chapter 43

34 1 6
                                    


A/n

Hi update na ulit :)) last update muna dahil gagawa pko ng ass ko na maikling kwento, tula at dagli?? Anu ba yun?? Hehe

Sino pumnta sa Grandstand? Gravehhh ang saya ng experience dun hehe

Enjoy reading ;)

-----

"MyyyyyyyyGossssshhhhhhhh!!!!!" Tili ko pagkagising ko

"Athena anung nangyare sayo?" Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si mama na dala-dala ang sandok

"Ahhhh ehhhhh! Ma kase Ngayon na talaga"

"Anung ngayon na talaga??"

"Yung meeting with the parents ma!!"

"Ohhh ehhh anu naman?? Kinakabahan kapa din ba? Wag ka mag aalala pagagandahin kita mamaya anak" sabe nito saken habang winwagayway ang sandok na parang fairyGodmother

"tssss!! Ma! Tumatalsik saken yung tubig sa sandok ehh"

"Yan ang way ko para sabihin sayo na mag ayos kana dahil kakain na ng tanghalian!"

"Opo!! Sige na ma! At baka masunog pa niluluto mo" pagtataboy ko dito. Nang umalis na ito ay tumili ulit ako pero nagtakip nako ng unan para mawala ang kaba ko.

Bahala na si Batman!

-----

"Athena! Wag ka nga malikot!!!"

Naiinis na sabe ni mama dahil kanina pako ikot ng ikot ng ulo ko.

"Ehhhh ma naman kase gusto ko nga na straight lang buhok ko ehhh"

"Maganda ka anak kahit straight buhok mo pero mas maganda ka kung medyo curly ang buhok mo! At bagay sa outfit mo etong hair style mo"

"Nang uto kapa ma!"

"Di ako nang uuto anak, I'm just stating a fact!" Sabe nito

"Wow english!!"

"ewan ko sayong bata ka! Umayos kana dahil ilang minuto nalang darating na ang prinsipe mo"

Prinsipe???!! Kelan pa naging prinsipe ang Panget na yun??

-----

Brrrrrr!! Brrrrrr!! Brrrrrr!!

Para lang akong si Sharpay.

"Kanina kapa ganyan! Anu ba kina kakaba mo?"

"Pisti ka!!! Dahil sayo toh!!"

"Bakit ako?? Ipapakilala lang kita kina mom and dad kung maka react ka para kang bibitayin" ngising ngisi na sabe nito

"Ganun na din yun! Bakit kase di mo sinabe 3days before ehh everynight moko tinatawagan."

"Diko din kase alam yun! Saka pupunta talaga sila mom dito at baka two weeks sila mag stay dito!!"

"Tssss!! Mana ka nga sa parents mo! Hilig mambigla!"

"Haha syempre! San paba ako magmamana"

-----

"Panget!!! Wag nalang kaya???"

"Andito na tayo Leigh"

"Ehhh ayaw ko na! Sabihin mo sumakit tiyan ko ar kahit anu basta make any alibi na Panget!"

"No! I don't want to lie in my parents, so common?" Sabe nito sabay labas ng car para ipagbukas ako pero agad ko ni lock ang kotse"

"Common Leigh! Matatagalan tayo sa ginagawa mo ehh"
Nang ip-press niya na yung key para ma open yung car! Sinara ko ulit yun.

"Ayaw ko na!! Natatakot nako ehhh"

"Tssss!! Mas lalo ka lang matatakot at kakabahan kung dimo sila hinaharap! I'll assure you mabait sila at andun naman ako!"

"Ehhhhh kahit-----

"No buts tara na! They're waiting for us" nagulat ako ng mabilis niya nabuksan ang car kaya diko agad na i-lock.


"Ehhh kase naman panget! Pwedi naman bukas or the next day o bago sila umalis" sabe ko dito habang nagpapadyak

"No!! Mas maganda ng ngayon! Tara na!"

Dahil wala na akong magagawa at isa lang naisip ko yun ay ang tumakbo.

"Hepppp! Where are you going?" Biglang hila saken nitong panget

"Puntang comfort room!"

" meron sa loob ng restaurant kaya halika na" sabay hila nito saken dahil tatakbo na sana ako ulit. Bubuhatin na sana ako nito dahil nakikipaghilahan ako ng kamay kaso may nagsalita

"Look! Mahal they're so cute couple" sabe ni lola na kasama ang asawa niya. I think nasa 70's na sila

" yeah right! Parang tayo lang noon. Remember gnyan ka din kaganda at kapasaway" sabe ng asawa nito

"Abahhh!! Mas pasaway kang lalake ka!" Kontra dito ni lola

"Pasaway man pero Minahal mo and tingnan mo hanggang ngayon magkasam tayo. Ayyy pasensya na hijo at hija naistorbo yata namin ang paglalambingan niyo
Magnobyo" sabe ni lolo

"Ayyy hehe naku lolo di po kame naglalambingan nitong panget na toh at di po kame." Pagtanggi ko kay lolo

"Naku hija wag mo na i deny, ganyang ganyan din yan noon itong mahal ko! Pero tingnan mo ako pa din ang minahal niya" sabe ni lolo ulit

"Wag po kayo mag alala lo! Ako pa din po ang mamahalin niya kahit ideny niya po" sabe nitong panget na toh the  he winked at me.

"Ganyan nga hijo sana alagaan at mahalin mo itong nobya mo, nakikita ko na tatanda kayong magkasama na dalawa na masaya at mahal na mahal pa din ang isa't isa" sabe ni lola sabay alis nila ni lolo para sumakay sa car nila

"Tsssss!!! Mamahalin ka dyan!" Sabe ko dito pagkaalis nila lolo at lola

"Totoo naman! Mamahalin mo ko! At tara na dahil late na tayo!" The  he hold my hand. Wala nakong kawala.

-----

Nakarating na kame sa loob at nakita agad namin ang 4seats table na may nakaupong mag asawa. Naintimidate ako agad dahil mas Gwapo at Maganda ang Mom at Dad niya sa personal pero ang formal tingnan.

"Goodevening mom!" Halik nito sa pisngi ng mom nya pagkarating namin sa table.

"Hi dad!" Sabay manly hug sa dad niya.

"Mom! Da-----

"Bakit late kayo ng 15 minutes Dj?" Singit ng mom niya nung ipapakilala na sana ako

Patay! Nakakatakot!!

-----

A/n

May part 2 po itong chapter haha

Anu kaya mangyayare?

Comments and vote please :))


Taking Chances. #AthenaLeighDominguezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon