CHAPTER I

58 48 5
                                    

"Axiffer! Halika na andun na ang papa mo" sabi ni mama habang nagsisintas ako ng sapatos ko. I was 10 years old.

"Uuwi naman kayo diba?" Tanong ni Mira bestfriend ko.

"Pipilitin ko" sabi ko sa kanya at niyakap siya sa huling pagkakataon

Laging umaalis si papa taon taon dahil sa Trabaho niya. Di ko alam kung ano ang trabaho niya basta isang araw nabalitaan nalang namin ni mama na nasa South Africa daw siya, gusto niyang sumunod kami ni mama doon.

"Promise me you'll always call, Okay" sabi ni Mira habang nag-pupunas ng luha. Iyakin talaga siya.

"Di magkabalaka oi! Syempre tatawag ako" sabi ko sa kanya at ibinigay ang Power Rangers Figurine ko.

"Labutaw ka gid! You're going to leave then give me an astronout riding a bike? Ano toh sasakyan ko para sumunod sayo sa Africa?" Tanong niya.

"Mas labutaw ka! Power Rangers yan tanga! That's my best toy kaya alagaan mo yan" sabi ko sa kanya at lumabas na ng kwarto habang sumusunod siya.

I don't know if dapat ba akong sumaya o hindi but our flight got cancelled kasi tumawag ang isang kasamahan ni Papa na nawawala raw siya sampong araw na kaya napilitan kaming umuwi sa Tacurong.

Eversince then hindi na namin nahanap si Papa. Mom had to work really hard para masustentuhan niya kaming pareho. Good thing Mira was there, iniiwan ako ni mama sa kanila at magslee-sleep over ako sa kanila. O di kaya naman ay isinasama nila ako where ever they go kaya lagi kaming magkasama hanggang sa lumaki nalang kaming ganun.

"I call dibs on the wings" sabi ni Mira sabay hablot nong pakpak ng lechon manok. Di ko ba alam bat ang hilig mag ingles ng babaeng yan lagi nga yang nabu-bully sa school noon dahil di marunong magsalita ng ilonggo.

"Edi wow breast part kaya yung gusto ko" sabi ko sa kanya at nagsimula na ring kumain.

"Bakit dahil flat ka?" Tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Paghipos ka dah pagtapos ko kaon matoast ka gid sakin" sabi ko at nagsimula na ring kumain. Nasa bahay kami ni Indigo.

"Ang tatakaw inunahan pa akong kumain" sabi ni Indigo nang makarating ito.

"Sino yung lalaki kanina sa labas?" Tanong ko sa kanya.

"Ah yun trabahador ni tito" sabi niya at nagsimula na ring kumain.

"Huh? Eh diba under 18 pa yun" tanong ko.

"Nakikiusap eh kailangan daw ng trabaho" sabi ni Indigo.

"Bakit Lex crush mo noh?" Tanong ni Mira.

"Hala hindi kaya, gwapo lang" sabi ko at humagalpak sa tawa.

"Ang landi" sabi ni Indigo at nakipag-apir pa si Mira sa kanya ha.

"Correct ka jan girl" sabi ni Mira.

"Gwapo nga kasi pero di ko yun type" sabi ko sa kanila at tinignan naman nila ako na di naniniwala.

"Ano bang pangalan?" Tanong ko at natawa si Indigo.

"Hindi daw crush ha" sabi ni Mira.

"Hindi nga" sabi ko.

"Spade ata pangalan" sabi ni Indigo.

"Ah spade" sabi ko at lumamon na.

"Don't be shy, landiin mo na" sabi ni Mira at nauna nang nag-aproach kay spade sumunod naman ako, ako ang may crush sa kanya eh.

"Hi!" Bati ni Mira pero tinignan lang siya nito.

"You're so suplado but yeah I can work with that. Speaking of suplado do you want to make landi with my friend Alexa? She's single ready to mingle" sabi ni Mira halos takpan ko na ang mukha ko sa hiya pero nalimutan ko wala pala akong hiya.

Crashing My Ride in BuenaflorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon