Hila-hila ako ni Lary papunta sa isang kainan sa pinakadulong parte ng Baywalk. Ito ata ang pinakahuling kainan kaya wala masyadong tao rito. Napatingala ako at medyo natawa sa signage na nasa ibabaw ng pintuan. Above the Sea. 'Yan ang pangalan ng restaurant tapos si Little Mermaid ang logo na may suot na uniporme ng chef at may hawak na crab at isda na katulad ng mga kasama niya. Tae! Ang dark naman nitong prinsesa na 'to. Ginawang sahog ang mga kaibigan.
"Ano pa hinihintay mo, Gideon? Let's get inside already!" singhal ni Lary na nasa may pintuan na, hinihintay akong sumunod sa kanya. Atat naman masyado ni Ma'am.
Tumango lang ako at agad na lumapit sa kanya. Nang nasa loob na kami at naghahanap na ng lamesa ay medyo hindi ako naging komportable. Ewan ko pero parang iba ang lugar na 'to para sa 'kin. Ayaw ko rito. Parang naiinis ako sa lugar o baka first time ko lang kaya ganito. Weird lang ata ako. Ewan!
Umupo kami ni Lary sa four-seater table na nasa labas na bahagi ng restaurant. Kita nito ang kabuuan ng dagat sa harap at ang parte ng isla sa silangan na hindi tanaw ng ibang kainan. Agad din naman kaming dinaluhan ng waiter doon at um-order na para makakain. Medyo nagutom din ako sa "paglalakbay" namin kanina, eh.
"Anong sa 'yo, Gidy girl?" tanong niya sa 'kin. Agad akong napatingala sa kanya pero patuloy lang siya sa pagtitingin sa menu na nasa harap. Tae! Tinawag niya ba talaga 'kong Gidy girl? Seryoso ba? Bigla akong baliw na nangiti dahil do'n at naabutan niya 'yon kaya pinanliitan niya ako ng mga mata.
"What?"
Napangisi ako lalo. Tae! Baka ano pa isipin niya sa 'kin, eh. Umiling lang ako habang medyo natatawa.
"Ano nga?" malditang tanong niya sa 'kin pagkatapos niya akong hampasin sa braso no'ng menu na hawak niya. Tae! Sadista talaga nito. Napahawak na lang ako sa braso ko at napanguso. Nagpapacute sa kanya maski na alam kong walang epek. Imbis na magmaldita pa lalo sa 'kin, napansin kong may pinipigilan siyang ngiti rin kaya mas lalo akong nangiti. Tae! Puso ko! Shit!
"Para kang tanga!" saad niya. Ngayon, natawa na talaga siya. Tae! First time kong marinig na tumawa siya na hindi lasing. Napatawa na lang din ako kasabay niya.
"Ang cute." bulong-bulong ko sa sarili. Narinig niya pala 'yon kaya natigil siya sa pagtawa at napatingin ng seryoso sa 'kin.
"Gusto mo 'ko, 'no?" diretsong tanong niya sa 'kin. Walang halong biro. Medyo tumalbog puso ko nang marinig ko 'yon. 'Di ko naman kasi inakala na itatanong niya sa 'kin 'yon, eh. 'Tsaka feel ko maaga pa para sabihin na gusto ko siya. Pero gusto lang naman, 'di ba? Hindi naman mahal. Tae naman, oh!
"Silence means yes." saad niya habang tiningnan ang mayapang dagat sa harap. "So gusto mo nga 'ko? Naninigurado ako." ulit niya pa.
Natawa ako sa kakulitan niya. I didn't know she has this side, na naninigurado talaga. Akala ko kasi go lang siya ng go kung anong mangyari.
Isang beses akong tumango. "Oo nga." sagot ko sa kanya. "Bawal ba?"
Tumitig siya sa 'kin bago umiling. "Gusto rin naman kita kaya okay lang." Walang pag-aalinlangang hayag niya sa 'kin. Seryoso siya no'ng sinabi niya 'yon kaya nanlaki ang mga mata ko. Tae! Ba't ang bilis ng pintig ng puso ko? Para akong hinahabol ng aso, eh. Hindi ako nakapagsalita agad, pinoproseso pa ng utak ko 'yong sinabi niya kanina.
Tinitigan ko lang siya na um-order para sa 'ming dalawa. Tae! Ang saya ko lang. Shit! Pagkatapos niyang umorder ay tumingin siya sa 'kin at ngumiti. Napangiti rin ako sa kanya. Tahimik naming dinamdam ang kapaligaran at ang kasiyahan na sa 'ming dalawa lang nakabahagi.
Nang dumating ang mga in-order naming pagkain, nagsimula rin kaming magkwentuhan. We shared a lot about ourselves. Nalaman ko rin na mag-isa na lang na tumataguyod ang mama niya sa kanilang dalawa ng kapatid niya. Military ang papa niya noon at nabaril sa Mindanao. Kaya rin medyo astigin siya kasi tini-train sila ng papa niya no'n. Pero iba ang astigin sa maldita, ah. Maldita 'to, eh. Nakakatuwa na malaman ang mga ganitong bagay sa kanya.
"Ba't gusto mo rito?" tanong ko sa kanya nang maalala na sinabi niyang gusto niya itong restaurant na 'to.
"They play sad songs here." seryoso at walang ganang sagot niya. "Obvious nga di ba? Listen!" utos niya sabay turo sa speaker na nasa itaas na bahagi na nasa isang corner.
Nakatugtog ang isang kantang hindi ko alam pero parang pamilyar din sa 'kin. Parang narinig ko na 'to noon. Pinakinggan ko ang lyrics at malungkot nga siya.
"Visions of Gideon." biglang saad ni Lary habang nakapikit ang mata at nakikinig din sa kanta. "One of my favorite songs."
"Ano?" nalilitong tanong ko sa kanya. Dumilat siya at tumingin sa 'kin.
"Visions of Gideon. Title no'ng kanta." saad niya na tinanguan ko lang. Ilang sandaling katahimikan ay sinabayan niya ito.
"I have loved you for the last time. Visions of Gideon. I have kissed you for the last time. Visions of Gideon" pagsabay niya sa malungkot na kanta.
"For the love for laughter, I flew up to your arms. Is it a video?" sabay ko rin sa kanta. Napahinto ako agad dahil sa nagawa. Nalito ako dahil hindi ko naman alam 'tong kanta na 'to pero ba't ako nakasabay. Tae!
Hindi naman 'yon napansin ni Lary kasi abala pa rin siya sa pakikinig sa tugtog habang nakapikit ang mata. I smiled. Pero 'yong ngiti na may halong pait at sakit. Looking at her like this made me feel an overwhelming longing and sadness buried deep within. Hindi ko alam kung bakit pero nalulungkot ako at nananabik sa isang bagay na wala akong ideya kung ano. Dapat masaya ako ngayon pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman. Para bang ang tagal na niyang nakabaon at ngayon ay pinipilit na magpaibabaw muli.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Masakit ang bawat pulso nito sa dibdib ko na para ba akong tinutusok ng mga karayum. Maliliit pero marami. Mabilis ang pagtusok pero nanunuot ang sakit. Napatingin ako sa dibdib ko at napahawak doon. Ano bang nangyayari sa 'kin?
Napabaling akong muli kay Lary. Nakatingin siya sa 'kin na tila walang kaalam-alam sa nangyayari sa 'kin. Hindi niya napapansin na nasasaktan ako. Like she's there but she's not also there. Nababaliw na ata ako.
Nginitian lang ako ni Lary. Ngiti na puro at totoo. Ibang-iba sa ngiti na sinukli ko sa kanya. May sakit, lungkot, pangungulila, pagsisisi.
Am I losing my mind? What is wrong with me?
BINABASA MO ANG
Visions of Gideon [ON HOLD]
Fiksi UmumAre those part of his memories? Or are those just his hallucinations? All Gideon wants is to forget everything that is assimilated to her -- the pain, the memories, the guilt. The only way there is to do, is to take a walk down memory lane and remem...