Nang sumunod na araw pinilit talaga ako ni mama na puntahan ang lalaking yun, hinayupak siya eh di ko naman sya binangga mapapasorry pa ako sa kasalanang di ko naman ginawa.
"Sino ka?" Tanong sa akin ng hinayupak.
"Ako yung gipasok mo sa gulo pre" sabi ko at tinarayan siya.
"Di ko kayo pinilit na ipa-ospital ako" sabi niya na di man lang tumitingin sa akin.
"Ako pinilit kita magsabi ng totoo" sabi ko at ngumiti sa pamimilosopo na pakikitungo.
"Why are you here?" Tanong niya sa akin.
"Pinilit lang ako" sabi ko at tinignan siya ngayun na nakikita ko na ang mukha niya namimukhaan ko na siya.
"Pake ko?" Tanong niya sa akin.
"Hinayupak ka! You're spade right?" Tanong ko sa kanya.
"Oh kilala mo ako? Stalker" sabi niya at tinignan ako ng sandali.
"Luh Stalker daw, asa ka!" Sabi ko at tinarayan siya. Hindi ko alam bat naging crush ko toh noon ang pangit ng ugali.
"Eh bat mo ako kilala?" Tanong niya sa akin.
"Wala ka ng pake dun" sabi ko at aalis na sana ng tinawag niya ako.
"Alexa! Sorry" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Oh kilala mo ako? Stalker" pangagaya ko sa sinabi niya kaya napangiti siya.
"Ngayun lang kita namukaan, sorry Ate kung nasali pa kita sa Problema ko" sabi niya mukhang problemado masyado ang lalaking toh ah, pangitiin ko muna bago ako umalis.
"Awtss gege Ate pala" sabi ko kunwari nasaktan.
"Mahilig ka pa din sa bata?" Gulat na tanong nito.
"Alam mo masasapak na kita, pinagmumukha mo sakin na ang tanda ko" sabi ko sa kanya.
"Mas matanda ka naman talaga ng dalawang taon sa akin eh" sabi niya.
"Ano ba ginagawa mo dun nong isang Araw?" Tanong ko sa kanya at iniba na ang topic dahil masyado na akong pikon.
"Bigla nalang kasi ako nakaramdam ng sobrang sakit ng tiyan, nakadagdag pang nahihilo ako" sabi niya.
"Kulang ka ata sa kain kaya ka nanghihina halatang walang jowa, walang nag-aalaga eh" sabi ko sa kanya.
"Ikaw naman masyadong ma-attitude halatang tatanda ng dalaga" sabi niya kaya nasapak ko na talaga siya.
"Aray naman! Isa pa tatanda ka talaga ng dalaga" sabi niya kaya sinapak ko pa siya ulit.
"Nurse! Nurse! May takas sa mental gusto akong patayin" sigaw niya habang sinasapak ko siya, nang makuntento ako ay ang sama ng tingin niya sa akin.
"Tinitingin-tingin mo?" Tanong ko sa kanya.
"Wala! Lumayas ka na nga, palibhasa matanda" sabi niya kaya napasapak ako ulit.
"Aalis na ako nakakapikon ka, bwesit!" Sabi ko at umalis na nga para maghanap ng Aliw.
Tinawagan ko si Kula kung nasaan sila at pumunta ako dun. Kasali ako sa isang all girls motorcycle club, wala namang kahit anong special nagsasama lang kami kung gusto naming mag-ride ganun.
"Wala akong dala, kakainis kasi nakabangga kuno ako" sabi ko sa kanila.
"Sakay ka na muna sa akin, san ba tayo pupunta?" Tanong ni Kula sa akin. Ako ang kadalasan nilang tinatanong dahil mas marami akong naiisip na magandang puntahan kesa sa kanila.
BINABASA MO ANG
Crashing My Ride in Buenaflor
General FictionSi Axiffer Lexillian Kardova ay ang gala queen na di mapakali pag nasa bahay lang ito. She is expected to be a model but she really wants to be a Track Racer, will her fate be change pag makilala niya na si Mr. Aral Muna ng Buenaflor? samahan niyo a...