"Chug! Chug! Chug! Chug! Wooooh! Go, Gidy girl!" Lary chanted while I drank another shot of Absinthe drip. Oh, di ba? May nicknames na kami kahit ilang oras pa lang kaming magkasama dito. Hindi niya kasama sina Amyrica at Savannah ngayon kasi may iba't ibang lakad daw. Wawa naman ni Lary boy!

Nalukot ulit ang mukha ko dahil sa lasa at sa init na bumaybay sa lalamunan ko. Tae! Pa'no niya kayang nakakayanan ang mga ganitong inumin? 'Tsaka pa'no rin ba ko napunta sa sitwasyon na 'to? Ako ang bartender dito, ah pero bakit parang ako pa ang customer?

Nasa loob kasi ng counter si Lary habang ako naman ay nasa high chair na inuupuan niya kanina. Kukuha pa sana ulit siya ng ibang inumin galing sa shelf sa likuran niya pero mabilis ko siyang pinigilan.

"Tama na. Lasing ka na, eh." pagpipigil ko sa kanya.

"Hindi pa no!" Tinaasan niya ako ng kilay at ngumuso habang ang mga mata naman niya ay parang pipikit na. Tae! Nagpapa-cute ba 'to? Medyo effective, ah! Tsk!

'Yong kaninang rave music na pinapatugtog sa loob ng bar ay napalitan ng mas mellow na kanta na pamilyar sa 'kin. 'Pag ganito na ang eksena sa bar, ibig sabihin ay malapit ng mag 5am at... MALAPIT NA MATAPOS ANG SHIFT KOOOOO! Tae! Pagod na pagod na ako! Ito kasing si Lary boy, pina-inom din ako.

Nagsimula ng tumugtog ang intro ng kanta kaya naman pinakinggan ko kasi nakalimutan ko ang title. Pero bago pa ako makakinig ng mabuti, naramdaman kong pumiglas si Lary sa pagkakahawak ko. Tiningnan ko siya na abala na sa pag-akyat sa counter. Jusmiyo Marimar! Napasapo na lang ako sa noo ko at nilahad ang kamay sa kanya na hindi naman din niya pinansin. Tae! Pag nahulog 'to, magiging kasalanan ko pa, eh.

"Tae naman, Lary boy! Bumaba ka nga!" utos ko sa kanya pero ini-snob lang ako.

"Kiss me! Out of the bearded barley!" pasigaw niyang sabay sa kantang pinapatugtog. Akala ko pa naman papakiss siya! Tae!

Tinitigan ko lang siya ng maigi. Parang ang saya-saya niya. 'Yong wala siyang iniinda na kahit ano. Like she's totally carefree and I think I like this Lary, right now, way more than the Lary I met at the café. Hindi ko na namalayan na may ngiti na pala sa mga labi ko kung hindi pa ako siniko ni Philipp na kadadating lang.

Sinulyapan ko ang kaibigan pero nginusuan lang ako. Gago! Alam ko na kung anong trip nito ngayon, eh.

"Pinagpalit mo na 'ko, Gid? Ang daya mo naman! Mahal kita, Gid, eh!" reklamo niya pero may bahid ng kapilyuhan ang itsura. Sinasabi ko na nga ba, eh!

Lumayo ako kay Philipp pero hindi gaanong malayo kasi binabantayan ko pa si Lary na hanggang ngayon ay sinasabayan pa rin sa pagkanta at pag-indayog ang kanta. Napailing na lang ako sa nakikita.

"Oh kiss me! Beneath the milky twilight!" patuloy pa rin siya sa ginagawang pagsabay.

"Ganda ng chicks, ah! Pakilala mo naman ako, oh! If I can't have you, I'll have her!" panunukso niya sabay kindat sa 'kin at ngisi. Pairap ko siyang binalingan kaya humagalpak siya ng tawa.

"Fuck off, Philipp!" natatawa ko ring pagbabanta sa kanya. Alam ko namang nagbibiro lang siya kaya hinayaan ko na sa mga pakulo niya.

"Wow! Nambabakod agad, ah! Iba talaga kamandag ng isang Gideon Cabasag! Just wow, pare!" eksahiradang tukso niya pero may ngisi pa rin sa mukha. Napatawa na lang kaming dalawa dahil doon. Naputol lang iyon nang tawagin ako ni Lary boy.

"Gidy girl! Baba mo ako, please!" naiiyak niyang pakiusap habang nakalahad ang dalawang kamay na para bang nagpapabuhat sa 'kin.

Napa-tsk na lang ako dahil wala rin namang magawa. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso habang siya naman ay umupo sa ibabaw ng counter, nakalaylay ang dalawang paa.

"Baba na. Hahawakan kita." saad ko sa kanya pero tae! Iniyakan niya lang ako. Ngumawa lang siya sa harap namin ni Philipp, walang pakialam sa paligid. Ako naman ay nalilito na kung ano ang gagawin habang si Philipp naman, tinatawanan lang ako. Tae! Useless mother-eff!

"Gago ka, Gid! Pinaiyak mo 'yong babae! Patay ka diyan!" panunudyo niya sa 'kin habang nakahawak sa tiyan niyang sigurado akong sumasakit na dahil sa kakatawa niya. Gago talaga, eh!

"Hoy, Lary boy! Ano bang gusto mo? Tumahan ka nga!" sabay pahid ko luha niyang humahalo na sa uhog niya. Tae! Kadiri naman nitong babaeng 'to, eh. "Ganda sana, uhugin naman." bulong-bulong ko sa sarili pero patuloy pa rin naman sa pagpahid sa luhog niya. Oh, di ba? Luha plus uhog equals luhog! Talino ko!

Singhot pa rin siya ng singhot. Medyo humupa na rin ang pagtulo ng mga luha niya. "Eh, kasi... ayaw mo akong buhatin, eh." at ngumawa na naman ang babae.

Jusmiyo! Magpapabuhat pa?! Ganito ba talaga siya 'pag nalalasing? Kaya siguro hindi sinamahan ng mga kaibigan kasi nagpapabuhat. Mukha pa namang mas mabigat siya kaysa sa 'kin, eh pero biro lang. May biceps kaya ako!

"Ang laki mo na oy! Kaya mo ng maglakad mag-isa, Lary boy. 'Tsaka aalalayan naman kita kaya baba na, bilis!" mando ko sa kanya pero umiling lang at ngumawa na parang bata.

Naeeskandalo na nga 'yong ibang customer na nasa malapit sa 'min, eh. Buti na lang andito si Philipp para sumalo sa ibang orders ng mga customers, pero ang loko, tawa pa rin ng tawa. Walang kwenta!

"Buhat mo na ko!" sigaw niya ng malakas kaya napatingin ang ibang mga customers sa 'min. Awkward akong ngumiti sa kanila at humingi ng pasensya. Napapasubo pa ako nito, eh.

"Buhatin mo na kasi 'yan." saad ng isang customer sa 'kin na sinegundahan naman ng iba. Napailing na lang ako kasi no choice, eh.

Nilingon ko si Lary na iyak pa rin ng iyak. Hinawakan ko ang dalawang braso niya at ipinatong sa balikat ko habang nakatalikod akong pumusisyon sa harap niya. Piggyback ride na this! Kainis!

"Hawak ng mabuti, Lary boy! Tae ka! Wala akong kasalanan 'pag nahulog ka, ah!" paalala ko sa kanya sabay hawak sa binti niya para maangat na siya roon sa counter at mabuhat na. Nginisihan niya lang ako sabay mahigpit na pulupot sa braso niyang nasa leeg ko na.

"Tae, Lary boy! Papatayin mo ba ako? 'Wag mong higpitan masyado!" reklamo ko sa kanya pagkatapos ay binalingan si Philipp. "Tapos na shift ko, ah! Una na ko, erp!" paalam ko sa kanya.

"Ingat kayo, ah!" sabi niya na may bahid ng panunukso sa mukha sabay kindat. Alam ko kung anong tinutukoy niya. Gago 'yon, eh!

Buti na lang at kinuha ni Philipp ang bag ko sa staff room kanina kaya hindi na ko nahirapan pang bumalik doon. Inangat ko na si Lary boy at lumabas na sa bar. Tae! Ang bigat pala talaga!

Nang makalabas na kami roon, binalingan ko siya para makapagtanong kung saan ko siya ihahatid.

"Lary boy! Saan bang inyo?" tanong ko sa kanya pero walang sumagot sa 'kin. Nang sinulyapan ko ulit siya, tae! Natutulog na pala. Sa'n ko ba 'to ihahatid ngayon? Jusmiyo! Girls only bring problems talaga! Tsk. No choice ako nito.

Visions of Gideon [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon