"Bro! Gideon, oy!"
Naramdaman kong may tumatapik sa mukha ko pero hindi ko pinansin kasi sarap pa ng tulog ko, eh. Nanaginip pa ata ako ngayon.
"Tangina, Gideon! Pare! Hoy! Sabi sa 'yong tawagan ako eh!"
"GIDEON!" malakas na sigaw ng isang babae. Napadilat agad ako ng mga mata at napalinga-linga sa loob ng kwarto ko.
Napahawak naman ako sa parte ng katawan kong parang binugbog. Tae! Ang sakit ng leeg ko 'tsaka ng balakang ko. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kasi naman po, si evil queen andito. Lasinggerang di naman kaya ang sarili! Tss!
"I ordered food. Ikaw magbayad." saad ni Lary na nasa kami ko pa rin. Nakatabon ang kumot ko sa kalahating parte ng katawan niya. Siya kasi ang pinatulog ko sa kama ko 'tsaka ako naman sa pang-isahang sofa na mayroon ako sa kwarto. Oh, di ba? Imagine my fetal position and how uncomfortable that is!
Napadaing ako sa narinig. "Pwede naman akong magluto, ah?! Tae ka, Lary boy!" reklamo ko sa kanya habang kinukusot-kusot ang mga mata para tanggalin ang mga muta doon.
"What the fuck?! Lary boy?!" nalukot ang itsura niya at tila ba galit sa tinawag ko sa kanya. Anong kinagagalit niya ngayon, eh siya kaya unang nagbigay ng palayaw sa 'kin. Tae! Unti-unti niyang itinabi ang kumot para makawala siya doon at umupo ng maayos sa kama ko.
Tinanguan ko siya at nginisihan na lang. "Oo! Tawagan natin 'yan. Sweet, 'no?" panunuya ko sa kanya na ikinairita niya lalo.
Hinampas-hampas niya ako ng unan dahil doon. Ako naman, anak ng demonyo, ay tinawanan lang siya. Ang cute niya kasing maasar, eh! Simula siguro kagabi, nawala ang takot ko sa kanya dahil sa mga nangyari. Harmless naman pala si Ma'am, eh 'tsaka kung may gagawin siyang masama sa 'kin, erps, may hawak akong alas sa kanya. Pero biro lang!
"Tama na, Lary boy! Ano ba?" pagmamakaawa ko sa kanya pero may tawa pa ring lumalabas sa labi ko. Huminto naman siya sa paghampas sa 'kin at umupo ulit sa kama ko, mabibigat ang mga hiningang binibitawan.
"I'll kill you, Gideon! I'll really kill you if you won't stop calling me that!" asik niya sa 'kin. Umamba siyang tatayo ulit para bugbugin ako.
"Wait lang!" habang nakataas ang isang daliri na para bang pinipigilan siyang lumapit. "Naku, Lary boy! 'Di mo magagawa 'yan kasi mami-miss mo 'ko!" tukso ko sa kanya.
Halos hindi na ma-itsura ang mukha niya dahil sa galit na nakapaskil doon. Pulang-pula na rin ang buong mukha niya mula sa tenga hanggang sa leeg. Tae! Ang cute, eh! Pinigilan ko ang ngiti na kumakawala sa labi ko.
"I can and I will and I won't miss a scumbag like you! Asshole!" hiyaw niya. Doble ang tama do'n, ah. Scumbag na, asshole pa! Tsk!
"You won't, Lary boy kasi ayaw mong kumalat ang video mo, di ba?" banta ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko tila hindi siya makapaniwala na may video ako sa kanya. Oh, ano ka ngayon? Ha?
"What?! What fucking video ba? Don't tell me... Is it a... nude video?" nag-aalinlangang tanong niya. Pilit kong pinipigilan ang tawa ko pero hindi ko kinaya. Napahagalpak ako dahil sa sinabi niya kaya pinagsususuntok niya ako.
"Fuck you, Gideon! Pervert!" sigaw niya at binigyan ako ng panghuling malakas na suntok sa braso. Napahawak ako sa braso ko at umaktong nasaktan pero wa epek pala kay Lary boy. Sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Tae ka, Lary boy! I won't take a nude video of you, okay? Hindi gan'on ka appetizing ang katawan mo para i-video kita!" tukso ko na may halong kapilyuhan. She's sexy, alright! But I won't admit that to her! Tae!
"Ang bastos mo talaga!" sabay hampas at sipa niya sa 'kin ulit. Hindi niya ako tinigilan hanggang sa narinig naming may kumatok sa labas.
"FOOD!!!" hiyaw niya at hinila ako sa may pintuan. Nag-iba agad-agad ang aura at itsura niya dahil sa pagkain. Kumikislap ang mga mata at may malaking ngiti sa labi na nagpapakita ng mapuputi at pantay niyang ngipin. Napailing na lang ako sa nangyari. May magic ba ang pagkain? Tae!
Binuksan niya ang pinto at agad na hinablot ang paper bags na may lamang pagkain. Bumalik agad siya sa loob ng walang pasabi. Hindi agad naka-imik si Kuya-Delivery dahil sa pagkabigla.
"Magkano lahat 'yon, Kuya?" tanong ko sa nakatulala pa ring delivery guy.
"A-Ah... 2,555 pesos po, S-Sir!" sabi niya at ngumiti sa 'kin.
Bumalik ako sa loob at kinuha ang wallet ko na nasa loob ng bag ko. Dumukot ako ng sobrang amount at bumalik sa may pintuan. Iniabot ko 'yon kay Kuya-Delivery.
"Keep the change na lang po. Salamat!" saad ko kay kuya na nginitian lang ako.
"Salamat din, Sir! Ang cute nang asawa niyo po. Parang bata." komento ni kuya. Napatawa lang ako ng marahan at sinabayan din siya.
"Cute lang 'pag may pagkain po pero kapag gutom, naku! Halimaw po 'yan." napahalakhak si kuya sa sinabi ko at ilang sandali rin ay umalis na.
Pagkabalik ko sa loob, nadatnan ko si Lary na nasa kama ko at nilalantakan na ang mga pagkain na in-order niya kanina. May spaghetti, fried chicken thighs, iba't ibang klase ng buffalo wings, sundae, at may fries din sa iba't ibang flavor. Tae! Mauubos niya ba 'to lahat? Siguro nga kasi halos ubos na nga 'yong isang pack ng spaghetti at chicken, eh dahil sa katakawan niya. Kaya siguro mainit ulo no'n kanina kasi gutom lang pala.
"Ano nginingisi-ngisi mo diyan? Eat na!" mataray pa rin niyang utos sa 'kin. Ngumiti ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Why are you sitting here? There's a lot of space on that area, oh." sabay turo niya sa espasyong nasa harapan niya.
"I want to sit beside you." panunukso ko sa kanya. Akala ko hahampasin na naman niya ako o susuntukin pero inirapan niya lang ako. Tamed na ang monster, ah? 'Pag pagkain nga naman ang pinag-uusapan, oo! Tsk! Lahat ba ng babae naba-bribe ng pagkain? Sana!
Nagsimula na rin akong kumain. Ilang sandali kaming walang imik at mga nguya lang ang naririnig sa loob ng kwarto. Pagkatapos ay iniligpit ko na ang mga walang laman na styro-pack at inilagay sa loob ng basurahan. Si Lary naman ang nag-aayos ng kama at kinukuha ang mga pagkaing nahulog doon. Para lang kaming mag-asawa ngayon. Tae!
"Why are you smiling?" tanong niya sa 'kin habang nakataas ang isang kilay. Maldita!
Inilingan ko lang siya at bumalik sa pag-aayos ng mga kinainan.
"You're creepy." saad niya habang naglilinis.
Sinulyapan ko siya at nakita kong pilit niyang tinatago ang ngiti na gustong kumawala sa labi niya. Sa huli ay napangiti na nga lang siya at napatawa pa ng marahan. Napatingin siya sa 'kin kaya napatawa na lang din ako. Ilang saglit lang ay nag-uunahan na kami sa paghagalpak ng tawa dahil sa hindi malamang rason. We just find the whole situation right now, funny. And I don't care if we look like bonkers. Masaya lang kami. Tae!
BINABASA MO ANG
Visions of Gideon [ON HOLD]
General FictionAre those part of his memories? Or are those just his hallucinations? All Gideon wants is to forget everything that is assimilated to her -- the pain, the memories, the guilt. The only way there is to do, is to take a walk down memory lane and remem...