I've been down and lost these past few weeks. No, not weeks. It's been months already. Taon na nga siguro. I just couldn't find a way to be totally happy. Magiging masaya ako isang araw pero babawiin din naman agad. Either I'll remember a certain moment from the past that I'm trying hard to forget, or feel the pain and regret all over again suddenly.
Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Paano ba nangyari ang lahat ng ito? Paano pa ba ako makaka-usad? Wala akong ideya. Hindi ko alam.
I just know that I want to forget everything. I want to forget the pain, the memories, her, us, every damn thing. But by forgetting, I have to remember everything and know what went wrong.
Anong nagawa ko? Sa'n ako nagkamali? Anong nasabi kong hindi maganda? Tangina! Hindi ko maalala... o baka ayaw ko lang talagang alalahanin. Ayokong maalala kasi dumadagdag lang sa sakit at panghihinayang na nararamdaman ko ngayon; kasi bumabalik lahat sa dati; kasi hindi ko pa napapatawad ang sarili ko sa nangyari. I couldn't forgive myself. I just couldn't so I stayed miserable thinking that the heavens would pity me and forgive me for me.
"Penny for your thoughts, bro?" siniko ako ni Ocean nang mapansin niyang natutulala na naman ako. Katabi niya si Philipp na isa rin sa mga kaibigan namin.
We're in Philipp's bar right now. Nag-iinuman kasama ang ibang kaibigan niya. Niyaya nila ako kasi raw lagi na lang akong nagmumukmok sa apartment ko. I just don't feel like interacting with people most of the time so as much as possible, I try to isolate myself in my room. Pinagbigyan ko lang si Ocean ngayon kasi birthday niya rin naman.
Suminghap lang ako sa tanong niya bago inisang lagok ang lamang whiskey ng baso ko. I don't need to tell them what's up 'cause I know that they already know what's wrong. I wanted to get drunk so I poured another shot for myself.
"Naglalasing, pre?" tanong ni Philipp sa 'kin habang nakangisi, trying to make the mood lighter for me. Napansin ko ring tipid na ngumiti si Amyrica sa 'kin. Concern is etched on her face, almost appearing as pity. I couldn't tell.
I didn't find anything funny but I nodded at his query. Wala akong planong makipagkwentuhan sa kahit na sino ngayon kaya kaunting tango at iling lang ang sinusukli ko sa kanila.
"If you're trying to forget something..." biglang bulong ni Ocean sa tabi ko. "Here." sabay abot niya ng isang pakete na may maliit na pirasong papel. "Alcohol won't do. That will." saad niya at tinapik ako sa balikat. "That will somehow bring you on a trip down memory lane. Baka makatulong sa pagpapalaya mo ng sarili."
Lucy. Mellow Yellow. Microdots. This thing has different street names. Hindi ako gumagamit ng mga ganito pero wala naman sigurong masama kung susubukan ko ngayon, di ba? I don't think I'll die for just trying once.
Tinanggap ko ang ibinigay niya at isinuksok ito sa bulsa ng pantalon ko at sinubukang makihalubilo ulit sa kanila.
"Call me when you try that. First time mo pa naman." bilin ni Ocean sa 'kin bago ako inabutan ng nakasindi nang sigarilyo. Tinanggap ko naman ito at hinithit. "Don't drink too much when you're planning to use that. Di maganda magiging trip mo." dagdag payo niya sa 'kin at tumango lang ako bilang sagot sa kanya.
Hinayaan na lang din ako ni Ocean at nakipag-usap na sa ibang kasama namin. Sinabayan ko rin sila ilang saglit ang nakalipas. I laughed and joked a bit with them. I had a little fun, but it's only until I got home. Binuksan ko ang apartment ko at binungad ako ng bakante at mapanglaw na kwarto.
Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwartong iyon. May mga nagkalat na maruruming damit sa sahig, sa kama, sa bedside table, at maski sa door knob, may nakasabit din doon. Ang mga upos ng sigarilyo ay hindi na nasalo ng ashtray sa dami nila. Hindi na rin mabilang ang mga basyong bote ng beer sa ilalim ng kama at mesa ko. Kung normal na tao lang ako, mabi-buwisit na ako sa amoy ng kwarto ko sigurado pero hindi. I didn't try to clean this place up. I don't feel like it. I don't want to.
Napapikit ako ng marahan at pilit na iginiya ang katawan ko sa pang-isahang kama. This used to be occupied by two. Now, it's only me. Nang tumama ang katawan ko sa kama ay agad kong pinilit na matulog. Pagod ang katawan at utak at puso ko pero ibang klase ng pagod ito. The kind that rest wouldn't suffice. Itinabon ko na lang ang isang braso ko sa aking mukha.
"Kailan ba 'to matatapos?" bulong ko sa sarili at sa kawalan. "Kailan mo ba ako tatantanan?" Alam kong walang makakasagot noon para sa 'kin.
Kahit isang araw lang, gusto ko lang maalala lahat para makalimot na. I want to remember what went wrong so I can finally let everything go. What did I do wrong that lead us to fall apart, and me losing her eventually? 'Yan lang ang natatanging impormasyon na kailangan ko para mapalaya ko na ang sarili at matapos na ang pagsisisi. Pero kahit anong pilit ko, kahit anong subok, hindi ko pa rin kaya. Hindi ko kinakaya.
Binunot ko ang pakete sa bulsa ng pantalon ko. Nang makuha na ay itinaas ko ito para matitigan.
"Would you really do the trick?"
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo sa kama. I stared at the clear packet on my hands and the little piece of paper, not bigger than my thumb, inside. Matutulungan ba ako nito? Mapapalaya ba ako nito sa pagkakabilanggo ko sa nakaraan?
I stood up and made my way towards the table. Umupo ako sa upuan at sumindi ng sigarilyo. Hinithit ko iyon at ibinuga ang usok. The smoke twirled its way around my apartment. Hindi kasi nakabukas ang bintana at wala ring proper ventilation dito.
Sinulyapan ko ulit ang pakete na hawak-hawak ko pa rin hanggang ngayon. Maybe I should try. Wala na rin namang mawawala sa 'kin. I have nothing left so what am I afraid of losing? Binuksan ko ang pakete at inilabas doon ang maliit na papel na walang kulay.
Suminghap ako. Guess we'll never know if this helps if we never try, right? Kaya naman hindi na ako nag-dalawang isip pa at ipinatong ko sa dila ko ang papel, hinayaang matunaw ito. Ilang saglit akong naghintay pero wala namang nangyayari sa 'kin. Siguro hindi na rin tumatalab ang mga ganito kasi sobrang sira na ako. Drugs couldn't ruin me anymore cause I already ruined myself a long time ago.
Napatawa na lang ako sa naisip na ideya. Tumayo na lang ako doon at naglakad pabalik sa kama ko. Matutulog na lang siguro ako kung wala rin namang mangyayari. Umupo muna ako sa kama at inunti-unti ang paghithit sa sigarilyo.
Matutulog na lang sana ako pagkatapos kong maubos ang isang stick pero narinig kong may kumatok sa labas ng pinto ko. Pagod na ako kaya hahayaan ko na lang sana sa labas ang kung sino mang kumakatok ngayon. Ayoko ng tumayo. I just want to lie my drained body on the mattress. Bago ko pa 'yon magawa ay narinig ko ulit ang katok. Ngayon mas pursigido ng makapasok at mas lumalakas na rin ang hampas. I tried standing up but failed to do so. Umupo muna ako ng maayos sa kama at suminghap. Ilang ulit pang kumatok ang nasa labas. I groaned at his or her persistence but also stood up to open the door.
"Sino ba 'tong istor-" I was cut mid-sentence when I heard the voice calling from outside.
"Gideon."
I know that voice. I know that voice too well. How can I forget when all it did was haunt me? Iisa lang ang pwedeng magmay-ari no'n. Siya lang at wala ng iba.
Mabilis ang lakad ko patungo sa pintuan. I held the knob between my hands and twisted it so it would open. When it did, a sudden burst of light made me temporarily blind. Napapikit ako ng mariin dahil sa ilaw at napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglaang pagsakit nito. Nang buksan ko ulit ang mga mata ko, dilim lang ang sumalubong at ang mga mahihinang hagikhik lang ang maririnig.
BINABASA MO ANG
Visions of Gideon [ON HOLD]
General FictionAre those part of his memories? Or are those just his hallucinations? All Gideon wants is to forget everything that is assimilated to her -- the pain, the memories, the guilt. The only way there is to do, is to take a walk down memory lane and remem...