayaw ko nakikita kang umiiyak at kaya ako kaya ako nandito dahil mahal na mahal kita" sabe nito at sabay yakap
Mahal din kita bulong ng isip ko. May tamang oras para malaman niya yun dahil guSto ko maayos muna ang lahat.
-----
A/n
My Gossshhhh!!
Kanino kayo
Team Aj o Team James???
Thankyou for reading ;)
BINABASA MO ANG
Taking Chances. #AthenaLeighDominguez
Aktuelle Literaturpaano kung my isang tao na dadating para iparamdam sayo yung pagmamahal na matagal mo ng inaantay pero paulit ulit kang nabigo sa taong yun to the point na ginusto mo maging kabit pero iniwan ka pa din,tapus may darating na mamahalin ka at sa time n...
