"Goodbye love." Nangangatog ang mga tuhod ko't nanghihina ako habang tinitignan siyang tumatalikod na sa akin.
"Don't call me love anymore please." Malamig na sambit niya habang patuloy pa din sa paglalakad palayo.
"Can I ask one more favor before I go?" Nanghihina na ako, ngunit nagawa pang kumawala ng mga salitang umiikot sa aking isipan.
"Ano 'yon?" huminto siya upang pakinggan ang sasabihin ko.
"Can I hug you? Please...last na," hamagulgol ako, habang nagpipigil ng mga luha. Hindi ko alam bakit ko pa ito pinipigilan, halata namang ito'y nakawala na.
"I don't want to let you go," Mabilis siyang lumapit sa akin at hinagkan ako ng buong-puso.
"What are we if we're not together?" Tanong ko sa kanya at medyo natawa. I got used to him being with me always, I never thought I'd give up on the man that I love.
"Dreamers, we aleays have high hopes. Let's make those dreams a reality, Okay?" Bulong niya habang paulit-ulit na hinalikan ang noo ko.
You'll always be my dream spade...
Yun na ang huli naming pagkikita bago ko siya iniwan... para hanapin ang sarili ko. How can I accept someone else's love if I can't even accept myself? Napaka positive niyang tao at napakaganda ng future niya, hindi ko hahayaang masira ng isang katulad ko ang lahat ng pinaghirapan niya sa buhay... hindi pa ako ready na pakawalan siya, pero susubukan kong pakawalan ang pagmamahal at mga memories kasama siya, kasama si Spade. kahit ang ibig sabihin pa nito ay maaaring pagbalik ko wala na akong babalikan pa.
Hindi totoo ang mga nakasulat sa libro ng mga bata, hindi totoo ang Happy Ending. Nabulag ako ng mga kuwentong nababasa ko mula pagkabata, napaniwala nila akong kaya kong ipaglaban ang isang bagay na di ko pala kaya.
"Sure ka talaga?" Tanong ni Mira sa akin.
"Sure na sure na ako." sabi ko sa kanya habang tinutulongan niya akong ipasok sa sasakyan ang mga bagahe ko.
"Like i always say Running Away won't solve your Problems," sabi ni Dash kaya tumulo nanaman ang luha ko.
"It won't solve my Problems, Dash but it will solve his." sabi ko sa kanya at ginulo ang buhok niya.
Flashback....
Love? Paano kung hiram lang pala ang mga sandali natin?" Tanong ko sa kanya
"Edi luluhod ako kay God at hihinging dagdagan pa ang mga oras na magkasama tayo, kahit hiram lang ito gagawin ko ang lahat para mapahaba ang oras natin love," sabi niya sa akin.
Naalala ko ang mga pag-uusap namin kagabi. Na mas lalo lang nagpalalim sa mga iniisip ko.
"Paano kung may iba pang plano ang tadhana para sa atin? Paano kung hindi pala ako?" tanong ko ulit.
"Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko Axiffer Lexillian Kardova soon to be Mrs. Andres." Sabi niya at siniil ako ng halik tumutulo ang luha ko habang pilit na pinapalitan ang mga matatamis niyang halik.
Eto na ang huli kong halik sa mga labi mo Love, eto na ang huling beses na makikita ko ang mga ngiti mo, eto na ang huling beses na ako ang dahilan ng bawat tawa mo sana mapatawad mo ako.
"Lex? May problema bah?" Tanong niya sa akin sabay pahid ng luha ko.
"I wanna break up with you Spade." sabi ko sa kanya kaya napaayos siya ng upo.
"Nagjo-joke ka ba Love?" Tanong niya at natawa
"Mukha ba akong nagjo-joke, Ha spade?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Crashing My Ride in Buenaflor
General FictionSi Axiffer Lexillian Kardova ay ang gala queen na di mapakali pag nasa bahay lang ito. She is expected to be a model but she really wants to be a Track Racer, will her fate be change pag makilala niya na si Mr. Aral Muna ng Buenaflor? samahan niyo a...