10:31 p.m. na ako nakarating sa bar na pinagtatrabuhaan ko sa gabi. Na-late ako kasi pinapakiramdaman ko pa ang sarili ko kanina kung kaya ko bang pumasok ngayon o baka kailangan kong umabsent. Buti na lang at hindi na rin naman sumumpong 'yong pagkahilo ko kanina. Kinabahan pa toy ako do'n.

Nang makapasok na ako sa loob ng staff room ay agad akong sinalubong ni Philipp.

"Thank God! You're here!" ma-dramang saad niya sa 'kin. Kaibigan at boss ko siya sa bar na ito. Siya kasi ang may-ari kaya madali akong nakapasok sa trabaho.

Akma niya sana akong yayakapin pero dahil mabilis ang reflexes ko ay nakailag agad ako sa kanya. Humagalpak siya ng tawa dahil sa ginawa ko. Ang gago lang, eh. Nababakla na ata sa kagwapuhan ko pero alam ko na man na ganito talaga siya magbiro, noon pa mang high school pa kami.

"Payakap lang naman, Gid. Arte naman nito!" mapanuya niyang reklamo sa 'kin kaya ginawaran ko lang siya nang pinakamamahal kong mid-finger habang natatawang umiiling.

Loko kasi talaga 'tong si Philipp, eh. Ibang-iba ang trip sa 'min ni Ocean kaya 'pag may okasyon o panahon na nagkakasama kaming magbarkada, siya lagi ang star clown.

Napailing na lang ulit ako nang makitang umalis siyang kumekembot palabas ng staff room. Baliw talaga, eh! Binuksan ko ang locker ko at inilabas ang unipormeng susuotin para sa shift ko. Agad din naman akong nagpalit at lumabas doon para simulan na ang trabaho ko bilang bartender.

Naging okay naman ang ilang unang oras nang shift ko. Wala masyadong problema hindi tulad ng ibang mga gabi na may magsusuntukan o magbabasagan ng bote. Hirap pa naman awatin ng mga gano'ng lasing na lasing na.

Habang nagpupunas ako ng ilang mga shot glass, napansin ko sa peripheral vision ko na may umupong babae sa high chair na nasa harap ko. Tinapos ko muna ang ginagawa ko bago ko siya binalingan at pagsilbihan.

"Good even—" hindi ko agad natapos ang sasabihin ko kasi hindi ko inakalang makikita ko siya ulit dito. And here I thought that my night couldn't get any worse.

Guess what? Scary, smokey-eyed make-up, goth girl is here lang naman. Palihim akong umismid. Tae! Napansin ko ring medyo nabigla siya nang makita ako. Nagwapuhan ata sa 'kin kaya gano'n. Pero agad din namang nagseryoso ang mukha niya, balik sa dating nakakatakot. Tumikhim ako para maibsan ang 'kaunting' kaba. Kaunti lang, ah.

"Ikaw na naman pala." mataray na sambit niya. "3 Absinthe Drip nga."

Tumango ako sa order niya at tumalikod na para gawin ang inumin niya. Pagkatalikod ko, umirap ako sa kawalan. Tae! Sinusundan ba ako ng babaeng 'to? Baka crush niya ko tapos tinatarayan lang? Di ba? Pa-hard to get kumbaga. Pero asa siya! She's not my type. Hindi nga siya princess-like, eh. Mukhang siya pa ang evil queen sa isang fairy tale. Scaryyy!

Nang patapos na akong gawin ang inumin niya ay ipinatong ko ito isa-isa sa counter top sa harap niya. Ginawa ko sa kanyang harap ang panghuling process sa inumin niya para alam niyang tama ang ginawa kong mix. Hindi pa nga ako natatapos sa panghuling shot ay agad na niyang nilagok ang isa. Straight pa! Tae! Lakas nitong babaeng 'to ah.

Ipinatong niya ulit ang basong wala ng laman sa counter top at kukunin na sana ang isa pang shot. Hindi ko alam anong sumapi sa 'kin pero agad kong pinigilan ang kamay niya. Napatitig siya sa 'kin dahil doon at unti-unting tumaas ang isang kilay niya. Tae! Ba't ko ba ginawa 'to? Jusmiyo Marimar!

"Y-You're not finishing them a-all, are y-you?" nauutal ko pang tanong sa kanya. Concerned lang naman ako sa kanya kaya ako nagtanong. Ang tapang kaya ng ispiritong in-order niya. Baka 'yan pa ikamatay niya bukas, eh. Pero joke lang naman ang ikamatay!

Inirapan niya lang ako at tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kamay niya bago ako binalingan ulit. Her eyes were dead. Like, dead dead talaga. Wala kang emosyong makikita kahit galit o pagka-inis. Wala talaga!

"Why? Gusto mo?" saad niya sa 'kin sabay padausdos ng isang shot sa harap ko. "Would be my pleasure." bago niya tinungga ang isang natirang shot niya.

Tae! Mapapainom pa tuloy ako ngayong gabi. Napangsinghap na lang ako dahil wala na akong magawa. Since, ito na rin naman tayo, go na lang. Inisang lagok ko ang inumin niya at nalukot ang mukha ko sa lasa. I'm really not an Absinthe-type of drinker. Lakas kasi ng sipa nito, eh. Hindi lang pala sipa, pati rin pala suntok! Ay bugbog pala talaga, eh.

Nginisihan ako ni Lary nang makita niya ang reaksiyon ko. Plastik naman akong ngumiti kaya napahagalpak siya ng tawa. Tae! Parang biglaang huminto ang oras dahil sa nangyari. Jusmiyo Marimar! Ba't ang cute niyang tignan 'pag tumatawa?

May malalim siyang dimple sa kaliwang pisngi na pagngumingiti mo lang makikita. Nagiging crescent din ang mga mata niya na halos linya ng pilikmata na lang ang nakikita mo tapos nahahantad rin ang mga mapuputi at maaayos niyang ngipin. Kung titingnan mo siya ngayon, para siyang bata na masayang-masaya kasi nabigyan ng pasalubong. Parang ang inosente niya. Pero kung kilala mo naman ang totoong siya, aw erase mo 'yong inosente na part! Nakakatakot kaya siya 'pag hindi tumatawa! Naku!

Tawa pa rin siya ng tawa sa nangyari kanina kaya naman mapanuya ko siyang ginaya.

"Nye! N—" panunuya ko pa sana sa kanya pero bigla akong napahawak sa ulo ko dahil sa biglaang pagsakit na naman nito.

Naramdaman ko ring mas bumilis ang pintig ng puso ko kaysa sa normal na tibok nito. Nanginginig din ang kamay dahilan kaya nabitawan ko ang hawak na shot glass at nahulog sa sahig. Napapikit ako ng mariin at nang binuksan ko ulit ang mga mata ko, tiningnan ko ang nabasag na shot glass malapit sa paa ko. Yuyuko na sana ako para pulutin ang mga bubog nito pero biglang nagsasayaw na ang mga kulay sa paningin ko. Everything starts to get blurry so I massaged my temples and tightly closed my eyes. I controlled my breathing so that my heartbeat would normalize.

"Gideon! Bro!" agad akong napamulat ng mata at napalingon sa likuran ko pero ang shelf lang ng mga inumin ang nakita ko. Akala ko kasi may tumawag sa 'kin pero wala naman pala. It was just so vivid na para talaga akong tinatawag. Tae! Humugot ako ng malalim na hininga at unti-unting pinakawalan.

"Not a fan of Absinthe?" tanong ni Mayumi sa 'kin habang natatawa pa rin.

Unti-unti akong lumingon sa kanya at umiling. Pagkatapos ay sinulyapan ko ang basag na baso sa sahig pero iba ang nakita ko. Hawak-hawak ko pa rin ang baso at walang bubog na nagkalat sa sahig. Napakunot ang noo sa nangyayari. Litong-lito ako. Tinitigan ko ang hawak na baso ng ilang sandali bago nakuha ulit ni Lary ang atensyon ko.

"You're weak pala, eh!" panunuya niya na may bahid ng ngiti sa mukha. "Para kang babae kung uminom."

Napatingin ako sa kanya at kinurot ko ang pisngi niya. Napadaing siya sa ginawa ko at tinampal ang kamay kong nakakurot pa rin sa mukha niya.

"That hurts, stupid!" reklamo niya sa 'kin. Napangiti ako. "Ngiti-ngiti pa ang gago!" maldita niyang asik sa 'kin.

"Just checking kung totoo ka ba." panunukso ko sa kanya at tumawa ng marahan. Inirapan niya lang ako dahil doon at tumalikod sa 'kin para manood sa mga nagsasayawan sa dancefloor.

Unti-unti rin namang nawala ang ngiti sa labi ko. What the fuck just happened? What the fuck is happening? Hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa kung ano ang nangyari kanina. Tae! Nababaliw na ata ako nito o baka dahil lang 'yon sa ininom ko kanina. Ang tapang talaga no'n, eh. Tsk!

Visions of Gideon [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon