CHAPTER VI

32 34 0
                                    

"Bakit san ka ba lagi pumupunta?" Tanong ko kay Spade nasa bahay nila ako ngayun, nakatira pala siya sa Lola niya dati pero nong namatay kinupkop siya ng matandang kaibigan ng Lola niya na kapitbahay lang nila.

"Nagtratrabaho, ihahatid kita sa bahay niyo ha! Huwag ka na sumama dun" sabi ni Spade.

"Gusto ko sumama, tutulong ako Promise" sabi ko sa kanya

"Edi ikaw bahala" sabi niya at humalik na sa kay Lola Elsing ang matandang kumupkop sa kanya.

"Babye po Mommy" sabi ko at humalik sa cheeks niya.

"Pagpalain kayo apo, naway tumagal ang Relasyon niyo. Gusto kita para kay Ispeed" sabi ni Mommy Elsing.

"Spade po lola" pagco-correct ko.

"Aynaku pareho lang yun, tumatanda na ako apo kaya di na ako makapagsalita ng maayos" sabi ni lola kaya naintindihan ko naman.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Merakle.

"Dumalaw halata bah?" Tanong ko kay Merakle.

"Ba't ka dumadalaw?" Tanong ni Merakle.

"Ba't ko naman kailangan ipaliwanag sayo?" Tanong ko rin

"Ekel bakit ba sigaw ka ng sigaw ha hija? Di gawain ng mga dalaga nong kabataan ko ang sumigaw ba't di mo gayahin si Alexa" sabi ni Mommy Elsing.

"Oh narinig mo? Ba't di mo daw ako gayahin" pag-uulit ko sa sinabi ni Mommy Elsing para mapikon ang feeling Girlfriend na babaeng iyan.

"Naku lola pabay-i nang bayi nga na bigaon na" sabi niya kay lola kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ay paghalin di bi! Ngaa kabastos ka baba mo ekel man? Walang ginagawa sayo si Alexa" sabi ni lola.

"Hindi ko siya gusto" sabi ni Merakle.

"Gusto siya ni Ispeed wala ka mahimo bestfriend ka niya dapat gusto mo man si Alexa" sabi ni Mommy Elsing

"In her dreams" sabi ni Merakle

"Ay paghalin di sa atubangan ko bi" sabi ni Mommy Elsing dahil sa inis.

"Ready na ba kayo?" Tanong ni Spade.

"Wait sasama siya?" Tanong ni Merakle.

"Well duh! Eh ikaw ba't ka sasama?" Tanong ko sa kanya.

"Eh sa malamang magtratrabaho din ako, boba!" Sabi ng nakakainis na babae at umalis na.

"Mauna na po kami" sabi ko kay Mommy Elsing at naglakad na. Di naman pala malayo sa amin tong bahay nila Spade eh, pareho lang naman ng Baranggay.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Spade.

"Wala ka ng pake dun! Wag ka na kasing sumama" sabi ni Merakle.

"Gusto ko nga sabing tumulong" sabi ko kay Merakle.

"Wala ka namang maitutulong dun eh" sabi ni Merakle.

"Ayan na ang Tricycle oh, sakay na tayo" sabi ni Spade.

Nakakainis talaga yang babaeng yan inuubos ang pasensya ko nauna ba namang maupo sa harap at inalok si Spade na umuposa tabi niya.

"Okay lang sa likod nalang ako si Alexa nalang jan" sabi ni Spade at halatang naiirita ang haliparot na babaeng yun sa sinabi ni Spade ako rin naman eh, baka malipat sakin germs niya yucks!

"Huwag ka ngang dumikit sa akin, yung skin mo ang oily" sabi ni Merakle.

"Di yan oil shunga! Lotion yan. At huwag ka ring dumikit sakin yung buhok mo lumilipad lilipat sakin yung mga kuto mo" sabi ko sa kanya.

Crashing My Ride in BuenaflorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon