Huminto ang sasakyan sa lugar na hindi ko alam. Wala rin naman kasi akong makikita kasi nga, nakapiring ako, erps!

Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto ng sasakyan sa banda ni Lary. Agad ko rin naman naramdaman ang pagbukas ng pinto sa banda ko. Hindi ako nag-alala kasi alam ko naman na si Lary lang 'yon.

"Labas na, love." mando ni Lary sa 'kin habang inaalalayan ako sa pagbaba. Nakapiring pa rin kasi ang mga mata ko at siya lang ang inaasahan ko na maggiya sa 'kin sa kung saan.

"Saan ba tayo, Lary boy?" tanong ko sa kanya.

Hila-hila niya kasi ako habang naglalakad kami. Sinasabihan niya lang ako kung may nakaharang ba sa harapan ko at ginigiya niya naman ang katawan ko para makaiwas doon.

"Just wait lang kasi, Gid." reklamo niya sa 'kin.

Kanina pa kasi naglalakad patungo sa kung saan. Akala ko kanina na nakarating na kami sa destinasyon namin pero ang sabi lang ni Lary ay hinatid niya raw muna ang sasakyan sa apartment at maglalakad pa kami papunta sa lugar na panghuli naming pupuntuhan.

Ibig sabihin lang nito na nasa malapit lang sa apartment ang naisip na ideya ni Lary sa date namin. I don't mind kaya hinayaan ko na lang siya sa kung anong gusto niya.

Naramdaman kong huminto si Lary sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Naririnig ko ang kaunting ingay mula sa loob ng isang building. Naghahalong mga ingay ng mga nagkakantahang mga tao. Iba-ibang kanta rin ang naririnig ko. I think I know where we are right now.

"Oh, God!" I exclaimed lowly pero narinig pa rin 'yon ni Lary kaya natawa siya.

Napailing na lang ako sa mga naiisip niyang gawin. Crazy woman!

Tiningnan kong muli ang gusali na papasukan namin ni Lary. Mga kumukurap na neon lights na signages ang makikita sa labas.

GimiKTV

'Yan ang nakasulat sa signage na nasa labas ng gusali. Ibig sabihin, magka-karaoke kami ni Lary. Tae! Hindi pa naman ako mahilig sa mga kantahan pero mukhang mapapasubo ata ako nito ngayon, eh. I know Lary won't like it if I say no to her whims.

"Do you like it, Gid?" tanong niya sa 'king habang malokong nakangisi sa 'kin.

Unti-unti rin niyang ipinulupot ang mga braso niya sa baywang ko at ipinatong naman niya ang baba niya sa balikat ko.

Sinuklian ko siya ng pabirong simangot habang umiiling. "Your ideas are out-of-bounds, you know that?"

Humagalpak siya ng tawa dahil sa sinabi ko. I always find her laugh mellifluous and sweet pero may kung ano sa tawa niya na pumupunit sa puso ko at hinuhukay ang kalungkutan na matagal nang nakabaon. Parehong nakakapagpasaya sa 'kin pero nagpapalungkot din.

I pushed the thought aside. Dapat special ang araw na 'to kaya hindi ko dapat ito hahayaang masira dahil lang sa mga naiisip kong walang katuturan na mga bagay.

Pumasok na kami sa loob ng gusali at agad naman kaming sinalubong ng iba't ibang nasusuklubang mga tunog na nanggagaling sa mga kwarto na naroon. Pinagmasdan ko ang mga kwarto at lahat nang 'to ay may one-way glass window. Hindi mo makikita ang loob galing sa labas pero makikita mo ang labas galing sa loob, gets niyo, erps? At sa reception area naman ay may billiard tables para sa mga gustong maglaro nito.

Visions of Gideon [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon