"You know what, Gid? That's the happiest day of my life. Alam kong exagg masyado but I'm telling you, hindi pa ako nakaramdam ng gano'ng kasiyahan noon. Ngayon lang talaga and thank you for that." saad ni Lary kahit na hindi siya nakatingin sa 'kin.
Magkahawak-kamay kaming naglalakad sa gilid ng kalsada. Nakamasid ako sa kanya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad pauwi. May matamis na ngiti na nakatapal sa mukha niya dahilan ng paghubog din ng ngiti sa akin. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya at mas inilapit siya sa 'kin.
Hindi ako nagsalita at hinayaan na lang na ang mga kilos ko ang sumagot para sa 'kin. Alam kong sa estado namin ngayon, hindi na namin kailangan ng mga salita para ipahiwatig sa isa't isa ang mga nararamdaman namin. Alam na namin halos lahat ng kilos ng isa't isa na para bang nagsama na ang mga kilos at isipan namin.
"Pero ang saya talaga kanina. Hindi ko akalain na mapipilit kitang kumanta." hayag niya na may pagkamangha sa boses.
Natawa ako sa naalala. Nakakahiya nga 'yong ginawa ko at ngayon ko lang 'yon napagtanto nang nabanggit ulit 'yon. Tae! Akalain mo, ginawa ko talaga 'yon?! Imposible, erps!
Binitawan ni Lary ang kamay ko at huminto sa harapan ko kaya napahinto rin ako. Pinagmasdan ko siyang nag-isip at ilang saglit lang ay ginaya niya ang ginawa ko kanina.
"Nang ika'y ibigin ko
Mundo ko'y biglang nagbago" panunukso niya sa 'kin.
Kung ibang tao si Lary, mahihiya ako ng sobra sa ginagawa niya pero dahil hindi siya ibang tao para sa 'kin, natutuwa lang ako sa kanyang panggagaya.
Napahalakhak ako lalo nang sinubukan niyang kopyahin ang mga galawan ko kanina sa KTV pero nabigo.
"Hindi kasi gan'yan, Lary boy." pagpipigil ko sa kanya at ginawa sa harapan niya ang isang move na kanina pa niya kinokopya. "Gan'yan, oh!" pagtuturo ko kahit natatawa pa rin.
Every time na kasama ko si Lary, unti-unti rin akong nagbabago. From being an introvert to someone who would not be embarrassed doing crazy stuff even in public. Katulad na lang ngayon. Hindi ko inakala na magagawa ko 'to pero ito ako ngayon, doing it.
Napahalakhak siya at napailing sa 'kin. Halatang natutuwa na nakikita niya kong ginagawa ang mga bagay na alam niyang hindi ko kailanman naipapakita sa iba dahil sa hiya. Komportable ako sa kanya at masaya ako na napapasaya ko siya.
Ilang ulit ko pang ipinakita sa kanya ang move bago niya 'yon nakuha kaya ngayon, halos hindi na siya tumitigil sa panggagaya sa 'kin. Kahit na mahirapan sa paglalakad at pagkopya, sige pa rin. Kakaiba nga rin talaga 'tong si Lary.
"Tigil na, love. Baka mapa'no ka pa niyan." pagpipigil ko sa kanya.
Hindi naman siya lasing pero dahil sa ginagawa niya, nagmumukha na tuloy siyang nakainom talaga. Sabayan pa ng pagtawa niya na parang kinain niya ang mic sa KTV dahil sa lakas.
"I'm having fun, Gid. Don't be a killjoy. Suntukin kita diyan, eh!" asik niya sa 'kin.
Mabilis kong itinaas ang dalawang kamay ko kahit na may ngisi naman sa mukha ko na hindi matanggal-tanggal. Alam ko namang nagbibiro lang si Lary kaya sinabayan ko.
Lumapit si Lary sa 'kin at marahas na inabot ang mukha ko. Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin para magpantay ang paningin namin sa isa't isa. Kailangan niya pa akong hilahin ng kaunti pababa para magawa 'yon. Ang "tangkad" kasi ng mga binti ni Ma'am, eh kaya gano'n.
BINABASA MO ANG
Visions of Gideon [ON HOLD]
General FictionAre those part of his memories? Or are those just his hallucinations? All Gideon wants is to forget everything that is assimilated to her -- the pain, the memories, the guilt. The only way there is to do, is to take a walk down memory lane and remem...