Masaya kaming umalis sa Apartment ni Mira at di ako magbibiro o magsisinungaling talagang matapos ang mahabang panahon naging sobrang saya ko. Naging masaya ako ulit ng di dahil sa mga kaibigan ko, kundi dahil sa taong mahal at tanggap ako. Kakaiba si Spade sa dating mga manliligaw ko ay di ko na pala siya manliligaw we are a real couple now, Usually dinadala nila ako sa mga Masasarap na kainan sila ang pumipili ng papasyalan at ng kakainan pero si Spade he made me choose. Ayaw niya raw na di ko magustuhan ang Lugar na piliin ko dahil kaya nga daw kami lumabas para mapasaya niya ako.
"Gusto kong kumain ng tusok-tusok" sabi ko kaya natawa naman siya.
"Sigurado ka ba?" Tanong niya ulit sa akin. Talagang matagal ko nang gustong kumain sa mga nagpapabenta ng mga tusok-tusok na ganun wala lang nag-aaya o di naman kaya masyado silang sosyal para sa mga ganung klase ng pagkain.
"Ikaw palang ang babaeng kakilala kong mas gugustuhing kumain ng tusok-tusok kesa sa mg mamahaling Restaurant" sabi ni Spade.
"Baka di mo napansin Love iba ako sa ibang babae" sabi ko kaya napatawa siya.
"Ba't love? Gusto ko Wifey and Hubby" sabi niya kaya kinagat ko siya sa may braso.
"Aray bat ka nangangagat?" Tanong niya sa akin.
"Love nga kasi ang gusto ko, sa susunod na magreklamo ka kakagatin kita" sabi ko kaya tumawa na lang siya.
"Yes madam!" Sabi niya habang tumatawa.
Naghanap kami ng mapa-parkingan sa Palengke. Sinundan ko lang siya dahil di naman ako lagi dito sa palengke kaya di ko alam saan dapat pumunta.
"Ate dalawang buko juice nga" sabi niya at ibinigay sa akin yung naunang ibinigay.
"Salamat po" sabi niya at lumipat kami sa kabila sa may bandang isawan.
"Aray ang init" sabi ko at hinuyop. Sino ba naman kasing tanga kakakuha nga lang sa lutuan kinagat na agad.
"Huyupin mo kasi! Ang takaw" sabi niya.
Nakaka sampong isaw na ako at ganun din siya. Naubos na ang inumin namin kaya bumili siya ulit.
"May sauce sa mukha mo ObOb" sabi ko.
"Di ko naman pinapakealaman yang sukang tumutulo sa isaw mo ah" sabi ni spade.
"Dun naman tayo sa fishball" pag-aaya ko magbabayad nasana ako kaso inunuhan niya ako.
"Ate dalawang fishball nga yung tag sampo" sabi ko at iniabot agad yung bayad para di niya ako maunahan.
"Ako na magbabayad eh" sabi ni spade.
"Hindi lang naman ikaw yung kumakain Love, take turns nalang tayo okay?" Tanong ko sa kanya.
"Sige ako na magbabayad dun sa sunod ha" sabi ni Spade at tumango naman ako. Nang maubos namin ang fishball ay lumipat na kami doon sa may nagpri-prito ng manok.
"Kol tatlo daw" sabi ni Spade.
"Bat tatlo?" Tanong ko sa kanya.
"Eh syempre ang takaw mo baka humingi ka pa sa akin" sabi ni Spade. Naamoy ko rin yung nagpapabenta ng mga Fried Grasshopper kaya dun naman kami pumunta sunod.
"Yucks kumakain ka niyan?" Tanong ni Spade.
"I told you Love, I'm not like the other girls" sabi ko at nagbayad na kay kuyang nagpapabenta.
"Subukan mo kasi!" Sabi ko
"Ayaw ko nga" sabi niya.
"Ayaw mo? Edi wag" sabi ko at sinamaan siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Crashing My Ride in Buenaflor
General FictionSi Axiffer Lexillian Kardova ay ang gala queen na di mapakali pag nasa bahay lang ito. She is expected to be a model but she really wants to be a Track Racer, will her fate be change pag makilala niya na si Mr. Aral Muna ng Buenaflor? samahan niyo a...