This past month has been blissful for me and I couldn't ask for anything more. Si Lary lang sapat na para sa 'kin. 'Yong ngiti niya, 'yong tawa niya, 'yong kakulitan niya, pero 'wag lang 'yong mood swings niya kasi nakakatakot pa rin. Para siyang Yeti na nakababa galing Himalayas. Delikado, erps!
"Gid, nakita mo 'yong isang pares ng sapatos ko?" tanong ni Lary sa 'kin habang abala sa pag-aayos ng sarili niya.
Magdi-date kasi kami para sa 1st Monthsary namin. Yes, alam kung cheesy pakinggan kasi sino hindi ako mahilig magcelebrate ng monthsaries. Mas gusto kong i-celebrate ang anniversaries, pero wala akong magawa ngayon. Utos ni Ma'am kaya, okay na, gagawin na.
Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko para hanapin ang isang sapatos ni Lary. Hinalungkat ko na lahat ng gamit pero hindi ko mahanap kaya naisip ko na baka nasa ilalim 'yon ng kama.
Lumuhod ako sa gilid nito at yumuko. Tama nga ako at nasa pinakadulo lang ng kama ang sapatos. Aabutin ko na sana ito pero may napansin akong pakete na may lamang parang maliit na papel.
Sinubukan kong kunin ito pero hindi ko makuha-kuha. Kahit anong pilit kong pagdakma rito ng mga kamay ko, hindi ko talaga mahawakan. Para siyang hindi solid. Nainis ako doon pero hinayaan ko na lang din at inabot ang sapatos ni Lary bago tumayo.
"Here, love." sabay abot ko kay Lary no'ng sapatos niya. She smiled at me before giving me a peck on my lips. Akala ko noon, purong tigre 'tong babaeng 'to pero mali ako. She can be surprisingly sweet too.
"Thanks, Giddy babes." sambit niya bago umupo sa malapit na upuan at isinuot ang sapatos.
Tapos na kasi akong mag-ayos at siya na lang ang hinihintay ko para makaalis na kami roon. Babae nga naman. Ang tagal matanggal sa harap ng salamin.
Nang matapos siya ay saka lang kami pumanhik para sa date namin. Na-arrange ko na lahat ng dapat na gawin namin ngayong gabi. I know, I said I don't celebrate monthsaries but I still want to make this day special for her. I just want to make her happy.
Sumakay kami sa sasakyan pero bago ko pa man paandarin 'yon, piniringan ko muna siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero natawa rin naman.
"Naks naman! Ano to, Gid? Surprise?" panunukso niya sa 'kin habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko.
Hinuli ko ang mga kamay niya at dinala ito sa mga labi ko bago dinampian ng halik. Kahit na hindi niya ko nakikita, alam ko na alam niya kung anong ginagawa ko kasi nakita kong nangiti siya. Hindi isang mapanuksong ngiti kung 'di 'yong tipo ng ngiti niya na nakakahulog at nakakatunaw ng puso. One that I'm in love with.
Before letting go of her hand, I fished something out of my pocket. Matagal ko na sanang gustong ibigay 'to sa kanya pero hindi ako nagkatiyempo. It's as if time has not always been our friend, and I don't think it will be in the near future. Ngayon pa lang kaya hindi ko aaksayahin ang oras na 'to.
Nang maaninag ang kislap ng maliit n bagay na hawak ko, ipinadausdos ko ito sa palasingsingan niya. Nakita kong napasinghap siya sa naramdaman sa daliri niya kahit na hindi niya ito kita dahil sa piring. Her surprised expression then turned to a loving smile. Inabot niya ang mukha ko at hinila ito palapit sa mukha niya, giving me a peck on the lips with full of love.
"I love you." sambit ko sa kanya at dinampian ang noo niya ng halik.
Niyakap niya naman ako — ang mga braso ay nakabalot sa leeg ko. "I love you." she whispered.
Ilang saglit pagkatapos no'n ay umalis na kami papunta sa destinasyon namin. Habang nagmamaneho, hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Lary. Ayaw niya kasing bitawan ang kamay ko kaya hinayaan ko na lang din. I also love feeling her warmth.
Pagdating namin sa restaurant na pina-book ko ay inalalayan ko si Lary pababa ng sasakyan at papasok sa loob. Iniwan ko na ang kotse sa valet.
Iginiya naman kami agad ng isang waiter nang makalapit kami sa desk sa may pintuan. I already reserved a table for us so it was less hassle. Pinaupo ko muna si Lary sa upuan niya bago tinanggal ang piring sa mga mata.
She adjusted her vision by repeatedly closing and opening her eyes. Nang maging okay na ang paningin niya, ngumisi siya sa 'kin 'tsaka inilibot ang paningin sa buong paligid.
"This is beautiful, Gid." manghang saad niya habang nakatingin pa rin sa paligid.
Pinareserve ko kasi ang isang buong room na may malaking balkonahe na kitang-kita ang kabuuan ng siyudad. The city lights below are giving off the Paris-at-night vibe which induces a romantic atmosphere in the room. Ang lamesa namin ay malapit lang sa may balkonahe kaya kitang-kita pa rin ang tanawin sa labas
Napangiti ako habang nakatanaw kay Lary na namamangha pa rin. Nilingon niya ako na may matamis na ngiti sa labi.
"Thank you for this, love." saad niya at inabot ang mukha ko para mahagkan.
Natawa ako ng marahan kaya napatingin siya sa 'kin, nalilito. Napailing ako sa kanya pero sinagot din naman ang katanungan niyang kahit hindi bigkasin ng malakas ay alam ko pa rin kung ano.
"Naka-ilang score ka na sa 'kin, ah." pagbibirong hayag ko sa kanya na may ngisi sa mukha.
"Fuck off!" Tinampal niya ang braso ko dahil doon pero natawa rin naman sa sinabi ko. Gano'n din ako sa huli kaya para kaming mga baliw roon na tawa lang nang tawa.
We spent our good few hours in that restaurant — talking, laughing, teasing and annoying each other. Isama na rin ang kaunting halikan doon. Akala ko puro lang kacheesyhan ang pagsi-celebrate ng monthsaries pero mali pala ako. Masaya rin pala ang ganito. You get to know more about your partner without getting troubled about anything.
Ilang minuto pa ang ginugol namin doon para ayusin ang mga sarili namin bago pumunta sa isa pang destinasyon namin sa gabing iyon. Ideya naman ngayon ni Lary ang gagawin namin at nai-excite ako kasi surprise din 'yong gagawin niya.
Nang maayos na lahat sa restaurant ay lumabas na kami roon at sumakay sa kotse pero bago ko pa mabuksan ang pinto sa banda ni Lary ay pinigilan niya ako.
"I'll drive, mister! Kailangan din kitang i-blindfold so you wouldn't know where we're going." sambit niya sabay kindat sa 'kin.
Natawa ako pero hindi na rin naman siya kinontra pa. Hinayaan ko siyang piringan ako at siya ang magmaneho.
We drove away from that restaurant and off to somewhere only she knows. I trust her so I didn't mind. I was rather delighted yet a little part of me is scared that something unpleasant would happen.
BINABASA MO ANG
Visions of Gideon [ON HOLD]
Ficção GeralAre those part of his memories? Or are those just his hallucinations? All Gideon wants is to forget everything that is assimilated to her -- the pain, the memories, the guilt. The only way there is to do, is to take a walk down memory lane and remem...